I

288 34 3
                                    

NGAYON KO LANG na-realize. Malapit na pa lang mag-one month si Morpheus dito. Next week na. Should we celebrate it? Or should I surprise him?

Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa calendar at binilugan ang petsa kung kailan siya magwa-one month. June 12. Sakto! Tapos birthday ko pa June 15.

May mga braso na yumakap sa aking bewang na ikinangiti ko nang malawak. He planted a kiss on my cheek bago niya isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

"What are you doing?"

I leaned my body against his and rested my cheek on his head. "Magwa-one month ka na sa August 12. Gusto mo i-celebrate natin?" nakangiting ani ko habang nakatingin sa calendar.

Forget about surprising him. I-celebrate na lang namin.

Natigilan siya nang bahagya na ikinakunot ko ng noo. Nanigas ang kanyang katawan kaya nagkasalubong ang aking mga kilay. I blinked my eyes and caressed his arms which were wrapped around my waist.

"Are you okay?"

Rinig kong nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga at saka tumango habang hindi inaalis ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Yes. It's just that. . . ngayon ko lang 'ata naranasan na ipag-celebrate."

Hala?

"Bakit? Hindi ba kayo nagbi-birthday?"

Rinig ko ang matunog niyang halakhak at ramdam ko ang pag-vibrate ng kanyang dibdib. Ang hininga ng bawat halakhak niya'y tumatama sa aking tenga, kaya nanayo ang aking mga buyok sa batok. Bakit ba siya tawa nang tawa?

"We don't have birthdays, Three A's, since we were created or born outside the human chronology. We never celebrate birthdays, that's why," kumawala siya sa akin at hinawakana ang dalawa kong balikat. Hinarap niya ako sa kanya, "nanibago ako nang sinabi mong magce-celebrate tayo since magwa-one month na ako. Thank you."

May kinang sa kanyang mga mata at maliit na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin. I couldn't help but return his smile.

Natatakpan ng kanyang bangs ang isa niyang mata kaya hinawi ko 'yon. And there, I can fully see his blue eyes that never fails to make me feel drowned in too much emotions.

"Welcome! At dahil first time mong makaranas na ipag-celebrate, let's make your one month here on earth special!" Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat at binigyan siya ng malawak na ngiti.

Ginantihan niya ako ng maliit na ngiti at saka hinaplos ang aking buhok. "Thank you." Nagtanim siya ng isang mabilis na halik sa aking noo. "By the way, how was your dreams?" biglaang tanong niya.

I thought about the things inside my brain whenever I'm asleep these past few days. They aren't filled with screams and terrors anymore. At habang napapaisip, hindi ko na nga maala 'yong iba, eh. Parang hindi ako nanaginip. 'Yong tipikal na paggising mo na hindi mo maalala ang panaginip mo? Gano'n.

And if Morpheus didn't ask, hindi ko mare-realize na hindi na pala ako dinadalaw ng mga bangungot. It's good to wake up lighthearted.

Mahina akong natawa at tiningnan siya sa mga mata. "Okay na! Bakit mo pala naitanong?"

I expected an answer from him, ngunit, nakatitig lang siya sa akin at wala ni isang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa aking buhok at ang kanyang mga mata ay naglakbay sa aking mukha na tila inaalala ang bawat detalye ko.

I blinked and tried to tap his shoulder. Napatingin naman siya sa akin at kaagad ko siyang binigyan ng mapanuksong tingin. "Did you do something kaya naging ganito na ang panaginip ko?"

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now