Kabanata 10

328 19 0
                                    

Kabanata 10

"Ano ba! Celina, can you just stay foot. Nakakairita ang palakad lakad mo." Sabi ng kasamahan ko sa department ko. Wala kasing customer sa ngayon na dumadating kaya parang naeewan ako dito at hindi mapakali sa kinatatayuan.

             Humarap ako sa kanya saka nagpunas ng pawis. "Hayaan mo muna ako. Di ko talaga alam gagawin ko, nakakaasar naman." Saka ako napabuntong hininga at ang kasamahan ko was like, kung makatingin akala mo hindi ako kilala.

             "Ay alam mo!" Sabay lapit nito sa akin at may inabot sa akin na papers. Napatingin na lamang ako dito saka ko kinuha sa kamay nya. "Gawin mo 'to! Kaysa naman magpalakad lakad ka diyan. Kunin mo kaya laptop mo. Diba binigyan ka naman ni Sir Yuie?" Napangiwi naman ako sinabi niya kaya umiwas na lang din ako at sinumulang gawin papers.

             Laptop. Laptop. Dagdag problema, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Sir Yuie na nasira ko ang bigay niyang laptop. Isama mo pa si John Fowler na pupuntahan pa ako dito mamaya, anong gagawin namin? Naku! Hindi ako sanay sa taong nakaasaran ko na.

             Dinala ko sa table ko ang papers na binigay niya sa akin. Parang nafifeel ko na this could be the worst day of my life. See, si John Fowler 'yun makikipagkita siya sa akin, for what I've done to him nahihiya ako sobra. Para kasing ang dami niyang itinulong sa akin gaya na lamang ng paglitas niya sa akin sa manyak nung isang araw. Nahihiya at kinakabahan, ano pa ba ang dapat kong maramdaman.

             Mas inabala ko ang sarili ko, pero hindi rin mawala sa isipan ko ang laptop ni Sir Yuie. What if malaman niyang nasira ko 'yun at sisihin pa ako kasi hindi ko nagagawa ng maayos yung trabaho ko. So fired na ako, ganun ba 'yun? Akala ko kasi hindi mahirap mag take ng risks pero parang nag-ilusyon lang ako nung oras na 'yun.

             Nagpaalam ako sa katrabaho ko na sa staff room ko na lamang gagawin ang gawain ko. Pumayag naman siya, hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, ito ba 'yung feeling na natataranta ka kasi may taong maghihintay sayo mamaya?

             Pagkarating ko sa staff room ay pumwesto ako sa isang table, inalis ang mga nakalagay at nakapatong na bag at binaba. Kailangan kong magconcentrate dahil trabaho ito, tao lang siya at dapat hindi pagtuunan ng pansin. Focus Celina, focus!

             Nakailang oras din ako nagpakababad sa trabaho ko para lamang hindi ako madistract ni John. Mayy biglang kumatok sa pintuan kaya napalingon ako doon, tinitigan ko baka kasi pumasok na siya pero patuloy lamang ito sa pagkatok.

             "Pasok!" Sigaw ko. Umuwang naman ang pinto pagkasabi ko at tuluyang pumasok si Yuie. Napalunok ako ng laway nang makita ko siya. Baka isipin man lang niya na wala akong ginagawa sa trabaho ko pero he's not the boss here, employee lang din naman siya.

             Walang kaex expression ang mukha ito. May nagawa na naman ba akong mali?

             "Sabi ng kadepartment mo, nandito ka. Good to see you." Diretsyo nitong tugon sa akin.

             Tango na lamang ang binigay ko sa kanya. Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa kanya.

             "Bakit ka ba nandito?" Umiwas siya ng tingin sa akin.

             "Nagtatrabaho?" Patanong kong sagot sa kanya.

             Lumingon na siya sa akin kasabay ng pag-taas ng kaliwang kilay niya. Kung papagalita man niya ako kasi nandito ako, atleast may ginawa naman ako sa trabaho ko.

A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon