CHAPTER 03- Karma Is A Bitch

3.1K 120 16
                                    

“MOMMY! Daddy!” Talagang humahangos ako pag-uwi ko. Takbo agad ako papasok sa loob para isumbong si Mirabelle na nagpapaligaw na ito at lumalandi lang sa school. Tingnan ko lang kung hindi siya pagalitan.

Nakakairita talaga ang Mirabelle na iyon. Lahat na lang ay inagaw sa akin. Pero kung inaakala niya na magtatagumpay siya? Hindi. Hinding-hindi ako makakapayag na maging masaya siya sa piling ni Hideo. Sa pagkakaalam ko ay ipinagbabawal pa ng parents namin na magpaligaw si Mirabelle. Pero ako? Halos ibugaw na nila ako. Kainis, 'di ba? Gusto ko rin naman na ma-feel na pinoprotektahan nila ako, 'no! But, kung si Hideo din lang naman ang manliligaw sa akin, kahit hindi sila papayag ay go pa rin ako.

“Mommy! Dad--”

Napahinto ako sa may bungad ng pinto nang makita ko sina mommy at daddy na kausap sina Mirabelle at Hideo. Mukhang ang saya-saya nila. Anong meron? Saka anong ginagawa dito ni Hideo? Bigla tuloy akong kinabahan.

“Basta, alagaan mo ang anak namin, Hideo. At sa studies muna dapat ang focus. Okay?” Tinapik-tapik ni daddy sa balikat si Hideo.

“Okay po, tito. Ngayong girlfriend ko na po si Mirabelle ay mas lalo ko pa siya i-inspire sa pag-aaral. Isa pa, iyon naman po talaga ang goal namin-- ang makatapos ng pag-aaral.”

“Mabuti naman kung ganoon. Aasahan namin iyang sinabi mo, Hideo. Alagaan mo rin sana si Mirasol.”

“Opo--”

“What’s the meaning of this?” Lahat sila ay napatingin sa akin. Gulat na gulat na para bang may isang halimaw na dumating.

Tigalgal ako sa narinig ko. Girlfriend na ni Hideo si Mirabelle? Kailan pa? Sa pagkakaalam ko ay nanliligaw pa lang kanina si Hideo sa kakambal ko. Ano ito? May sagutan agad na naganap? At saka paano pa ako magsusumbong kung ganitong payag na payag na sina daddy sa relasyon nina Hideo at Mirabelle?!

Tiningnan ko ang kakambal ko na para bang gusto ko siyang kainin ng buhay. Gusto ko siyang sugurin ng sampal at sabunot dahil inagaw na naman niya ang isang tao na dapat ay sa akin. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya?

“O, Mirasol, nandiyan ka na pala. Halika at para naman maipakilala namin sa iyo ang boyfriend ng kapatid mo…” sabi sa akin ni mommy.

“Kilala ko na siya at siya ang crush ko!” Nakakuyom ang mga kamay na nilapitan ko si Mirabelle-- ang malandi at maharot kong sister. Itinaas ko ang kamay ko para sampalin siya pero natigilan ako nang makita kong nakatingin sa akin si Hideo. Hindi niya pwedeng makita na masama ako at baka maturn-off siya sa akin. Ibinaba ko iyon at masama ang loob na pumasok sa aking kwarto sa second floor.

Ibinato ko ang lahat ng mahawakan ko sa sobrang galit ko. Wala akong pakialam kahit may mabasag pa ako. Sa yaman namin, pwede kong mapalitan ang masisira kong gamit. Ang importante ay mailabas ko ang galit at inis na nararamdaman ko ngayon!

“I invested my time and effort to you, Hideo! Pero bakit ang kapatid ko ang nagustuhan mo?! Bakit hindi ako?! Bakit?! Dahil ba pangit ako?!” Nagwawalang sigaw ko. Humihingal akong napatingin sa kawalan.

Tumayo ako ng maayos. Hindi ako makakapayag na maging masaya si Mirabelle. May plano na agad ako and this time, sisiguruhin kong mawawala na siya sa landas ko.

“Hideo is mine!” gigil na sigaw ko.


-----ooo-----


THE whole weekday is hell for me. Saturday today and this is the right time para gawin ko ang evil plan ko for my twin sister. Ang gagawin ko lang naman ay ililigaw ko siya na parang pusa. Ang bright ng idea ko, right?

Kunwari, okay na kami at ilalabas ko siya para mag-mall. Kunwari, mabait na ako. Hay! Ang challenging naman nito sa akin-- ang maging mabait. Ang hirap!

Chaka MalditaWhere stories live. Discover now