Prologue

5.6K 80 8
                                    

Kanina pa ako nakatitig sa bintana ng kwarto ko, umaasang may makukuhang sagot. Napabuntong hininga na lang ako at binalik ang tingin sa kwaderno ko. May assignment kami sa Math at kanina pa ko pa sinasagutan iyon pero hindi ko masagutan. Bakit ba ang hirap ng Math?!

Hindi ko nga alam kung bakit pinag-aaralan namin ito sa high school. Sabi nila para makapagcollege kami, ibig bang sabihin noon ay magagamit namin iyon sa trabaho balang araw? Hindi ko naman maalalang ginagamit ni Ate Zea ang Trigonometry sa trabaho niya.

Nilabas ko ang ilang gamit ko at nagsimulang na lang gawin ang assignments ko sa ibang subjects. Ihuhuli ko na lamang ang math ko at magpapaturo na lamang ako kay Ate mamaya. Binuksan ko ang laptop ni ate para may iresearch pero natukso akong magbukas ng social media account ko kaya binuksan ko iyon.

May pumasok na mga chat nila Paulo, nagtatanong kung may assignment daw ba. Siguradong hindi nanaman sila nakikinig kanina. Napatigil ako sa pag-scroll ng newsfeed ko nang makita ang isang picture na post ng isang kaklase namin. Picture nila ng girlfriend niya. Nabasa ko ang isang comment na ang sabi: "Mikaela, thank you! Isa kang tunay na alagad ni Kupido!"

Alagad ni Kupido? Kung ganoon, magiging katulad siya ni kupido na maling-mali ang ginagawang pagpana! Sana pinana din ni Kupido si tatay para mahal na mahal niya si nanay at hindi sila nag-aaway! Bakit kailangan isang tao lang ang panain niya?!

Inis na nag-log out ako at pinagpatuloy ang pag-aaral. Hindi ko maintindihan ang mga estudyante ngayon. Imbes na pag-aaral ang atupagin ay mas inuuna nila ang paghahanap ng kasintahan.

"Adonis.." tawag sakin ni nanay pagkatapos kumatok ng tatlong beses

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Bumungad sakin ang nag-aalalang mukha niya.

"Hindi pa ba tumawag sa'yo ang ate mo?" nag-aalalang tanong niya

"Hindi po. Bakit po ba?" nababahalang tanong ko

Ang alam ko ay nagcelebrate sila ni Kuya Enrique ng anniversary nila kagabi. Nagpaalam din si ate na doon siya magpapalipas ng gabi.

"Tumawag kasi ang Kuya Enrique mo. Nagtatanong kung nakauwi na daw ang ate mo."

Napasulyap ako sa wall clock at nakitang alas diyes na pala ng gabi. Dapat kaninang umaga pa siya nakauwi. Laging tumatawag si ate pag ginagabi ng uwi at lagi rin siyang hinahatid ni Kuya Enrique. Nakakapagtaka naman na magtatanong sa amin ng ganun si Kuya Enrique kung magkasama sila.

Nag-away ba sila? Huling tanda ko ay nangyari ang ganito noong nagkaroon sila ng away.

Sabay naming tinungo ni nanay ang pinto ng bahay nang marinig namin ang tunog ng kotse. Bumaba si ate na may namumugtong mata kaya agad siyang dinaluhan ni nanay. Halos maluha ako nang bigla siyang humagulgol sa harap namin.

Hindi umiiyak si ate sa harap namin, ngayon lang.

"Anak, anong nangyari?" tanong ni nanay na basag na rin ang boses

"Nay, hiwalay na po kami."

Isa akong taga-hanga ng pagmamahalan nila Kuya Enrique at ate dahil kahit gaano sila kadalas mag-away, nagmamahalan pa rin sila at nagkakaayos. Sa mga mata ko ay perpekto ang relasyon nila pero ngayon ko lang nagpagtanto na habang lumalalim ang relasyon nila, lumalalim din ang away at mga problemang kinahaharap nila.

Hindi kailanman sumagi sa isip ko na maghihiwalay sila dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Ano ba talaga ang pagmamahal? Pinapasaya ka ba talaga nito o sinisira ka niya?

Killing CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon