I

22 0 0
                                    

School is finally over! No more waking up early, homeworks, quizzes, strict teachers and baon as well. But yes to sleeping late and more time to hang out with my friends.

Speaking of friends, niyaya nga pala ako ng kaibigan kong si Trisha na pumunta sa kanila at manuod ng bagong palabas na binili ng mama niya. Gustong gusto ko pa naman mapanuod yun kasi paborito kong artista yung bida dun kaya tinext ko na si Trisha kung anong oras ako pupunta sa kanila.

To: Ish ❤️
Ishhhh! Ano oras tayo manunuod?

From: Ish ❤️
Mga 3pm kaya before 3 dapat andito ka na, oki?

Tinignan ko yung orasan at nakita kong 1pm pa lang. May oras pa ako para maligo at makapag-ayos. Mabagal kasi akong kumilos hehe.

To: Ish ❤️
Okiii. See u! 😘

After sending my reply, nagmadali na akong pumuntang banyo para makaligo dahil baka mabwisit pa yung babaeng yun kapag late ako nakarating sa kanila.

After 1hour and 30mins na pag-aayos, natapos din ako. Oh diba? Ang bagal. Hahaha!
Tinignan ko muna ang cellphone ko para icheck ang social media accounts ko.

*scroll*
*may nakitang magandang post so like."
*scroll*
*repeat 100x*

*beep*

Nagtext pala si Ish. Teka, anong oras na ba? Halaaa? 2:55pm na? Waaaaah? Makapunta na nga kila Ish at baka mabeastmode pa yung babaeng yun.

Nagsimula na akong maglakad. Malapit lang naman ang bahay nila mula sa bahay namin kaya mabilis akong nakarating. Kumatok agad ako sa pinto nila at sinalubong ako ng mama niya.

"Oh Shey! Andito ka na pala. Hinihintay ka na ni Ish sa may sala, pumasok ka na at dumiretso dun."

"Ah sige po tita hehe."

Dumiretso na ako sa sala at nakita kong naka-ayos na ang tv at dvd na papanuoran namin. Ako na lang pala ang kulang haha. Excited na akoooo!

"Hi Ish! I'm hereeee! Nuod na tayo?!"

At sinimulan na namin ang palabas. Ang ganda nung palabas, sobrang nakakakilig. Ganito yung love story na pinapangarap ng karamihan. Yung mapansin ka ng taong gusto mo, maging kayo at magmahalan habang buhay. Diba ang saya? Kaso asa pa ako.
Hayyyy! Kelan kaya ako mapapansin ng taong gusto ko?
Habang nagmumuni-muni ako, bigla akong pinitik ng bestfriend ko sa noo.

"Huy okay ka lang ba? Bat ka nakatulala at nakangiti na parang ewan tas biglang malulukot mukha mo? Nababaliw ka na ba?"

"Ano ba yun? May naisip lang ako, nababaliw na agad?" -___-

"Sus! Sino na naman ba yang iniisip mo? Si Kyle na naman ba? Sabi ko na sayo! Di ka papansinin nun. At isa pa? Masyado pa tayong bata para sa love love na yan."

At heto na naman po tayo sa paglilitanya ng bestfriend ko. Ay teka! Di pa pala ako nakakapagpakilala.

Ako si Sheiah Andrea Smith. 17 years old. Half Pinoy, Half American. Born and raised here in the Philippines. At yung nanenermon naman sakin ay ang bestfriend kong si Trisha Fey.
At yung sinasabi niyang Kyle? Yun yung kapitbahay namin na crush na crush ko. Ewan ko ba! Pero sobra ko siyang crush kasi sobrang gwapo niya pero di nya ako pinapansin eh. -_- pero kahit ganun, crush ko pa din siya hahaha.
Hayyy. Isipin ko pa lang siya kinikilig na ako. Pano pa kaya pag pinansin na niya ako? Baka mamatay ako sa kiliggg!!! Joke. Ang oa ko na.

"Ano? Tapos ka na ba mangarap?"

Okay. Panira talaga ang bruhaa hahaha. Wala kasing crush!

"Alam mo? Ang dami mong alam. Tutal tapos na tayong manuod, tara labas tayo. Punta tayong court at manuod ng mga naglalaro. Balita ko ngayon ang simula ng liga satin. Tara tara!"

"Sus! Gusto mo lang makita si Kyle kasi kasali siya eh. Mga palusot mo din eh!"

"Ano ka ba? Pinagsasabi mo diyan? Puro ka Kyle! Ikaw ata may crush dun eh. Tara na nga!"

At napilit ko din siyang manuod. Habang naglalakad kami papuntang court, nakasabay namin si Toffie  short for Kristoffer na papunta din doon para manuod.

Pagkarating namin dun, medyo konti pa lang ang tao. 6pm pa kasi ang start eh 5pm pa lang kaya humanap na kami ng magandang pwesto para makapanuod kami ng maayos.

Habang naghihintay sa unang laban, nagkwentuhan muna kaming 3 ng tungkol sa mga balak naming gawin this summer nang biglang umingay ang court dahil dumating na pala ang unang pares ng team na maglalaban. Nakita agad ng mga mata ko ang taong hinahanap ko..si KYLE! <3

"Huy tignan nyo! Andyan na sila Kyle! Grabe ang gwapo niya talaga!"

Tinignan lang ako ni Ish na parang walang kwenta yung sinabi ko. Ahh! Bahala siya diyan! Basta ang gwapo talaga ni Kyle! Hahahaha.

5 minutes na lang at magsisimula na ang laban kaya nagsimula ng magwarm up ang mga players. Habang nagwawarm up sila, na kay Kyle lang ang mga mata ko nang biglang may lumapit sa kanyang isang lalaki na nakasuot din ng jersey nila. Ngayon ko lang siya nakita kaya nagtaka ako.

"Toffie? Kilala mo ba yung lalaki na yun? Yung lumapit kay Kyle?"

"Yung naka number 8 na jersey ba?"

"Oo, siya nga. Ngayon ko lang siya nakita eh."

"Ah, hugot ng team natin yan. Si Ryle. Magaling kasi at gwapo pa!"

Pagtili nya. Lumalabas tuloy pagiging beki nito ni Toffie eh hindi pa naman siya naglaladlad. Yari ka talaga kapag nalaman ng dad mo. Hahaha joke! Pero tinignan ko yung Ryle. Sus! Mas gwapo pa si Kyle kesa sa kanya at tiyak ko. Mas magaling din si Kyle magbasketball kaysa sa kanya.

Nagsimula na ang laban. 1st quarter pa lang ng game, mainit na ang laban. Rival kasi ang team na 'to. Last Summer, sila ang magkalaban sa grand finals at sadly natalo ang team namin dahil napilayan si Kyle kaya sigurado ako, babawe ang team namin at kami ang magchachampion this year.

4th quarter na at one minute na lang, lamang ang kalaban ng one point at sa kanila pa ang bola pero dahil sa bilis at liksi nung Ryle ba yun? Naagaw nya yung bola at nakashoot siya ng 3points at dahil dun kami ang nanalo sa unang laban. Halos maubos ang boses namin kakasigaw dahil sobrang ganda ng laban..

"Grabe Shey! Ang galing nung Ryle! Kung hindi dahil sa kanya, baka natalo tayo."

Biglang sabi ng bestfriend ko. Okay fine. Magaling nga siya pero mas magaling pa din para sakin si Kyle.

Pagkatapos ng laban, niyaya ako ni Ish na pumunta sa katapat na tindahan ng court para bumili ng pagkain. Habang bumibili, biglang lumapit ang team nila Kyle sa banda namin.

"Uy! Ish, Shey! Andito pala kayo? Napanuod nyo ba yung laban namin?"

Tanong ng kuya ni Ish na si Kuya Tristan. Para ko na din siyang kuya sa sobrang close ko sa family nila.

"Oo kuya napanuod namin. Congrats! Ang galing nyo!"

Sinabi ko yun habang nakatingin kay Kyle pero hindi nya yun nakita kasi sa phone nya sya nakatingin. Hay! Kelan mo ba kasi ako mapapansin? Sana cellphone na lang ako para nasa akin lagi atensyon mo.

Habang nangangarap ako, bigla na lang kaming hinila ni Kuya Tristan at pinakilala sa bagong teammate nila.

"Ish, Shey, si Ryle nga pala. Ryle si Ish kapatid ko at si Shey bestfriend nya na para ko na ding kapatid."

Inabot nya yung kamay nya sa amin at dahil ayoko naman maging rude, inabot ko ang kamay nya at nakipagshake hands.

"Nice to meet you."

Nginitian nya ako kaya nginitian ko din siya pabalik. Naramdaman kong hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko kaya't hinila ko na agad ang kamay ko pabalik at nagpaalam na sa kanila sabay hila kay Ish pabalik sa bahay nila.


That was our first encounter. I can still remember it clearly. And I wish, I didn't let go of your hand.

Missed ConnectionWhere stories live. Discover now