chapter 5: ang issue

31 0 0
                                    

Sabado ng umaga, 5:30 pa lang asa beach na ako kasama ko sila Mama.

mama, papaiwan ako ha? dadating sila mark. Ma’jogging kami. Haha”

“ah sige, nang pumayat payat ka naman”

Yan ang bagay na hindi ko pa nababanggit sa inyo. Oo mataba ako. Hindi basta basta chubby lang ha? Mataba talaga ako.

“ang tagal naman nila” naiinip na ako

“oh asan na sila?” tanong ni mama

papunta na daw po”

Ilang minuto na lang aalis na toh sila mama, maiiwan ako ng walang kasama.

“sa wakas dumating rin kayo”  anjan na sila Julia, Marti at Mark

From no where, sumulpot na lang sina Nick, Jerrid, Heidi at Dave. Kasama pala sila akala ko kami lang apat.

Lumapit kami kala mama na nag aayos na ng mga gamit sa van at uuwi na.

“ma, kilala mo na sila Mark noh? Yung apat na lang hindi. Si Nick, Jerrid, Dave at Heidi”

“aa. O sige. Una na kami. Ingat kayo” paalam ni mama.

Naglakad lakad sila. Ako nakaupo na lang. ung iba nag bike. Makalipas ang ilang minuto. Lumapit sila sa kinauupuan ko.

Kulang ata kami ng dalawa.

si jerrid at dave asan?” tanong ko sa kanila

Si Mark ang sumagot.

“ako nasa puso ni Heidi. Si nick nasa puso ni Marti. si jerrid, nasa puso ni Julia. Eh si dave asan?”

“nasa puso ni Eli” banat ni nick.

gagoooo. Wala na naman kayong ibang mapagkadiskitahan!”

“totoo naman ee. Sweet sweet nyo pa nga. Pinaguusapan naming kayo nila Emer”dagdag ni Mark.

“anong sweet naman ang pinagsasasabi mo?”

“pag nasa school kaya kayo tapos nakita mo sya lalapit ka. Ma’high five kayo. Pustahan pa nga namin  malalaman na lang naming kayo na” paliwanag nya.

Ganun na pala kami ka’close? Hindi ko man lang namalayan, pinaguusapan na pala kami. Somehow nakakainis, pano kung sabihin din nila sa kanya tapos magkailangan kami. Pano na un?

Hindi ko na lang pinansin pang aasar nila. Nagpasya na lang kaming pumunta kila Heidi para kumain ng tanghalian. Magkalapit lang ang bahay nila Dave at Heidi kaya minabuti na lang nyang umuwi.

Pagkaraan ng ilang minuto nakita ko sya nakatayo sa may bakuran nila Heidi, hindi ko maintindihan ung sinasabi nya, ayaw ko na lumapit baka kasi kung ano na naman sabihin nila kaya hinayaan ko na lang.

Nakakain na kami ng tanghalian wala pa rin sya. Isang oras pa ang lumipas.

nakakainis, nasan na  ba un si Dave. Di na bumalik”

“baka may ginawa? O pinuntahan?” sagot ni Marti

Naisipan kong itext na lang sya.

“dad asan ka na? bakit di ka na bumalik?” “ui dave.”

Pero di sya nagrereply. Double send na. minsan triple pero wala pa rin eh.

Di ako tumigil sa katetext hanggang sa naisipan ko na syang tawagan.

“may tumutunog na cellphone”puna ni Heidi

ayy sh*t nasa bag ko pala ung cellphone ni Dave” sabi ni Marti

“uwi na lang tayo Marti di pa ako naliligo eh papagalitan na ako ni Mama hapon na”

“sige ako din eh”

Nagpasya na lang kaming umuwi ni Marti. Naiwan doon si Mark at Julia.

At aroung 3 in the afternoon tumunog ung phone ko

*beep* 1 message received

nak?” si dad nagtext. After 1483 years (exag )

oh?”

“nakuha ko na po phone ko.”

“aa okay”

“sorry.”

“aa”

 Gets nya na na kapag ganito na ang takbo ng mga text ko nagtatampo na ako. Paiklian na talaga.

sorry na. nagbantay pa kasi ako sa shop. Nahirapan ako makaalis, naiwan ko pa tong phone ko kay Marti. Di mo kasi ako pinansin kanina”

“aa. Kasalanan ko? Sorry ha?!”

“hindi po. Ako man. Sorry”

“k.”

 Hindi na ako halos nagtetext sa kanya. Hindi na ako halos nagrereply. 8 na ng gabi di ko pa rin sya tinitext. Nagsend ako ng group message. Nagreply sya.

mainit pa po ulo? Galit pa?”

Di ko rin naman matiis eh. Nireplyan ko na.

”di na po. Sorry kanina.”

“okay lang po “

“kumain ka na po?”

“opo ikaw? Tapos na din po.”

“aa. Good. Di ka pa matutulog?”

“medyo antok nap o pero kaya pa”

“aa. Tulog ka na bukas na lang. good night nak. Love ka ni dad”

“sige po dad. Good night. Sleep ka na din po. Love din kita”

Magkaibigan at school fam lang kami, pero oo. Ganyan kami kasweet sa isa’t isa. Umaga, hapon, gabi. Kung saan abutin ng kasweetan paulit ulit naming sinasabing love naming ang usa’t isa. Kaya di ko sila masisisi kung pag iisipan na nila kaming dalawa.

the story behind USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon