Chapter 3: Inno

294 20 2
                                    


CLIFFORD's POV

Buti naman at nakaligo ka na - sabi ni Chester

Hindi ka pa nagtutoothbrush - sabi ko naman, napatingin naman siya sa akin

Toothbrush? That's for teeth right? - sabi niya

Nagkatinginan naman kaming tatlo at saka nagmadaling pumunta sa c.r habang hatak siya, hinarap namin siya sa salamin tapos ay kumuha ako ng bagong toothbrush at inabot sa kanya, si Chester ay kumuha ng mug at saka nilagyan ng tubig tapos ay inabot sa kanya, akmang isusubo niya yung toothbrush ng pigilan siya ni Colby, nilagyan ni Colby ng toothpaste yung toothbrush niya.

Nakatitig kami sa kanya, inaabangan kung ano ang gagawin niya, napangiti naman kami ng makita siyang nagtutoothbrush, bahagya pa siyang nakangiti para kaming mga tatay na tuwang tuwa dahil nakagawa ng tama ang anak namin

Kinuha naman niya yung mug para makapaggarg---

GULP!!

Nanlaki ang mga mata namin ng lunukin niya yung dapat na pang gargle lang

Ahh!! - sabi niya pagkalunok nung ginargle niya tapos ay patalon talon pang lumabas ng c.r

Bagsak balikat naman kaming napatingin sa kanya at saka napailing na lang

****

Halos umaga na kami nakatulog dahil sa kanya, lahat kami ay nangingitim ang ilalim ng mga mata, para kaming mga zombie

Good morning! - nakangiting sabi niya sa amin

Nanlaki ang mga mata namin ng makita siya sa baba ng hagdan, agad naming nilibot ng tingin ang buong paligid kung may nasira ba siya, nakahinga kami ng maluwag ng makitang maayos naman ang lahat

Did you brush your teeth already? - tanong ni Colby, tumango naman siya

Did you swallow the water? - sunod na tanong ni Colby habang nakatitig sa kanya, mabilis naman siyang umiling

Good, did you wash your face? - tanong ni Colby

Mabilis naman siyang tumango at saka ngumiti, madilaw pa din ngipin niya, nagmantsa na siguro kaya ganon kailangan na yong ipalinis

Wait what's your name? - tanong ni Colby

Name? - tanong niya

Yes your name - sabi ni Colby

I.. I.. I d-don't know - mahinang sabi niya

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Colby, kahit ako ay napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya

COLBY's POV

Napakunot ang noo ko ng sabihin niyang hindi niya alam ang pangalan niya kaya naman nandito kaming lahat ngayon sa living room para bigyan siya ng pangalan

Adora kaya?

Maru!

Hindi pangit yon eh

Maria?

Inday!

Tanga ka ba?

Napangiwi na lang ako dahil sa mga pangalang sinasabi nila, kawawa ang mga magiging anak nitong dalawang to, napatingin naman ako sa babaeng yon at nakita siyang nakangiti

May nagustuhan ka ba sa mga pangalang binibigay nila? - tanong ko sa kanya, umiling naman siya habang nakatingin sa dalawa

Then why are you smiling? - tanong ko

Eulalia (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon