CHAPTER 04- Sister's War

3.1K 119 20
                                    

I REALLY don’t know kung makakabalik pa ba ako sa bahay namin. Sige na, tinatanggap ko nang karma itong nangyayari sa akin. Nakarma agad ako dahil sa niligaw ko si Mirabelle. Pero hindi ako nagsisisi na niligaw ko siya. She deserved it! Nilandi niya si Hideo kaya naging sila nito. Si Hideo na nga lang ang crush ko, aagawin pa niya.

Wish ko lang talaga ay hindi na siya makabalik sa bahay. Imposible naman kasing makabalik pa siya dahil wala siyang cellphone. And I am so sure na dahil sobra siyang pabebe ay umiiyak na siya ngayon. Kahit papaano naman ay nagtagumpay pa rin ako. Ang kailangan ko lang gawin ay makauwi na para makapag-celebrate na ako.

Alam ko naman na nagkukunwari lang mabait ang Mirabelle na iyon para makuha niya ang simpatya ng lahat. That scheming bitch! Para siyang iguana na nagpapapalit-palit ng balat. Ganoon ang tingin ko sa twin sister ko na iyon. Akala ba niya hindi ko alam ang pagbabait-baitan niya? Malakas akong makaamoy sa ugali ng isang tao lalo na at kakambal ko pa siya. Kaya ako inis na inis sa kanya dahil sa ugali niyang iyon. Inaagaw niya ang lahat sa akin with her sweet charm. Magmula kay mommy and daddy. And now si Hideo. Alam ni Mirabelle na crush ko si Hideo kaya gumawa siya ng paraan para mapunta ito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa akin na kayang-kaya niyang agawin ang lahat ng mahal ko. She’s a snake!

Ano lang ba ang meron siya? Ganda lang naman, a! Ang bobo niya kaya sa lahat ng subjects. Ako kahit pangit ako, consistent ang pagiging first honor ko. Matalino ako. May utak. Aanhin mo naman ang ganda kung bagsak ang grades mo!

Hay! Mamaya ko na nga iisipin iyang si Mirabelle. Nawawala ang katinuan ng utak ko kapag iniisip ko ang bitch kong kakambal.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa may isang lalaki akong nakasalubong at tinawag ang pangalan ko. Walang iba kundi si Logan!

“What are you doing here, Logan? Do you live here?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. I did not expect na makikita ko siya sa lugar na ito dahil sa pagkakaalam ko ay same lang ang subdivision kung saan kami nakatira. Sa kabilang block lang siya. “Naliligaw ka rin ba?” tanong ko pa.

Ang malas ko naman. Ang pangit na ito pa talaga ang makikita ko sa dami ng pwede kong makitang tao. Hindi pa pwedeng si Hideo na lang?

“Hi, Mirasol!” Todo-kaway pa siya. Ngiting-ngiti ang hudas nang makita ako.

Itinirik ko ang mata ko. “Answer my question, you stupid! Anong ginagawa mo dito?”

“Namamasyal.”

“Hindi ka nililigaw?”

“Hindi.” Umiling pa siya.

“You live here?” Umiling siya. “So, anong lugar ito? Nasaan ako?”

“Nasa likod ka ng subdivision natin. Hindi mo ba alam?”

“What? Are you kidding me?!”

“Hindi. Tingnan mo 'yon…” aniya at may itinuro siya.

Sinundan ko ang itinuro niya at napanganga na lang ako nang makita ko na sa likod ng mga bahay kubo ay naroon nga ang subdivision namin. Nahaharangan lang iyon ng hindi ganoong kataas na pader. So, all this time ay inisip ko na malayo na ako sa bahay namin na hindi naman pala dahil kaunting lakad lang ay naroon na ako. Natulog-tulog pa ako sa lupa tapos-- ugh! Napagkamalan pa akong thief! Hinding-hindi ko makakalimutan na napagkamalan akong magnanakaw ng mga hampaslupang iyon.

“Tinayuan na kasi itong likod ng subdivision ng mga mahihirap na--”

Tinabig ko ang mukha ni Logan at dire-diretsong naglakad papunta sa subdivision namin. I need to go home! Alam kong nag-aalala na sina mommy at daddy sa akin. Siyempre, kunwari ay hindi ko alam na naliligaw si Mirabelle at baka makahalata sila na ako ang may kagagawan niyon.

Chaka MalditaWhere stories live. Discover now