Chapter 2 - Miss Saviour

251 12 4
                                    

Unang napansin ko ay yung babaeng nakaturo sa amin. Siguro siya si miss saviour! Yung sumigaw kanina. Ang ganda niya! Mala-diyosa, ika-nga.

"Ibaba mo yang patalim mo!" sigaw ng isang pulis na mataba. Jusko! Paano 'to makakahabol ng mga kriminal kung ang laki ng nilalaman? 

"Paano kung ayoko?!" sigaw ni Kuyang magnanakaw. NAKAKAHIYA GRABE!  ANG BANGO NG HANGING LUMABAS SA BIBIG NI KUYA, SOBRA!

"Aba't sasagot ka pa!" sigaw naman ng payatot na pulis. Pfft! Perfect match sila! Opposite attracts, hahaha!

"Kuyang magnanakaw..'' inangat ko ang tingin ko kay kuyang nakatutok ang patalim sa leeg ko. Hindi naman mahigpit kaya nagawa kong maangat ang tingin ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at sinabing, 

''OH ANO?!" and for the second time, naamoy ko nanaman ang hininga niya. :( 

''Hindi po ba kayo nag-toothbrush?" tanong ko kay kuyang magnanakaw. Mura lang naman ang toothbrush ah? 

Nabitawan niya ako ng wala sa sarili, nilagay niya ang isang kamay niyang kaninang nakahawak sa akin sa harap ng ilong at bibig niya. Hiningahan niya iyon at inamoy. At ang mukha ni kuya, 

"Pfffffft---'' pagpigil ko ng tawa. Shet! Nakakatawa yung mukha niya, pramis! Alam mo yung parang nakainom ng isang basong suka? SUPER ASIM! HAHAHA! 

Tumingin siya sa akin at tinanong kung bakit ako natatawa, hindi ko na tuloy napigilan at napatawa na ako ng malakas

''PFFT- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Y-YUNG M-MUKHA P-PFFFT- HAHAHAHAHAHAHA!'' shet laftrip! Ang asim, pramis! 

Napatulala pa ata si kuya kaya nahuli siya ng dalawang pulis. Grabe, ang shunga ni kuya! Hindi nalang tumakbo? HAHAHAHA! Pero laftrip talaga yung mukha niya, Hahaha!

"Miss, are you okay?" tanong ni miss saviour. Ang ganda talaga niya! Ang puti, ang kinis, ang tangos ng ilong, ang sexy, ang ganda! 

"O-opo miss saviour!" sabay salute sa kanya. Tumawa siya, at ang GANDA talaga niya! Hindi naman pang mahinhin yung tawa niya pero nakakarelax yung pagtawa niya. 

''Miss Saviour? Pfft, Wala lang yun. I helped, that's all." sabay ngiti niya. Tapos yung ngipin niya, perfect white! Puwede nang pang model ng Colgate! 

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. Naramdaman kong nagulat siya bahagya.

"Thank you po, ate!" masayang sabi ko kay ate. Pero may gusto kasi akong tanungin eh. Nakakahiya! Pero, paano ako makakatapos sa Step 2? 

Step 2: Makahanap ng tutuluyan.

"Haha! No worries. Ako nga pala si Zee." nakangiting sabi niya. Pero ano daw? Z? As in yung letter Z? 

"Z po? As in yung letrang Z?" takang tanong ko. Ang unique naman nun, Z! 

"Hahaha! I like you, you're innocent and funny. Pero my name is Zee. Z-E-E" masayang sabi ni ate Z. Grabe! Funny daw ako? Insulto ba yun? Pero baka compliment, naka-smile siya eh. Kaya ngumiti na lang din ako.

"Aaah! Kala ko po yung letrang Z eh, pasensya na po."  sabi ko sa kanya. 

"Ayos lang yun, saan ka nga pala papunta.. ay, ano nga pala pangalan mo?" ay, sa sobrang excite ko, nakalimutan kong magpakilala. 

"Ayy, pansensya na po, nakalimutan kong magpakilala, Ako nga pala si Lill--Lilly." nakangiting sabi ko kay ate Zee. Sasabihin ko sana Lillian Rose Xydeau, kaso, kaya nga ako umalis sa palasyo para makaalis sa pagiging isang 'Xydeau' eh. Sorry po ate Zee at Lord, kung nagsinungaling ako. Pero nickname ko naman ang Lilly eh, kaya, ganun na rin yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Runaway PrincessWhere stories live. Discover now