Laban Kung Laban

2.6K 29 15
                                    

Laban Kung Laban

   Unti-unting pinapasok ng mga aswang ang boarding house, at lahat kami ngayon ay naka-kulong sa loob ng masikip na sala.

   Ang lahat ng mga babae, liban kay Carmen ay naka-upo sa likuran ni tita Baby at pilit na binibigkas ang mga dasal sa gitna ng mga luha at panginginig. Lumakas at dumami pa ang pagkabog sa mga dingding at sa pinto. Nagsigawan ang lahat at naparalisa sa tunog ng natila nagigibang pinto. Napakalakas ng tilian ng mga babae na napalundag mula sa mga kinauupuan kasabay ng mga dagondong ng kabog sa pader.

   Bagamat hindi pa rin humihinto sa pagadarasal, nagawa ni tita Baby na taliang muli ng rosaryo ang door knob. Tumigil panandalian ang paggiba ng pinto. Mas lumakas na ngayon ang tila pag-akyat nila ng mga dingding.

“Tol ano ba talagang meron?” tanong ng isa sa mga boarder.

“Baka naman niloloko niyo lang kami ditto!” sumbat ng isa sa mga syota. Nagsitayuan ang marami sa kanila at tumigil na rin sa panginginig.

   Tila may iginagawad na katapangan ang pagkakaroon ng kasamahan at naudlot sa pagdarasal ang mga syota. Huminto na rin sa wakas ang mga ingay at nagsipagdaan ang ilang mga kabataan sa labasan.

   Nagtinginan ang lahat, hindi mapakali at hindi magkamayaw sa pagtatantya kung lokohan lang ba ang lahat ng mga nangyayari. May isa o dalawa lang yata ang patuloy na nagdasal para lang walang masabi si tita Baby. Subalit may mga ilang nao-OA-yan sa nagaganap na novena. Hindi pa man lumalaim ang gabi, agad na nagkaroon ng pag-aaklas. May mga grumupo na para suungin ang panganib sa labas na pagaakalang magagawa nilang tapatan kung sino man ang kalaban.

“Lalabas nalang kami!” pangunguna ng isa sa mga syota. “Tatawag kami ng pulis!”

“Hindi nga pwede mga dre! Bat ba kasi ang tigas ng mga bungo nyo? Sinabi na ngang lalapain kayo sa labas eh!” talsik-laway ni Kiko Man habang patuloy na kinukumbinsi ang mga ito.

“Nakita namin sila kanina” takot na takot na kwento ng isa sa mga kasama niya. “Parang sa Twilight tol pero totoo talaga. Grabe halos maihi ako”

“So magpapaniwala tayo sa mga adik-adik na mga to?” hamon ng isang mataray pero muka namang bobo na syota.

    Hirap kasing mangumbinsi ng tao pag ang track record mo medyo palya.

“Sige! Lumabas kayo! Pero pag kayo pinatay ng mga aswang walang sisihan!” balik-sigaw ng isa sa mga syotang nakaluhod pa rin sa tabi ni tita Baby.

    Doon na natahimik ang lahat. Nagsibalikan sa pagdarasal ang karamihan sa mga syota’t mga boarders. Si syotang mataray, naghanap ng mga hidden camera sa sala. Putnang tae.

    Halos kalahating oras pa ang lumipas. Nanlalagkit na ang lahat sa loob ng masikip na sala at parang nangaasar pa na may mga nagtatawanan sa labas.

“Labas na!” udyok ng isang malakas na boses mula sa labas.

   Nanguna sa pagtayo si Taray. Agad na sumunod si boyfriend sa kanya. Ang ilan sa mga boarder, nakumbinsi din ng panggagago ni Milandro para lumabas. Hindi na namin sila napigilan. Kaunti lang ang naniniwala sa mga pasabog namin ni Kiko Man liban sa mga mismong nakakita sa kanila.

   Si tita Baby na nag-abang nalang sa pinto para saklolohan sila. Hindi kasi niya ugali ang mangsaway sa mga taong ayaw din naman makinig kaya pinanood nito ang mga boarder at kanilang mga syota sa pangunguna ni Taray, habang sinusuong nila ang kadiliman. Dahan-dahan, higpit na higpit ang hawak sa mga pamalo nila, nagawa nilang makatapak sa may floor mat.

   Tumambad sa labasan sila Milandro kasama ang ilan pang tila sing ganda rin ni Carmen. Nakangiti sila sa mga pasaway. Agad nagsalita si Taray.

Carmen Room 438 (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon