Panambang

2.3K 23 2
                                    

Panambang

 “Hi” bati niya na para bang may bakas ng pagka-hiya.

        Mula sa gilid ng mismong kama ko, nakahalukipkip ang mga palad at panay ang hiyang-hiyang ngiti sa mga kaibigan ko; may isang dyosang tila bumaba sa lupa.

“Carmen?” Napatulala ako.

     Ngumiti si Carmen kasabay ng pagdampi ng matingkad na kulay rosas sa kanyang mga pisngi. Tila may naputol na ugat na nagpadaloy ng malakas na kuryente sa buo kong katawan. Awtomatikong tumilapon ang sakong dala-dala ko sa paanan ng aking kama, pagkukubli sa tabi ng mga labadang wala ng pagasa.

“Dre!” Pasigaw na bati ni Kiko Man. May bakas pa ng pula sa kanyang mga mata mula sa batakan nila kagabi.

   Gamit ang kabilang siko, hinatak niya ako palabas ng kwarto kung saan nakalapag ang mga paa ni Kuya Toots sa isang maliit na upuan habang hawak-hawak ang nauupos na sigarilyo.

“Dre” pag-uulit ni Kiko Man.

“Ano ba?” Pumalag ako.

“Anong ano? Naknang butiki naman dre o! May tinatagong ka bang gayuma dyan ha? Penge naman kami nyan. Dikit-dikit tayo dito di ba?” sabay siko pababa sa mga paa ni Kuya Toots.

    Marahan naman tumayo mula sa kinauupuan si Kuya Toots na parang kagigising lamang mula sa isang mahabang siesta. Inilapag nito ang sigarilyo. Parehong nakasunod ang ulo naming dalawa ni Kiko Man habang naka-bunong braso pa ang ulol sa akin.

    Napapikit ng mariin si Kuya Toots na tila may napaka-lalim na iniisip. Marahan at madramatiko nitong itinaas ang kanang palad. Kinuyom. At sa mabilis at biglaang paraan, kinalampag at halos baliin na nito ang lamesang kinalalagyan ng nakasindi pang sigarilyo.

“Hindi patas humusga ang Dyos!” himuktot nito. “Anak ka ng tipaklong na kabet ng bwaya! Pano mo nagawa samen to Mael? Ha? Pano??”

    Nagpumiglas ako at saka pa lamang nakawala sa sakal niya.

“Hindi rin kayo bangag. Mga tol, hindi nyo kilala yang si…” Napatigil ako. Alam na kaya niya ang lahat ng sinabi sa akin ni Manong?

    Maingat kong itinulak ang pinto gamit ang paa ko atsaka hinila sa kwelyo ang dalawang gamuho na magpapalapa pa yata sa aswang.

“Hindi nyo kilala si Carmen. Wag nyo nalang siyang lalapitan, maliwanag?” Pagbubulong ko sa kanila.

“Pag-ibig na ba yan dre?” Pasigaw na bulong ni Kiko Man. Hindi naman na siguro kagulat-gulat kung bakit Kiko Man ang pangalan niya.

“Kasakiman, tol. Kasakiman.” Himutok ni Kuya Toots.

   Akto namang sasakalin ako ulit ni Kiko Man ng biglang pumanhik si Tita Baby sa taas ng pent. May dala-dala itong isang tray orange juice at isang supot ng pandesal.

“O Mael nandito ka na pala! San ka ba nanggaling at linggo ng umaga’y kay aga-aga mong lumabas? Kung ganon ka sana kasipag gumising tuwing pasukan…Lintik na buhay naman o!”

    Sinipa pabukas ni tita Baby ang pinto atsaka matamis na binate si Carmen. Mukang hindi lang sa kalalakihan napapagana ni Carmen ang gayuma niya. Ang dating world war II general ay malumanay na nakipag-usap sa mala-dyosang nangangain ng taong naka-upo parin sa gilid ng aking kama.

“O, magmeryenda ka muna iha. Naway mapatino mo na itong pamangkin ko. Pagpasensyahan mo nalang yan at medyo talagang may pagka-bobo yan. Hindi kasi nakapag-gatas sa nanay nong bata pa kaya lumaking walang alam.”

“Tiyang naman”

“Asikasuhim mo na yang bisita mo at kanina ka pa niya inaantay!” baling muli ni tita Baby sa akin sabay hampas ng tray sa tyan ko.

    Hinila ni Kiko Man ang ulo ko palabas at saka ako binulungan ng medyo mahina kaysa sa nakasanayan.

“Pag yan pinalampas mo, dre, kahit pa type din kita…”

“Tumigil ka nga!”

    Isang malutong na sapok ang pinakawalan ko na sya namang nagpatawa kay Carmen. Mahinhin nitong tinakpan ang mga labi gamit ang mga daliri.

    Sinipa ko na palabas ang dalawang asungot at saka isinara ng tuluyan ang pinto.

“Nagpunta ka pala sa apartment ko kahapon” bungad niya, hindi parin natitinag ang malamyang ngiti at kutitap ng mata.

    Ang hirap tuloy ulit paniwalain na ang manananggal kagabi na dumalaw sakin at ang kwento ni Manong ay tungkol pa rin sa napaka-gandang babaeng ito.

    Inilapat nito ang malambot na kamay sa aking tuhod atsaka tumawa ng mahina.

“May lakad ka ba ngayong gabi?” tanong niya.

“Ah…” Nangatog ang mga tuhod ko na para bang gusto ng bumigay. Kung pwede lang na tadayakan ang sarili para magising sa katotohanang hindi naman ako type ng babaeng ito.

    Dahil milya milya ang layo naming dalawa sa panlabas na kagandahan at dahil hindi naman ako mayaman at wala akong magarang kotse o slang sa aking dila na para bang ipinanganak ako sa ibang bansa. Kaya walang dahilan para paniwalaang naririto diya dahil insteresado din sya sa akin. Isa lang ang nakikita kong lohikal na eksplenasyon. Aswang nga talaga siya.

    Agad na gumanang muli ang kumon ng utak ko at nagawa kong marahan ding ilayo ang palad ng dalaga.

“Actually, balak ko sanang magsimba mamaya”

    Alanganing ngiti ang isinumbat nya sa akin.

“Kami din!” Paningit ng dalawang kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.

“Baka gusto mong sumama Ms. Carmen?” Atat na suhestyon ni Kuya Toots.

“O sige, sasama ako” sagot ni Carmen habang nakadikit parin sa plantsadong muka ang isang pilit ngunit tila nangaakit na ngiti.

    Halos hilain ng dalawa ang dalaga palabas ng kwarto ng sumapit na ang oras ng alas-sais. Oras na ng misa. Pina-una ko na ang tatlo sa baba habang mabilis kong inilatag ang aswang tracker na ibinigay sakin kanina ni Manong.

   Ganun na lamang ang laking gulat ko ng halos basagin ng kulay berdeng bato ang maliit na bote. Ibinulsa ko ang maliit na sisidlan atsaka naghanap ng maliit lang na kahit konting panlaban. Hindi naman yata babagay sa porma ko kung magbebelt ako ng buntot ng page at uusli ito saking pantalong habang kumakanta kami mamya ng Ama Namin.

   Naghalungkat pa ko sa sako ni Manong. Itinabi ko na ang ilang kagamitan atsaka mabilis na tumakbo pababa. Napalibutan na ng iba pang mga boarders si Carmen. Panay-panay ang bati nila sa kanya at dahil siya lamang yata ang babaeng pumansin sa mga walang kwentang bagay na inilalabas ng bunganga ni Kiko Man, mas lalo pa silang nabighani sa kanya.

“Tayo na” paanyaya ko palabas ng bahay.

   Agad na sumunod si Carmen ang dalawa pang unggoy na wala pa ring malay sa tunay naming sitwasyon.

“Iuwi nyo ng maayos yan ah, Mael!” Sigaw ni Tita Baby mula sa malayo.

   Sa totoo lang, sana kami ang makauwi ng maayos. Matapos nito, sana lang matupad ni Manong ang plano naming. At sana lang pare-pareho kaming makauwi ng buhay.

>>>Itutuloy 

Carmen Room 438 (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon