Jeepney

345 4 5
                                    

Napakaraming pasahero. And it's getting late. Kailangan ko nang umuwi. Kaso ang haba ng pila sa sakayan ng taxi. Wala akong choice kundi mag jeep.

Puno lahat ng jeep na dumadaan sa harap ko. Paano na ako makakauwi? Gusto ko nang umuwi saamin...

Ako nga pala si Lorraine. Isang babaeng laging nagmamadali, time conscious, laging may hinahabol. Iniiwasan ko ang mga jeep. Hindi sa ayaw kong sumakay nito pero alam kong madedelay ako kapag sasakay ako nito.

Halos kalahating oras na akong nakatayo kakaantay lang ng masasakyang jeep. Nangangawit na ang mga binti ko. Ginugutom na rin ako. Kailangan ko nang maka-uwi. Ilang minuto nalang ay mag aalas-otso na.

Grabe! Torture na to. Pasensha na kung OA ako ha. Di lang kasi ako sanay sumakay ng jeep. Kung di ako hinahatid o sinusundo ay taxi ang sinasakyan ko. Di ako masundo ng driver namin kasi on leave siya. Nagkasakit daw ang asawa nun. Taxi nalang sana ang sasakyan ko kaso mahaba ang pila sa sakayan ng taxi. Kung di lang mahaba, kanina pa sana ako nakarating sa bahay. Hayyyy... Buhay parang life.

*beep beep* May narinig akong busina. Isang jeep na walang laman. Dali-dali akong sumakay para maka-uwi na ako.

Salamat at naka-upo na rin ako.

"Urong pa sa may kanan. Pwede pa yan!" Sigaw ng konduktor na napakalakas.

Ano daw?! Urong pa? Eh napakasikip na kaya! Di na nga ako makagalaw sa kasikip. Eto ang ayaw ko sa mga jeep. Napakasikip.

Pero anong magagawa ko? Nakasakay na ako. Kailangan ko nang maka-uwi. Gutom na ako eh.

Uurong nalang ako para makaalis na kami nang biglang...

"Aray!"

Naapakan ko ata ang paa ng katabi ko.

"Sorry po."

Lumingon ako at tiningnan ko siya... Teka. Mukang pamilyar tong katabi ko ah.

Niri-recall ko kung sino tong katabi ko.

Loading....

1%....

....

25%....

....

50%....

....

75%....

....

100%!

Lumaki ang mata ko nang naalala ko kung sino siya.

Ang dati kong crush na si Brandon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko lang kung bakit. Napayuko agad ako para di niya ako makita. Nang biglang...

"Teka, Lorraine? Ikaw ba yan?"

Hinila niya ang balikat ko at napalingon naman ako.

"Brandon?"

Naiilang kong sabi.

"Oo, ako to! Tagal na nating di nagkita"

"Oo nga ano? Siguro huli kitang nakita noong graduation natin nung high school."

"Kamusta ka na Lorry?"

Lorry? Tinawag niya akong Lorry? Ano kami, close? Pero kinilig ako. Mga close friends ko lang kasi ang tumatawag saakin ng Lorry. Feel ko nag blush ako. Mukha siguro akong tanga.

"Lorry?"

Shet, ba't di ako nakasagot? Para Lorry lang, big deal?

"A-ah, o-okay lang naman ako. Eh ikaw?"

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon