Chapter 2 Prince

230 23 1
                                    

Chapter 2 Prince

***JHUDE POV***
"H-Hoy!" iyan ang tanging namutawi sa labi ko habang hindi makapaniwalang tinititigan ang lalaking ito na malay ko kung sino. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa kanya ngunit masyado mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Is this what they called kidnap? Sa mismong opisina ko pa talaga. Ang lakas din ng loob a.

May inis sa anyo na tinitigan ko ang lalaking ito. Na ubod ng puti at sobrang makinis. Base sa suot niyang damit na kulay itim na humahapit sa kanyang katawan, maong pants na may butas sa tuhod at malaking headset na nakasabit sa kanyang leeg. Marahil isa siyang adik.

Bruha! Ang ganyan kagwapo pinagdududahan? Salungat ng isip ko.

Shup up mind! Hindi lahat ng gwapo dapat pagkatiwalaan! Adik 'yan for sure!

Adik agad? Hindi ba pwedeng one of the julalay of your kambal!

Natigil ako sa pagsagot sa isip nang mas hilahin ako ng lalaking ito dahilan para muntikan na akong matisod. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko kaya naman naagapan ko ito.

"Darn! Ano ba ang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya sa pagitan ng paghila.

"You." He coldly said as he pulled me while heading to the door direction.

"Ano ba! Let me go!" I hissed. Ginamit ko ang bigat ko para hindi niya ako tuluyang mahila palabas. Sa katunayan napapaupo nga ako sa sahig kaso walang panama ang lakas ko sa kanya. Mukhang nag-enervon yata ito.

Laking pasasalamat ko nang tumigil siya sa ginagawa. Ang tuwang ito ay napalitan ng pagkadismaya dahil sa binuhat niya ako. Bridal style. Sa takot na mahulog, napayakap ako sa leeg niya.

"Kung sino ka mang baliw ka, wala kang karapatang gawin ito sa akin!" Gigil kong sabi habang pilit na kumakawala sa kanya. "Ipapakulong kita!"

"Darn!" Muntikan niya na akong mabitawan, mabuti na lang naagapan niya ito. Sa labis na pagkagulat naman nasapo ko ang puso ko.

Akala ko katapusan ko na!

Hindi pa nga ako nakaka-move on sa muntikan kong pagkahulog scene, bigla na lang niya akong ibinaba. Sa padarag na pamamaraan. I tried to escape but he cornered me on the wall.

"Listen very carefully." May kalakasan na iniharang niya ang isang kamay sa pader.

"B-bakit?" I gulp.

"I'm tired of your silly games. Don't make me use some force just to make you come with me Miss Jheff." he said in a low baritone voice.

"I-I'm not Jheff." Mabilis kong sagot. Mukhang nagkamali lang ako ng iniisip mula pa kanina. Isa akong dakilang judgemental. This guy is really looking for my twin sister. "I'm Jhude."

Walang ano mang yumuko siya. Pakiramdam ko, umikot ang paningin ko sa bigla niyang pagbuhat sa akin. Kung kanina bridal style, ngayon naman ay ginawa niya akong sako ng bigas.

"L-let go of me!" Tarantang sigaw ko habang pinagsusuntok siya sa likuran. "W-why don't you believe me?"

Nasapo ko ang bibig sa labis na pagkahilo. Gumagalaw kasi ang sahig pati na ang katawan ko. Nahihilong napahawak ako sa laylayan ng damit niya. Pakiramdam ko lalabas ang lahat ng kinain ko.

Darn! Kailangan ko ng lupa!

"I'm h-her..." It's hard for me to speak anymore. "T-twin sister. I-I'm Jhude."

BLS#9: FANCY MELODYWhere stories live. Discover now