Short History of Me, You and Him (Short nga ba? Hehe)

3.3K 64 48
                                    

Short History of Me, You and Him (Short nga ba? Hehe)

-Para sa mga interesadong malaman kung paano nabuo ang story na ito.

Noon (wag na nga sabihin kung kelan..) Basta noon, I met a couple..

Si Alex (Alexandra) and Lin (Linder Paul ka ba Lin? Linger Paul? Haha! Basta!). Wag na yung last names. ;)

So Alex is the girl and Lin is the guy. People would always mis-spell Lin’s name as “Lyn”. Some friends would sometimes joke na “Under si Lin ni Alex dahil si Alex ang lalake at si Lin ang girl” dahil nga sa “LYN”.. well, dahil din sa ALEX. Yung joke na yun ng ibang friends ay dahil sa names nila. (Pero para sakin Under talaga ni Alex si Lin! Haha! Peace!)

So ayun Alex and “Lyn”.

Sa kasagsagan ng pagbabasa ko noon ng pocketbooks na Sweet Valley High, Teen Love Stories etc etc., ay naisipan kong mag-sulat ng isang English Love Story Novel.

Sa inspirasyong dala ng sitwasyon nina Alex at Lin.

Isinulat ko ang “She’s a He and He’s a She” (ang baduy lang! haha!)

The story is about a girl who went to College and rented an apartment na nag-hanap ng housemate dahil baon siya sa utang dahil sa pag-aaral. Her supposed girl housemate turned out to be a guy na all the while, inakala niyang “Lyn” na girl ang nagpapadala ng perang pang advance/deposit sa house.

At dun na umikot ang storya.

I forgot all about that novel na sinulat ko noon.

Ang alam ko kasi nasa unang computer ko siya na nasira na.

So anyway, just last year, I got hooked sa pagbabasa ng Filipino Teen Fiction stories sa paninimuno ng isang kaibigan. Sinesend lang sakin noon ang soft copies ng iba’t ibang stories. Kaya tinanong ko na kung saan niya nakukuha ang mga yun. Sabi niya sa Wattpad.com. May softcopy pag may links ang authors.

I searched and registered sa Wattpad (yes, may isa pa akong account dito sa Wattpad na ginagamit kong pang-basa talaga.. hulaan nyo.. haha! Wag na..)

So ayun, Wattpad addict lang ang peg!

Tapos one day, my friend Ava (@avasexygoddess) asked me to write something para sa isang final project ng kapatid niya. Matagal ko na rin kasing hindi nagagawa yun kaya medyo hesitant ako nung una pero sa kakulitan ni Ava e ginawa ko na. (at dahil na rin nakaka-awa naman yung kapatid niya na ayaw niyang tulungan! Haha!)

Sabihin na lang natin na maganda ang kinalabasan nung project ng utol niya kaya nilibre nila ako ng food and coffee.

Nung nasa Starbucks kami, nag-check ng Twitter si Ava sa laptop na dala niya. Naki-net na din ako dahil sabi ko baka nag-post na ng new chapter yung author ng isang on-going story na sinusubaybayan ko.

So, habang nagwa-wattpad ako..

Ava: “Mey, bakit hindi ka rin mag-sulat ng ganyan? Diba may ganyan ka dati? Teen Fiction story kyeme!”

Meyot: “English yun. At nawala na yun. Ang baduy baduy nun no! Walang magbabasa.”

Ava: “Edi gumawa ka ng bago. Alam mo therapy yan sa sugatang puso.”

Meyot: “Ansabeee?? Utot!”

Wag nyo na intindihin yung “sugatang puso” moment. Joke lang niya yun. Sinama ko lang jan para buo ang kwento ko.

So anyway, a few weeks or months yata after that, yung kapitbahay namin na mahilig manghiram ng old pocketbooks ng ate ko e nagpunta ng bahay para nga manghiram ng pocket books.

Me, You and Him (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon