Chapter 1 The Intruder

289 25 4
                                    

Chapter 1 The Intruder

***JHUDE POV***

MARAHAN kong hinilot ang butihin kong sentido habang sinusundan ng tingin ang pasaway kong kakambal na si Jheff. Palabas na siya sa opisina ko. Minsan na nga siya kung magawi dito tapos bibigyan pa niya ako ng panibagong sakit sa ulo.


Kung hindi lang kasalanan ang kutosan ang kambal kong iyon, kanina ko pa pinatikim sa kanya ang inis ko kaso wala e. Masyado ko siyang mahal para saktan. Marami na siyang napagdaanan sa buhay. Ayaw kong dagdagan pa ito. Oo nga't ngumingiti siya sa harap ko, sa harap ng mga kaibigan namin ngunit hindi ibig sabihin niyon ay wala na siyang pinapasan sa mundo. If I did not go to that singing competition to pretend as her, she wouldn't be in this kind of situation where our own father abandoned her after I won.


Hanggang ngayon pinagsisisihan ko ang mga pinangagawa ko. Sa murang edad natoto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. May ilang pagkakataon na umuuwi siya sa bahay ngunit minsan lang iyon. Madalas siyang natutulog sa labas. Ayaw niyang manatili matagal sa bahay dahil lagi niyang sinasaktan ng papa namin.


And it's all my fault!


Mariin kong ipinikit ang mga mata para pigilin ang sarili sa pag-iyak. Once Jheff find it out, that I blame myself for what I did to her. She'll definitely get mad at me.


Nanghihinang ibinagsak ko ang likuran sa sandigan ng swivel chair na kinauupuan ko. Kung ako ang tatanungin napapagod na ako sa buhay na meron ako ngayon. Wala akong kailangang gawin kundi ang asikasuhin ang kompanya ng papa.


The truth is, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang totoo na hindi ko na alam kung paano ito palalakarin. I always messed up. Buti na lang andiyan si Jheff para linisin ang mga pagkakamali ko. Lagi niyang nagagawan ng paraan ang lahat ng bagay habang ako puro na lang kapalpakan.


The truth is, di hamak na mas matalino si Jheff sa akin. Hindi ko iyon ipagkakaila. Katamtaman lang kasi ang katalinuhan kong taglay. Hindi tulad ng kambal ko. Kaya nga mabilis niyang nagagawan ng paraan sa tuwing pumapalpak ako. Kung alam lang ito ng papa namin, natitiyak ko mamahalin din niya ang kambal ko at hindi ituturing na trapo. Ngunit mahigpit na ipinagbilin sa akin ng kambal ko na panatilihing lihim ang lahat.


I take a deep breath. I don't know how to face tomorrow again. My life is so complicated. It's hard for me to lie anymore.


"It's not the end of the world Jhude, so smile my friend."


Tinanggal ko ang kamay na nakasapo sa leeg ko. Pahinamad na nilingon ko ang kaibigan kong si Zyle, na prenteng nakaupo visitors chair. Sinulyapan ko ang kabuuan niya. Hindi nakaligtas sa butihin kong mga mata ang suot niya. Naka-walking shorts siya. Medyo maluwag ang damit ngunit kahit papaano ay bumagay sa kanya. Bwen, kahit ano namang isuot niya ay bagay sa kanya. Kaso nga lang hindi angkop ang suot niyang damit para sa lugar na dapat niyang puntahan.


Kung hindi ko lang kilala ang isang ito, tiyak na hindi mo siya mapaghahalataang fashion designer. Buti sana kung simpleng designer lang kaso sikat siya in and out of the Philippines. She's known as KZ Vedra in fashion world.


"Bakit nakaganyan ka lang?" Nakataas ang isang kilay na komento ko. "Buti na lang hindi ka napagkamalang baliw ng mga empleyado ko." =__=

BLS#9: FANCY MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon