Kabanata 1

1.1K 32 6
                                    

Kabanata 1

"Hindi mo pa ba tatapusin 'yan Celina? Pwede mo naman gawan na nang ending 'yan. Anong kaartehan mo diyan?" Mataray na sinabi ni Jana na isa ring manunulat, slash bestfriend ko rin.

             Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at naka-ilang ulit na ng nakakatapon ako ng papel sa basurahan, draft pa lang ang ginagawa ko pero hindi ko pa rin magawa ng maayos. Ang hirap gawin, nahihibang na nga ako at mukhang sasabog na ang utak ko sa dami ng pumapasok sa utak ko na imposible naman mangyari.

             "Iwan mo muna ako. Saka mauna ka na." Aniko saka niya ako inirapan at tumayo dala dala ang laptop niya. Mabuti nga siya at madaling bigyan ng isang masagana at masayang happy ending ang storyang nagagawa niya samantalang ako, kakaumpisa ko pa lang sa nobela ay ending na agad ang pumapasok sa utak ko kaya napepressure din ako.

             Nakailang buntong hininga pa ako hangga't sa napagpasyahan kong umuwi na lang din. Simple lang naman ang buhay ko, hindi ganon kayaman at hindi naman ganon kahirap, ayos na para mabuhay ako sa araw araw. Kasama ko naman ang mga magulang ko pero taliwas sila sa mundong pinasok ko.

             Gusto nila na maging CPA o certified public accountant. Natapos ko naman ng maayos ang course pero sa ngayon ay hindi pa ako nagtatrabaho dahil sa pinasok ko. Isang publishing company na ang kumuha sa akin at inalok na ipublish ang mga naturang akda ko pero nang malaman nila na hindi ko pa nagagawa ng ending ito ay binigyan nila ang nang ilang buwan para gawin pero it turns out na hindi ko kinaya, kaya hindi na nila tinanggap.

             Inayos ko na ang notebook na pinagsusulatan ko, halos lahat ay drafts pa lang at dahil wala naman akong pambili ng laptop ay sa computer shop lagi kong ineencode lahat ng nasulat ko. Kung makakagawa lang sana ako ng magandang storya na aangkop sa mga naiisip kong posibleng mangyari na ending ay gagawin ko.

             Ang hirap din pala maging isang manunulat. Dati rati naman ay isang tagabasa lang naman ako ng mga likha nila at pinupuri sila sa kanilang kagalingan sa pagsulat. Nacurious kasi ako kung paano gawin, akala ko lahat ay madaling gawin pero may karampatang hirap din pala. Kasi kailangan mong mag-isip ng mga scenario na magugustuhan ng mambabasa mo o kaya maging ibang panlasa ang mga sinusulat mo.

             Pero iba ata ang napuntahan ko, mahirap pala ang gumawa ng nobela ng walang nakakabasa, oo yung mismong ikaw lang ang reader. Dati nag-post na ako sa isang online free reading etc. Naengganyo ako, hangga't sa dumating ang araw na may nagbasa at nakatanggap ako ng panlalait.

             Masakit kasi hindi pa nga nagsisimula ang kwento, sinira na ang confidence ko. Pero sabi nga nang iba na kailangan kong tumanggap ng ganu para maimprove daw ang writing skills pero paano kung laging lait lang ang nakukuha ko, feeling writer nga daw kasi ako.

             Habang naglalakad ako palabas ng coffee shop, kung saan lagi kaming tumatambay para lang mag-sulat o gumawa ng story. Sa bahay naman, hindi ako makapagconcentrate kasi nasa kwarto lang ako maagmadamag at nag-aabang ng magiginng scenario sa utak ko.

             Mag-gagabi na at kailangan ko na rin naman umuwi kasi tiyak na papagalitan na naman ako ni Mama. Pumara ako ng taxi, may huminto naman agad sa harapan ko at pumasok naman din ak. Nagtaka lang ako dahi biglang may pumasok din sa loob ng taxi at tumabi sa akin. Hindi naman at ito 'yung modus ng mga taxi drivers diba? Napalunok ako nang laway. Parang nagkaroon aakoo ng stiff neck at hindi ko maigalaw.

             "Miss, san ka dadaan?" Nagulat lang ako ng magsalita siya. Parang ang sweet ng dating pero manly voice.

             "Ah, sa may subdivision ako." Hindi ko pa rin maigalaw ang ulo ko, nagka stiff neck nga siguro ako.

A Writer Damned Story (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon