Preface

8 1 0
                                    

Ang bawat isa sa atin ay dumadating sa punto na kailangan gumawa ng mabigat na desisyon—mga desisyong kailangan nating panindigan. Para sa atin, iyon ang tama... na iyon ang dapat piliin. Hindi naman natin maiaalis na sa bawat desisyon na pipiliin natin ay may kalakip na mga consequences. Dapat magin handa tayo sa mga pagbabagong mararanasan mo. Maaring positibo... maaring hindi. Ganoon naman talaga ang buhay 'di ba? It's a matter of choice and how you will deal with it... a game you should learn how to play... a battle of right and wrong. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, patuloy pa rin ang buhay sa kahit na anong aspeto.

Para kay Ariceli Fernandez, ang hamon na iyon ang nakapagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para harapin ang bawat araw sa kanyang buhay. Lagi siyang may hatid na ngiti para sa lahat—tila ba may suot na maskara na nagpapakita sa lahat na okay lang ang lahat. Hanggang sa dumating si Marco Benedict Bautista sa buhay niya at naramdaman niya ang unti-unting pagbabagong nangyayari sa buhay niya—mga bagay na hindi niya inaasahan na mangyayari sa kanya. Makakaya niya kaya iyon harapin ng may parehong perspektibo o sasabay na lamang siya sa agos ng buhay? It's a matter of chances, choices and changes... The 3C's of life.

3 C's of LifeWhere stories live. Discover now