Chapter 7: Master

137 11 0
                                    


~2 weeks later..

AUTUMN's POV

KRRIINNGG KRRIINNGGGG! KRRIII---

Urgh! Ang ingay! – inis kong bulong at saka pinatay ang alam clock

Agad akong bumangon para maligo na at makapasok na, nakakatamad pumasok, mas gusto ko pang puntahan na lang si Inno kesa pumasok, naligo na ako agad bago pa ako makatulog ulit, inihanda ko na ang sarili ko, training day nga pala ngayon para sa mga Mireitians

Matapos magayos ay pumasok na ako sa A.H, pakalat kalat nanaman ang mga kaschoolmates ko sa daan, siguradong hinihintay nanaman ng mga to yung tatlo, hindi lang sa Mireitians sikat ang tatlong to kundi pati sa Naovians, napakadami nilang admirer kahit pa kinatatakutan sila sa buong Mireithiel

YAWN!

Napahikab na lang ako at saka nilagpasan na yung mga kaschoolmates ko, nang makalayo na ako ay narinig ko ang pagtahimik ng buong campus, ibig sabihin dumating na yung tatlong bugok

Oo kapag tumahimik ang lugar na maingay ibig sabihin nandoon sila, weird ba? Ayaw kasi nila ng maingay, dati panay tilian ng mga babae kapag dumarating sila eh biglang nagbeastmode si Colby at halos sunugin ang buong campus ayon nadala ang mga malalanding girls

Dumeretso na ako sa training room, pagkarating ko ay ako pa lang ang nandito, I mean ako pa lang ang babaeng nandito dahil nasa lobby pa yung mga babae at inabangan nga yung tatlo

Nahiga na muna ako sa bench para ipagpatuloy ang pagtulog ko, inaantok kasi talaga ako ngayon

BOOGGSSSHHHH

BLLAAAAAG!!

Ack!! – daing ko ng biglang mawasak ang hinihigaan ko, tsk! Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko saka naman umentra to

Who told you to sleep here – masungit na sabi ni Chester

Oo siya ang sumira sa hinihigaan ko

Tss, ang tagal niyo kaya – sabi ko naman at saka bumangon na mula sa pagkakabagsak ko, kita ko ang paniningkit ng mata niya

Kasabay ka lang namin dumating – sabi naman ni Clifford habang pinupunasan yung mga daggers Aniya

Oo na! pati ako pinaaandaran niyo ng kasungitan niyo – sabi ko naman

We're in the training room baka nakakalimutan mo – cold na sabi naman ni Colby

Napairap na lang ako dahil sa kanila, oo sila ang trainor naming mga Mireitians, ang tawag namin sa kanila kapag nasa training room ay Master, Master Colby, Master Chester at Master Clifford tss ang sama sa paninig

Susumbong ko kayo kay Inno – bulong ko, ramdam ko ang sabay na pagtingin nilang tatlo sa akin

Mabilis akong lumayo sa kanila bago pa nila ako maparusahang tatlo

For today's training I want you to group yourselves into 5 – sabi ni Colby

Agad naman kaming sumunod sa sinabi niya, halos mga lalaki ang kagrupo ko may isang babae lang, 15 groups kami, yeah madami talaga kami, ¼ pa lang ito ng Mireitians na nandito sa Acadia High

I need one representative each group to pick your number – sabi ni Colby

Ako na ang lumapit sa unahan para sa group na kinabibilangan ko, bumunot na kami sa bowl na hawak ni Clifford, agad ko naman iyong binuksan kahit na wala pang sinasabi si Colby, ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin, inirapan ko naman siya at saka bumalik na sa grupo ko

4 – sabi ko sa kanila nang makabalik ako

Nakita na ba lahat ng numbers? – tanong niya agad naman silang nagsisagot

Kung sino ang mga may ari ng number na matatawag ay sila ang maglalaban, every battle will last for only 10 minutes dahil nga medyo madami kayo and oo nga pala dahil sobra kayo ng isang group ang hindi matatawag ay kami ang makakaharap – dugtong niya sabay tingin sa akin at ngumisi

Tsk! – mahinang bulong ko, I knew it nakita niya ang number na nabunot ko kainis talaga tong lalaking to, pag ginawan niya ako ng hindi maganda isusumbong ko talaga sila kay Inno

1 and 15 – sabi ni Colby

Agad namang tumayo yung group number 1 at 15, nagsimula na silang maglaban, wala naman akong pakialam sa kanila kaya natulog na ako dahil sigurado akong pang huli ang grupo ko, swerte nila sa akin, ipinikit ko na ulit ang mga mata ko

Maya maya ramdam kong may kumakalabit sa akin kaya napamulat ako saktong pagmulat ko ay may kamaong bumubulusok papunta sa mukha ko, agad akong nagbackflip at nakita si Chester na nakangisi sa akin, sira ulong to!

Mabilis siyang sumugod ulit sa akin, agad akong nagbackflip and in just a snap nagpalit ako ng anyo

CHESTER's POV

Mabilis ko siyang sinugod muli ng magback flip nanaman siya at nagpalit ng anyo, agad akong napaismid. Nawala sa isip ko ang ability niya ang Shapeshifting ability

Grrrrr – tinig niya, naging isa siyang mabangis na werewolf

Agad siyang tumalon sa akin, nakaiwas ako pero hindi ako nakaligtas sa mga kuko niyang matalim, inilabas ko ang dagger ko at saka siya inatake, nasugatan ko siya sa may bandang pisngi kaya agad siyang umalulong, tapos ay sumugod siyang muli sa akin at saka akmang kakagatin ko

Shi*t! – mura ko dahil halos naramdaman ko ang hininga niya sa braso ko, sineseryoso ata ako nitong isang to ah?!

Sumugod siyang muli sa akin at saka ako kinalmot sa may dibdib hindi ko agad naiwasan dahil sa bilis ng kilos niya, agad ko siyang nadaplisan sa may tagiliran, susugod na sana siya ulit sa akin ng tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang labanan, agad siyang lumayo sa akin at saka bumalik sa dati niyang anyo

Balak mo ba kong patayin?! – tanong ko sa kanya ng nanlalaki ang mga mata

Psh, namatay ka ba? – sabi niya at saka tumayo, napansin ko naman na nakahawak siya sa tagiliran niya, naalala kong nadaplisan ko nga pala siya, mabilis akong lumapit sa kanya at saka inalis ang kamay niya sa tagiliran at nakita kong malalim ang naging sugat niya

Sorry – sabi ko sa kanya, tinignan naman niya ako ng matalim

Susumbong kita kay Inno! – sabi niya, agad nanlaki ang mga mata ko

Huy grabe ka naman! Training naman to ah? – sabi ko sa kanya

Ah basta! – sabi niya at akmang aalis ng pigilan ko siya

Autumn wag kang ganyan – sabi ko sa kanya, nakatingin naman siya ng matalim sa akin, napatingin ako kila Colby na biglang nagiwas ng tingin

Aish! Sinasabi ko na kaya ayaw niyong kalabanin si Autumn! – sabi ko

Tara bro meryenda tayo – sabi ni Clifford sabay akbay kay Colby at saka sila lumabas sa training room

Ibinalik ko ang tingin kay Autumn at nanlaki ang mata ko ng mawala siya sa kinatatayuan niya kanina, agad kong nilibot ang tingin ko sa buong paligid at nakita ko siyang nalalakad na palabas, agad ko siyang sinundan

Dapat akong magpakabait dito dahil baka magsumbong nga ang isang to kay Inno, dati kasi nagsumbong siya kay Inno nung sinungitan namin siya dito sa campus tas nagalit si Inno sa amin, talagang hindi niya kami kinausap ng ilang araw. Ayokong maulit yon dahil hindi ako sanay ng hindi ako kinakausap ni Inno, she's very special and important to us, kahit pa hindi pa siya ganoon katagal sa amin, napamahal na siya ng sobra sa aming tatlo na kinatatakutan sa campus  

        • ∃ ∪ L ∀ L ¡ ∀ . M M X V I •        

Eulalia (On-hold)Where stories live. Discover now