Chapter 1 - Life outside the Palace

275 13 5
                                    

               o ~       Chapter 1 - Life outside the Palace      ~ o

It was a sunny morning when I woke up. I found myself lying down at the back of a vehicle. It was itchy and slimy, but it was soft for where I am sitting. It smells like someone died in here, well of course I was just kidding. It smells like a trash here! With the touch of a dead rat and all other stink that I can't recognize what it is. 

*

Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman ko. Takot, kaba o tuwa? Takot dahil hindi ko alam kung nasaan ako. Kaba, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayon. At tuwa, marahil nakatakas na rin ako sa palasyo, sa aking madramang buhay.

Umalog ang sasakyan, malakas ang pag-alog nito, kaya't natukoy ko na kung nasaan at kung ano ang aking sinakyan. 

NASA GARBAGE TRUCK AKO! 

Kaya pala mabaho ang aking naamoy. Pero hayaan mo na, at least nakatakas ako, iyon ang ipinagpapasalamat ko ngayon. 

Hindi pa naman ganoon karami ang mga basura dito, kumpara sa mga napapanuod ko sa T.V, ay hindi pa ito umaapaw.

Kaso, ang tanong, paano ako makakalabas ngayon? Hindi naman puwedeng tumalon ako, napakataas at napakalaki pa naman ng truck na 'to!

''PAANO, LORD?!" wala sa sarili kong sigaw kung kaya't napatigil ang truck na kinalalagyan ko.

''Uy, pare! Narinig mo yun?" napatakip ako ng bibig, narinig nila ako! Jusko po! Kakatakas ko pa lang, maawa kayo! 

''Oo! Nanggaling ata iyon sa likod!"

''Tara, tignan natin!" nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, sa takot ko ay nag-dive ako pababa, sa pinakailalim. Hindi ko alam kung ano, pero ang lagkit-lagkit ng mga nahawakan ko. Meron din akong nasubong bagay na hindi ko alam at ayaw ko nang alamin! Kinakabahan ako, huwag naman sana akong mahuli. Please, Lord! 

Narinig ko yung pagbukas ng likod ng truck, pinigilan ko ang hininga ko. Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Sana walang mangyaring masama sa akin! Gusto ko pa pong maranasan mamuhay ng normal!  

Naghalungkat sila ng kaunti, pigil pa rin ang hininga ko, hindi ako susuko, kaya ko 'to! Iisipin ko nalang na malulunod ako kung huminga ako! 

''Wala naman ata, pare eh!"

''Sige pa, isa na lang! Sigurado akong dito nanggaling yung boses. Baka may natapon tayong buhay dito!"

My Runaway PrincessWhere stories live. Discover now