TJOTSG Into The New World chapter 2

4K 88 27
                                    

TJOTSG Into The New World

Chapter 2- Biiter Past

Yoona's POV

Nasa sala ako ngayon ng condo ko. Oo CONDO ko. Ako na ang sosyal ! May kinukuha ako sa bag at dahil sa kashungaan ay nahulog ito pati  na rin ang mga gamit na nasa loob nito sa sahig.

Kinuha ko agad yun. Nakuha ko na lahat. Ayy hindi pa pala. Kinuha ko yung pinakahuling nahulog. Natigilan ako. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung pagkasabik o galit ang naramdaman ko.

Nakita ko lang naman ang huling picture naming magkakapatid. Natulala na naman ako. Hindi ko na sana magkaroon pa ng mga bagay na makapag papaalala sa kanila. Kinamumuhian ko sila. Silang lahat! Hindi ko naman kasalanan yun!


Bigla ko tuloy naalala ang mga scenario nung katauhan ng dating Yoona.

<<Flashback>>

Malapit kami sa hagdan ngayon.

"Pulutin mo yan!" , sabi niya habang nakatingin sa akin.

Eh ba't ako ang pupulot eh siya naman yung nagtapon di ba! Akala nya kung sino siya ah!

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Hey ! Anong tinutunganga mo dyan?!" , tanong niya ay hindi sigaw niya.

"Eh kung ayaw ko." , wala sa sarili kong sagot.

Parang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin hindi niya siguro inaasahan ang nasabi ko eh ako nga di ko rin inaasahan yun eh.

Hinablot niya ako. Siguro nga sumusobra na siya kaya tinapik ko yung kamay niya.

"So you're brave enough now?!" , sabi niya sa akin habang nakapameywang.

Hindi ako sumagot at tinangka kong tumalikod.

"Ah bastos ka ah!" , sabi niya at hinila ako pabalik.

"Ba't ka ba sigaw nang sigaw ?" , mahinahong tanong ko.

"Eh shunga ka eh!" , sabi niya.

"Kung ako shunga ikaw naman saling pusa!" , sabi ko. Eh punong puno na ako eh.

"You b*tch!" , namumula siya sa galit.

Paaaakkkkkkk.

Napahawak na lang ako sa kanang pisngi ko. Hindi ko napigilang umiyak dahil na siguro sa sakit at sa natapakang  pride ko rin.

"Look , who's the 'saling pusa' between us? I think it's you. Tsk,Tsk. Poor Little Girl !Nag aasume kasi ng masyado eh. Eh ano ang feeling nang maagawan ngayon?" , pang aasar niyang tanong sa akin.

The Journey of The Shunga Girl (GG) [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon