Chapter 5

1.2K 46 16
                                    

LADY'S NOTE: All italicized are Adonis's memories.

ADONIS

Hinihingal na uminom ako ng tubig habang nagpupunas ng pawis ko. I feel exhausted but I also feel refreshed. Ngumisi ako kila Paulo nang makita ko silang tumatakbo papunta sa kinaroonan ko. Nagfist bump kami habang nagtatawanan, kasama ko din silang nagbasketball at kapwa kami pawisan.

"Coach, libre mo ba kami ngayon ng isaw?" makapal ang mukhang tanong ni Tim

"Oo nga, Coach. Nanalo kami sa practice game." segunda naman ni Tim

"Naka-three points ako kaya dapat mas marami akong isaw." proud na aniya ko

"Hoy, ako rin! Diba, coach?" singit din ni Mark

Nakisali din ang ilang ka-team namin at napapakamot naman sa ulo ang coach namin.

"Nambuburaot nanaman kayong mga bata kayo. Ano akala niyo saken, nagtatae ng pera?" pinanlakihan niya kami ng mata

"Hindi naman, Coach. Pero alam namin nagswesweldo ka ng pera." pamimilosopo ng isa sa mga team mates namin

Binatukan naman siya ni Coach dahil sa sinabi niya kaya nagtawanan kami.

"Biro lang, Coach. Eto ambag ko. Ambag din kayo, hoy!" naglapag ng limang piso si Tim sa bucket hat na dala niya at nilapit iyon samin

Napakamot kami lahat sa ulo at kanya-kanyang naglapag ng pera o mas magandang sabihin na barya. Ako anak mahirap kaya barya pero itong mga kasama ko na anak mayaman, kala mo naman napabayaan sa kalsada kung makapaglapag ng piso.

"Buraot mo naman, Tim! Nahiya sa'yo yung dalawang piso ko." pang-aasar ko kay Tim na parang iiyak na habang nagbibigay ng dalawang piso

"Dalawang piso, ampota. Hoy! Nagmahal na ang mga bilihin!" batok sa kanya ni Mark

"E si Matthew nga, piso lang e!" depensa naman niya

"Bakit ako nasama? Nananahimik ako." patay-malisyang tanong ni Matthew, ka-team namin

Nanlaki mga mata nila at suminghap nang may lumapag na isang daan. Tumingin kaming lahat sa naglapag noon at nakita namin si Maureen na kumindat pa sa akin o baka sa amin, ewan ko ba dyan. Parang may sakit sa mata.

"Hi, Adonis." she said sweetly and winked again

Tumingin lang ako sa kanya ng malamig at hindi pinansin ang pagbati niya. Mukhang may sira talaga mata niya.

"Ayon, o! Lakas talaga ni Captain kay Maureen!" pang-aasar nila sa akin at kanya-kanya silang sipol

Dinampot ko ang isang-daan at binalik iyon sa babae, nilabas ko ang wallet ko at nilabas ang isang-daan sabay lapag sa bucket hat. Natahimik silang lahat sa ginawa ko pero inulan nanaman nila ako ng asar nang makabawi sila sa pagkagulat. Nahihiyang umalis naman ang babae.

Umakbay si coach sa akin at tinapik ang balikat ko, "Pinahiya mo iyong fan mo."

Hindi ko alam kung nang-aasar ito o pinagsasabihan ako.

"Oo nga naman, Captain. Ang sama mo naman. Manlilibre na nga si Maureen e."

I scoffed at them. Mukhang hindi na nila naaalala na binugaw nila ako sa babaeng iyon noon para lang sa isaw.

"Pre, si Annika tsaka si Mikaela."

"Teka, okay lang ba hitsura ko?"

"Tanga! Pawis pawis ka pa, kadiri!"

Killing CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon