chapter 4: true friend wanna be-let the love begin :)

25 0 0
                                    

1st week of august feeling ko naman isa akong hukom.

Nagshare sakin si mark ng isa sa mga kasalukuyang problema nya.

bhesh may sasabihin ako sayo. Naiinis na kasi ako”

“ano ba un?”

“close kayo ni dave di ba?”  napaisip ako kung bakit nya biglang naitanong

ah eh bakit?”

“ang epal kasi. Palagi na lang silang magkasama ni Heidi. Oo alam ko magbestfriend sila pero mas napapagkamalan pang sila kesa saming dalawa” wooh pano ba toh? Nawawalan ata ako ng kasagutan.

oh anong gusto mong gawin ko?”

“wala naman, pagsabihan mo lang yung lokong yun. Baka sya pa ang maging dahilan ng break up naming ni Heidi.”

Hindi ko alam kung pano ko matutulungan si Mark. Ayaw ko ring mapasama si Dave, ayaw kong mag iba ang tingin  sa kanya ng karamihan kasi relationship breaker ang magiging title nya kung magkakataon.

Nag ipon ako ng lakas ng loob para masabi kay Dave ito. Gusto ko lang makatulong, gusto ko lang mapatunayan sa sarili ko na isa akong mabuting kaibigan.

Isang araw, pagkatapos ng klase. Nagdisisyon na akong simulang ayusin ang lahat.

dad, usap tayo. May sasabihin ako sa’yo.”

“aa sige about saan?”

“eh basta tara?”

“sige”

Lumayo kami sa iba naming mga kasama at sinabi ko na sa kanya

“dad, alam mo nagseselos na sayo si Mark. Hindi kaya ang pangit kung pagaawayan ka pa nila?”

“wala naman akong ginagawang masama aa? Best friend ko lang si Heidi at alam nyo un”

“oo nga po pero mas nagmumukha kasi kayong mag boy friend ni Heidi kesa sa kanila ni Mark ee”

“wala akong magagawa dun alam naman natin ung totoo”

“oo nga po, pero di kaya mas makabubuti kung lalayuan mo muna si Heidi? Hindi naman po totally iiwasan, pero limited na lang. alam kong mahirap kasi mag best friend kayo pero kailangan po. Para sa inyo na rin po un”

 Natahimik na lang sya. Sign na siguro un na naintindihan nya na ung point ko at pumapayag na sya.

Sa pag distansya nya kay Heidi ay naging higit na malapit naman kami sa isa’t isa. Lagi ko syang katext, kasama at kausap.

Itong buwan na toh e tila kasagsagan ng pag-ibig sa barkada. Crush, love, commitment.

Ako, nang hindi ko namamalayan e nagugustuhan ko na si Dave, pero sa pagkakataong ito hindi ko pa sigurado.

Si Marti hindi pa din nakakamove on kay  Nick, si Julia boy friend na si Jerrid, si Princess  inlove kay Russel.

“mag bibirthday na pala si Marti at Kelvin. Hey Julia, anong plano natin?”

“pag sabayin na lang kaya natin ung celebration nung dalawa?”

“siguro nga para makatipid”

 Uso sa barkada naming ang surprise birthday bash sa bawat isa. Heto nga at papalapit na ang exam at birthday ni Kelvin at Marti. Mahigit isang lingo rin naming iyon pinaghandaan at awa ng Diyos, mapalad kaming naisagawa namin ng maayos at Masaya ung birthday nung dalawa

3rd week ng august. Magweweek end na wala pa kaming planong gawin.

magbe’beach kami nila mama sa Saturday ng umaga” sabi ko sa kanila

tara! Jogging tayo dun sa beach. Kitakits na lang dun bhesh” sagot ni Mark.

Suamang ayon naman silang lahat. Buo na ang plano. Sabado ng umaga sa Beach. 

the story behind USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon