Lahat na

15 1 0
                                    

Ginawa ko ang lahat, lahat-lahat ng kaya ko lahat ng kaya kong gawin, lahat ng kaya kong ibigay at lahat ng hindi ko pa kayang ibigay. 

Binigay ko sayo ang lahat ng oras, panahon, maging oras ng pagtulog ko binigay ko, pero ang lahat ng iyo binigay mo sakanya. 

Sinuko ko ang lahat, lahat-lahat maging ang sarili ko pero sinuko mo din ang sarili mo sakanya at ako... sinukuan mo. 

Ang dami kong binitawan para sayo, pero da akin ano? anong ginawa mo? binitawan mo ako. 

Ang sabi mo kasi kapit lng, kaya kumapit ako. hindi mo naman kasi ako pinaalalahanan na sinulid lng pala ang hawak mo, tuloy mabilis napatid kahit ilang segundo pa lng ako kumakapit. 

Ginawa kitang mundo ko, kasi yun ang totoo at pinaniwala mo akong ako lng din ang iyo yun pala pinaikot mo lng ako. 

Sinubukan ko gumawa ng himala, gawin ang lahat na hindi tama. akala ko ako lng pero gumawa din pala kayo ng sariling himala. 

Binigay ko man ang lahat, gawin ko man ang lahat, isuko ko man ang lahat alam kong hinding-hindi mo iyon makikita kasi ang lahat ng ito'y sakanya mo ginagawa. 

Lahat na ba ito?
lahat-lahat na ba ito?
Hindi pa... sa totoo lng kaso..

Mauubos na ako, kaya dito na lng 'to... wala namang mapapala eh kasi kulang eh, kulang pa din. sana sinabihan mo akong patayin ko na lng yung sarili ko para pati buhay ko nabigay ko na. 

Sa totoo lng pwede, pwede namang pati yun ibigay ko para masabi kong nakuha mo na ang lahat-lahat ng pagkatao ko. atleast diba hindi ka talo kasi gahaman ka masyado wala kang itinira. 

Ayoko na sa lahat-lahat ayoko na sayo, ayoko na sa sarili ko, ayoko na sa mundo. ayoko na... dahil ubos na ubos na ako, may mawawala pa ba kung nakuha mo na ang lahat-lahat ko?

PoetreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon