TJOTSG Into The New World Chapter 13

3.7K 93 8
                                    

 Happy bday shungang HYOYEON!! Ikaw na! Ikaw na ang magaling sumayaw!!! Dancing Queen nga di ba?!! Iloveyou :D <3



TJOTSG Into The New World 

Chapter 13 - The Dance battle

 


Taeyeon's POV

 

Nasa backstage na kami. Kinakabahn ako. Sumilip ako sa gilid ng stage at yun napakarami ngang tao! Sa dami ng tao may posibilidad naman sigurong wala siya at yung mga tauhan niya dito.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Takte naman oh! Pano ba nila ako nahanap?! Lumayo at nagtago na nga ako diba?! Sobrang layo ko na kaya! Pero parang di ko kayang mag perform ng maayos nito. Nanlalamig buong katawn ko sa kaba.

Baka naman namalikmata lang ako?! Siguro nga! Pero kilalang kilala ko si Leeteuk. Alam kong siya yun! Alam ko bawat galaw at katangian niya. Sa pagkahabahaba nang panahon alam ko na mahal ko pa rin siya. Na kahit hindi na dapat. Hindi na dapat dahil alam kong ginamit niya lang ako.

At kung patuloy ko pa rin siyang mamahalin kamatayan naman ang kapalit nun.

"Oh bat di ka mapakali?" , tanong sa akin ni Hyoyeon.

Sasabihin ko ba ang totoo?! Wag na lang baka mag alala pa.

"Eh ang daming tao eh. Punong puno ang arena." , sabi ko.

Oo, sold out ang Dance battle na concert na ito.

"Kaya natin yan! Ano ka ba?! Parang di ka na nasanay!" , sabi nya sakin at tinapik ako.

Nag smile na lang ako. Yun ang dapat Teayeon. Dapat kalimutan mo na siya! Ang dapat mong gawin ngayon ay mag focus!

AJA!

Hyoyeon's POV

Ito na yun! Manalo man o matalo basta naipakita namin na magaling kami! Na hindi nawala yung talents namin! 

At kung nagtataka ka man kung pano namin nagawang magpractice matapos nung nangyaring insidente dun sa studio ko. Eh heto lang naman ang nangyari.

The Journey of The Shunga Girl (GG) [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon