She broke up with me.

242 6 2
                                    

She broke up with me.

A/N: Ang storyang ito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangyayaring ginamit ay gawa gawa lamang at walang katotohanan. Kung gusto niyong seryosohin ang mga nakasaad dito. Pwede din, kaso nga lang baka hindi na kayo makatulog niyan. Pati nainspired lang ako gawa ng mga karoommate kong RN at Psychology Student.

- - -

"AAAHHHHHHHH!!!" napabangon sa kanyang hinihigaan si Anthony. Napahawak siya sa kanyang noo na pawis-pawisan at napabuntong hininga. Dalawang buwan ng nakakalipas simula ng makipag hiwalay sa kanya si Lian pero simula noon paulit-ulit na lang itong lumalabas sa panaginip niya na pinapatay at sinaksak sa buong katawan ng mga matatandang nakaitim.

"Hindi na dapat tayong magsama. Hindi mo ako matatanggap at hindi ka rin nila matatanggap. Paalam" bumalik sa alaala niya ang sinabi ng kasintahan noon bago makipaghiwalay. Napailing na lang siya.

Tumingin siya sa orasan na nasa gilid ng kama niya, 3:04 a.m pa lang.

Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig mula sa kubeta. Malakas ang tunog nito at sigurado siya na sa bahay nila iyon. Nung una hindi na lang niya ito pinansin pero habang tumatagal napapaisip siya. Malayo ang agwat ng bahay ng kapit-bahay nila at sa pagkakaalam niya siya lang ang tao ngayon sa bahay nila dahil kagabi bago siya matulog ay mag-isa lang siya sa bahay.

Labing limang minuto na at hindi pa rin tumitigil ang tubig. Kahit lalaki siyang tao hindi pa rin mawawala ang takot na namumuo sa dibdib niya. Lalo lang siyang kinakabahan sa kanyang naiisip na "Sino ang naliligo sa banyo?"

Pilit niyang kinalimutan ang mga bagay na naiisip niya ng bigla nyang maalala ang sinabi ng kaibigang si Jericho na kapag nagising ka sa oras na alas tres ng madaling araw na wala namang dahilan may nakatingin daw sa iyo.

Nagtaasan ang mga balahibo ni Anthony kaya mabilis niyang tinaklob ang kumot sa katawan.

Kinabukasan,

Hindi muna pumasok sa eskwelahan si Anthony. Dahil bigla na lang sumasakit ang tiyan niya kahit hindi pa naman siya nag aalmusal. Napatakbo na lang siya sa lababo dahil nasusuka siya. At laking gulat niya ng tubig ang isuka niya.

Nung umayos na ang pakiramdam niya napatingin siya sa hagdan ng bahay nila. Naalala niya yung kinuwento ni Lian sa kanya nung sila pa.

May dalawang magkapatid daw na naiwan sa bahay tapos biglang nagbrown out. Yung nakakatandang kapatid tumawag sa kanyang Daddy kung ano ang dapat gawin. Sinagot naman ito ng Daddy nya na puntahan yung Breaker sa basement.

"Ayaw ko po, natatakot ako" sagot nung bata

"Sige na anak puntahan mo na. 10 steps lang yun pati kausap mo naman ako."

"Ayaw ko po talaga"

"10 steps lang, tapos okay na. Sige na sasabayan kita sa pagbibilang"

Napapayag din yung bata, sabay pa sila ng Daddy nyang magbilang

"1, 2, 3 ... 9, 10" sabi nung Daddy

"11, 12.." tapos nag end na yung call.

Nagsitaasan ang balahibo ni Anthony baka daw dumerecho sa impyerno yung bata. 

"Yow pare!!" binati siya ni Jericho pagkapasok niya sa gate ng eskwelahan nila. Pang apat na taon na nila ito sa Kolehiyo pero hanggang ngayon hindi pa rin mawawala ang pagkapilyo ng kaibigan niya.

"Oh?" walang ganang sagot ni Anthony kay Jericho.

"Bakit sabog ang mata mo? Umamin ka nga, nag d-droga ka ba? HAHA. Noon napansin ko namamayat ka tapos ngayon sumasabog na ang mata mo. Umamin ka nga!" tinignan ni Anthony ng masama si Jericho. Napaatras naman ang kaibigan niya at sumenyas na biro lang.

She broke up with me.Where stories live. Discover now