Gabi

12 0 0
                                    

Gabi

Noong gabing sinabi mong mahal mo ako naubusan ako ng hininga, nakalimutan ko kung paano magsalita
Paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi mo noong gabing yun
Mahal kita...
Mahal kita...
Mahal kita...
Noong gabing yun hindi ko nagawang makapagsalita, hindi dahil sa hindi ko ginusto ang lumabas sa iyong mga labi, kundi dahil ginusto ko.
Gusto ko
Gusto kong huminto ang oras para sa ating dalawa, makasarili akong tao at gusto ko ang pag-iisa ngunit noong gabing yun ginusto ko ang makasama ka.
Nang sumapit ang umaga natakot akong imulat ang aking mga mata, sa takot ko na baka ang mga pangyayari noong gabing yun ay sadyang mapaglarong panaginip lamang.
Ngunit napatunayan kong totoo pala, dahil ng natagpuan mo ako ay sinabi mo na naman ang dalawang katagang nagpabago ng buhay ko
Mahal kita...
Mahal kita...
Mahal kita...
Kaya sinagot rin kitang mahal din kita dahil alam ko nang totoo ang mga sinabi mo noong gabing yun.
At sa tuwing sasabihin mong mahal kita paulit-ulit din akong sasagot nang mahal din kita dahil noong gabing yun alam kong mahal din kita.

PoetreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon