Chapter 16

88.9K 3.4K 485
                                    

Chapter 16

The horse galloped away from their mansion. Bahagya pa akong kinabahan dahil akala ko ay dadaan kami sa shortcut but thankfully, Aaric took the highway. Nakasunod lang kaming dalawa sa kaniya. Mabagal din ang takbo ng kabayo. I think Sage ensured a slow ride for me. Mahigpit ang kapit ko sa lubid at hindi ako tumitingin sa baba dahil nalulula pa rin ako.

Ramdam ko din ang mainit na hininga ni Sage sa aking leeg. Wala siyang imik habang nagpapatakbo ng kabayo. Aaric glanced at us and raised an eyebrow, but said nothing. Nang pasukin na namin ang mayabong na gubat kung saan nagtatago ang talon, mas lalo pang bumagal ang kabayo dahil maputik at madulas ang daanan.

I instructed Aaric of the directions and after a lot of struggling in the mud and wet leaves, we finally heard the continuous stream of water from the falls. It came into view when we reached past the large Acacia tree.

"Whoa," Aaric pulled the rope to slow down the horse. Nagpalinga-linga siya at bumaba na ng kabayo. Iginiya niya ito sa isang puno at itinali saka hinaplos-haplos ang mukha. Sage did the same. Nag-aalinlangan pa ako sa pagbaba pero nakahawak ang kaniyang kamay sa aking beywang kaya pinilit kong bumaba nang mabilis dahil nakakapaso ang mga hawak niya.

When my boots came in contact with the mud and dirt, I released a heavy breath. Iniwan ako saglit ni Sage para itali ang kaniyang kabayo. I glanced at the falls. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta dito. Sierra and I used to spend most of our time here when we were still little. Mas magaling akong lumangoy kaysa kay Sierra kaya naman palagi ko siyang tinutukso lalo pa't hindi siya makaakyat sa tuktok at makatalon sa tubig.

The breeze is cold, halatang kakaulan lang. Halos hindi kami magkarinigan tatlo dahil sa lakas ng buhos ng tubig. Isinabit ko ang aking bag sa isang ligaw na sanga ng puno ng kahoy. I removed my boots and sunk my toes in the mud on the way to the surface. Sinundan ako ni Aaric at Sage na naghubad din ng kanilang mga sapatos.

"This is really good," Aaric commented, a satisfied smile on his face.

Itinuro ko ang tuktok ng talon. "We used to jump from there,"

"You did what?" angil kaagad ni Sage.

Nagkibit balikat ako. "Hindi naman gaanong kataasan eh."

"It's still dangerous-"

"Kung ganoon ay marunong ka palang lumangoy?" isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Aaric.

Kumunot ang noo ko. "Oo, bakit-"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isang nakakabinging tili ang bumulabog sa mga ibon at tahimik na paligid nang bigla akong itulak ni Aaric sa tubig. Parang tumakas ang kaluluwa ko mula sa aking katawan pagbagsak ko sa malamig na tubig.

"Fuck!" narinig kong malakas na mura ni Sage. Dumagundong ang malakas na tawa ni Aaric and a split second later, I felt him crashing in the water as well. Suminghap ako at pumaibabaw kaagad. Nakita ko ang madilim na mukha ni Sage. Hinubad niya muna ang kaniyang pang-itaas at lumusong din ng tubig. Tawa pa rin nang tawa si Aaric.

"What the fuck did you just do?!" singhal ni Sage sa kaniya. Nanginginig ang mga labi ko sa sobrang lamig. "Alam mo bang delikado ang ginawa mo kay Mallory!" singhal pa niya sa nakangising si Aaric.

I glanced at Sage, a small smile forming on my lips. Then the smile turned into a grin and I soon started cracking up like Aaric. Marahas na napalingon sa akin si Sage.

"What's so funny, Mallory?" he snapped. "You almost died just now!"

"I..." I said in between fits of laughter. "I... n-never had so much fun for so long!" wika ko. Mas lalong lumaki ang ngisi ni Aaric sa sinabi ko.

The Billionaire's SonΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα