🏞

3 0 0
                                    

Skye's POV.

Isang linggo ng Nasa hospital si Tita mandy,at papunta kami ngayon ni ate shai dun.gabi na rin kasi kakagaling ko lang ng school,nagkasabay naman kami ni ate shai kanina kasi kakalabas niya lang ng company nila.

Btw,tinanggap na rin ni ate shai yung inoffer sa kanyang trabaho ni kuya tristan para na raw may Ipangbayad siya sa expenses dito sa Hospital,pero sabi ni kuya wag na daw since sa kanila ni kuya naman daw tong hospital na toh si kuya na daw bahala,pero Magbabayad pa rin daw sj ate ..si kuya tristan din laging pumupunta sa room ni Tita mandy na may dalang prutas saka kung ano ano pa.

Sa tingin ko nga mag gusto siya kay ate shai eh.

Nung malapit na kami sa Room ni tita mandy,parang yung mga doctors and nurses nagpapanic.
May nurse na tumakbo papunta sa direksyon namin,pero pinigilan siya ni ate shai at nagtanong kung anong nangyayare.

"Nawawala yung patient sa Room 143"sabi ng nurse at tumakbo na.
Agad din kami nagtungo sa Room ni tita,at wala na nga siya,yung kumot niya nasa Sahig na tsaka yung bintana basag.

Tumakbo ako dun at tinignan ang baba,impossible namang tumalon dito si tita mandy,ang taas kaya nito.
"Asa na ba si mama??"umiiyak nanaman ai ate shai.

Bigla namang dumating si Kuya tristan,at nag-aalalang pumasok sa room,at lumapit kay ate shai.
"Anong nangyare dito?"tanong niya.
"Si mama...nawawala"humihikbing sagot naman ni ate shai.

Niyakap naman siya ni kuya tristan,at pinatahan.
Aba't naglambingan pa.

Napatingin ako sa Side table ni tita at may nakita akong papel dun,kaya lumapit ako dun saka kinuha ko at binasa.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa.

"Ate shai!sulat kamay toh ni tita mandy oh!"turo ko sa papel na hawak ko.agad naman siyang kumalas sa Yakap ni kuya tristan,at sabay silang lumapit sa akin.

anak,

Patawarin mo si Mama,pero kailangan kong lumisan para wala akong madamay na tao,sa ngayon hindi ko muna sasabihin ang rason pero kailangan kong magpakalayo para sa inyo,paki sabi kay skye na magiingat siya dahil nasa kapahamakan siya ngayon,yung lagi niyo kasama na lalaki dito mabait yun pero magtiwala kayo sa kanya,oo nakikita ko kayo pero pilit kong hindi magmulat kasi natatakot ako...miss na miss na kita anak,kayo ni skye..please anak magpakakatag ka ah?hindi pa alam ni mama kung kailan siya pwedeng bumalik.

Skye,sorry Ija ah?pero may tinagong sekreto sayo si Tita,pumunta kayo dun sa bahay,sa Kwarto ko may box dun na maliit kunin mo yun,sayo yun sabi ng mama mo bago siya mamatay na pagdating ng 18th birthday mo ibigay ko daw yun sayo,ingatan mo baby ko ah?

Paalam sa inyo...

M.D

Pagkatapos kong basahin ang sulat ni tita Humagulhol naman si Ate shai,at naging magulo ang isip ko.

Sekreto...

Box..

Si mama??

Ano ba?!

Tsaka gising na pala si tita nun??

"Ang unfair mo ma!! Sabi mo di mo ako iiwan,ba't ngayon aalis ka!di ka manlang nagsabing gising ka na pala,edi sana di na ako nag-alala sayo nang ganun!!!"umiiyak na sigaw ni ate shai.

Agad naman siyang niyakap ni kuya Tristan at pinatahan ulit.
Napaupo nalang ako sa kama ni Tita Mandy.at pumikit.

Ano bang nangyayare?

****

Andito na kami ngayon sa apartment,si ate medyo tumahan na pero alam kong nagluluksa pa rin siya dahil sa pagkawala ni tita mandy.

Hindi man patay si tita,pero nawawala naman.

Hinatid pala kami ni kuya tristan dito.
Sabi ni ate samahan ko daw muna siya.
At para na rin daw mahanap namin yung sinasabi ni tita mandy na box.

Pumasok na kami sa tinitirhan nila.
Si ate dumeretso sa kusina,ako naman umupo muna.

Ilang saglit pa lang Sabi ni ate pumasok daw kami sa room ni tita.

Sumunod naman ako sa kanya at Naghalngkat na ng gamit.

"Skye,dito ka nalang"sabi ni ate.
"Po?bakit po ate shai?"
"kasi..sabi ni mama sa sulat nanganganib ka diba?nagaalala ako sayo"sabi niya naman,oo nga pala.bakit kaya?

"Huh?a-ahh sige ate shai,para may kasama ka na rin"ngumuti si ate at Naghanap na ulit kami.
Ako yung naghahanap sa mga cabinet si ate naman sa closet ni Tita.
"Eto ba yun?"sabi ni ate shai at lumapit sa akin na may dalang isang Kulay Pula na rectangular box.

Umupo muna kami sa kama ni tita at nilahad niya yun sa akin.
Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang napakagandang Kwintas na may moon na pendant.
"Wow,ang ganda"nasabi ko nalang.

"Oo nga,ay naku!sunog na yung Niluluto ko"sabi ni ate at lumabas na ng room.

Ako naman nakatitig pa rin sa Kwintas.
Sinuot ko nalang ito tsaka lumabas na rin.

"Oh,halika na Kain na tayo"sabi ni ate shai na naghahanda sa lamesa.
"Sige"

Kumain lang kami at ako na yung naghugas ng pinagkainan namin.

After Kong maghugas ng plato dumeretso na ako sa Kwarto ni ate.tabi daw kami eh.
Kaya ayun,pinahiram ako ni ate shai ng damit at natulog na kami.

****

Bandang alas 3:00 nagising ako dahil sa ingay sa labas,tumingin muna ako kay ate shai na mahimbing na natutulog bago ako tumayo at lumabas ng Kwarto.

Paglabas ko ng kwarto,bukas yung Bintana At medyo nakaawang yung pinto sa kwarto ni tita mandy.
Maingat akong Pumunta dun at sumilip.

May lalaking nakatayo dun sa Cabinets ni tita at parang may hinahanap.
Napaatras ako at may naapakan ako kaya napalingon siya sa direksyon ko.

Siya yung lalaki sa hospital!!

"Sino ka?!!"tanong ko,lumapit naman siya sa akin,kaya hinablot  ko yung payong na nasa gilid ko At hinampas siya,tumakbo ako palabas ng unit nila ate Shai at Tumakbo palabas ng buliding.

Takbo lang ako ng takbo kasi habol lang din siya ng habol. Napadpad ako sa parang gubat dito.

"Nasan ka na?!"sigaw niya,tumakbo parin ako hanggang sa Napatigil ako Sa may cliff.na tubig yung nasa ilalim ang taas
Lumingon ako sa likuran ko at nakitang papalapit na siya.
"Huli ka!!HAHA"nakakatakot siya.nagrereflect sa kanya yung ilaw ng buwan kaya kita ko ang mukha niya

Ang puti niya na parang walang dugo gaya ni kuya tristan at Pula yung mga mata niya.

"S-sino ka?lumayo ka s-sakin"pagtataboy ko sa kanya.
"Ako?I'm your biggest nightmare"sabi niya at humakbang pa.ako naman napaatras pero sa pagatras ko na yun.wala na akong natapakan.

"Waaaahh"sigaw ko bago bumagsak.

Splash!!

Bumagsak ako sa tubig at pilit kong lumangoy pero di ko magawa...
Kaya pumikit nalang ako hinayaang malunod ako.liwanag nalang ng buwan ang nakikita ko

Tulong...

***
Please tell me kung may ayaw kayo sa Story kasi baka pwede kong palitan hehe lablots❤❤


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A nerd for a PrincessWhere stories live. Discover now