👓

3 0 0
                                    

Skye's POV

"Class dismissed"

Hay salamat tapos na din. nagunat ako bago inayos ang mga gamit ko tsaka umalis na.

Tumingin ako sa relos ko,3:45 pa lang naman pala,hmm...dedertso nalang ako sa Cafe.

Nagabang ako ng taxi at nagpahatid na sa may moon cafe.
Pagdating ko sa cafe,nagbayad lang ako sa taxi at lumabas na.

Pagpasok ko sa cafe nadatnan ko si Ate Shai na may kausap na gwapong lalaki.

Lumapit ako sa kanila at tsaka ginulat si ate shai.

"Jusq naman skye akala ko ano na"nagsmile lang ako at tinuro yung lalaki.
"Sino siya?boyfriend mo?"panunukso ko.

"Huh?ahh hindi siya pala si Tristan kaibigan ko,nago-offer siya ng Trabaho nangangailangan kasi siya ng P.A"ahh okay.ngumiti naman si Kuya tristan

Napatango tango nalang ako.

"So..uhmm..payag ka?"nakangiting tanong ni kuya tristan,seriously?ba't ang puti nito mas maputi pa kesa sa akin eh...may lahing gatas ata toh.

"Pag-iisipan ko pa...matagal-tagal din kasi akong nagtrabaho dito,napamahal na ako"sagot naman ni ate shai.

"Hmm..sige tawagan mo lang ako"tas tumingin siya sa relos niya nahalatang pangmayaman"I need to go,see you next time alright?"tas ngumiti siya at nagwink saka sinuot ang shades niya..ang gwapo ni kuya Tristan,siguro maraming nagkakagusto dito.

Nakapamulsa naman siyang lumabas at may nag-abang sa kanyang lalaking nakasuit at pinayungan siya.may cap pa!! Anu yun?allergic sa Sun?

"Oh,ano palang ginagawa mo dito?"tanong ni ate shai saka nagpunas ng counter na gawa sa marmol na tiles.umupo naman ako sa Harap Niya tsaka Pinatong ang mukha ko sa kamay ko.

"Wala lang."btw,kung nagtataka kayo kung Kaano ano ko si ate shai.kapitbahay ko lang,siya yung nagaasikaso sa akin simula bata pa lang ako.

Ulila na kasi ako eh.

"Hmm..sige sabay nalang tayong umuwi"sabi ni ate shai.kinuha ko nalang ang notebook ko sa bag at nagbasa wala naman akong magawa.

Ilang oras pa ang lumipas 7:00 na rin kaya umuwi na kami.
Malapit lang naman yung tinitirhan na apartment namin sa Cafe kaya pwede lang kaming maglakad.tipid na rin.

Pagdating namin sa apartment pumasok na ako.nilapag ko muna ang bag ko sa couch bago duneretso sa Kitchen at kumuha ng tubig at uminom.

Sumandal ako sa sink kaya nakaharap ako sa kabuuan ng silid.
Hindi masyadong malaki,hindi masyadong maliit,sakto lang...

Napatingin ako sa salas at napadapo ang tingin ko sa gilid ng plot.

Naalala ko nanaman...

Nabalik ako sa Hwisyo ng may sunod sunod na katok sa pinto kaya agad akong pumunta dun at binuksan ito.

"A-ate shai??anong nangyare?!!!"nag-aalalang tanong ko.
"S-si m-mama...tulungan mo ako"umiiyak na sabi ni ate shai.

Kaya agad akong Lumabas at dumeretso sa Room nila.
Pagdating ko dun..nakita kong nakabulagta na si tita Mandy sa sahig habang May mga dugong nakakalat.

Nanginginig kong Kinuha ang Cellphone ko sa Bulsa at tumawag ng ambulansya.

"Anong nangyare ate?"tanong ko kay ate shai na ngayon ay nakaupo habang iyak parin ng iyak.
"H-hindi ko alam...basta pagdating ko dito galing siya sa k-kwarto at parang Sinasabi niya ang pangalan mo"kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?"tanong ko.di na si ate nakasagot kasi dumating na ang mga doktor.
Nilagay nila si tita mandy sa Isang stretcher saka kinarga pababa.

Inalalayan ko naman si ate shai hanggang sa pagbaba ng building.
Sumakay kami sa ambulance kung saan sinakay din si tita mandy,si ate shai naman nakahawak lang sa kamay ni tita mandy.

Hanggang sa pagdating namin sa hospital,iyak parin ng iyak si ate shai.
Naaalala ko naman ako nangyare sa akin ten years ago...

Aish!!ayoko ng isipin yun.

Tinignan na nila si tita mandy at kami naman ni Ate shai nakaupo lang sa labas.

Habang nakaupo tahimik lang kami,si ate shai kumalma na rin naman.

Ilang Minuto pa wala pa rin Kaming balita kung kamusta na si tita Mandy.
"Chanel?"napalingon ako kasi may tumawag kay ate.

Si Kuya tristan pala,ano ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa niyo dito?"tanong niya,tumingala naman si Ate shai Na namumula na ang mata kakaiyak.
"Si mama kasi,dinala dito,I-ikaw anong ginagawa mo dito?"sagot naman ni ate shai.

"Ahh,kasi sa amin tong ospital may inasikaso lang ako"sabi naman ni kuya tristan,ayy ang yaman pala nila.
"Ahh--"

"Family of Mrs.Dane?"agad kaming tumayo ng Dumating ang doctor.
"Ako po ang anak niya,anyare kay Mama?"kinakabahang tanong ni ate Shai sa Doctor.

"Your mother is still in a critical condition,but she's Okay,kailangan niya lang mag stay Dito for A month or two."sabi naman Ng doctor.
"Sige po doc"-ate shai
"Thank you doc"sabi ko naman.

"Oh by the way,sa tingin ko ginamitan siya Ng electric shock,kasi may dalawang butas siya sa Leeg at medyo namamaga,and the rest wounds She caught was from Stabbings,pwede niyo na siyang puntahan nasa room 143 siya"pahabol ng doctor.at tsaka umalis na

(A/N:hehe sorry po,hindi ko po kasi alam kung ano Yung tawag sa parang Nangunguryente na ginagamit ng mga pulis para mawalan ka ng malay kung magpumiglas ka😅 ilagay niyo nalang sa comment section.)

"Ate shai,magiging okay lang si Tita mandy,tiwala lang"pagpapakalma ko.

Napaupo naman si ate shai sa upuan.
Naaawa ako kay ate,si tita mandy lang ang kapamilya niya,ang daddy niya kasi Wala na.

"Kuya tristan,pwedeng bantayan muna si Ate shai?bibili lang akong tubig"sabi ko kay kuya tristan,andito pa kasi siya.
"Huh?ahh sige"sabi niya naman kaya tumayo na ako.
Pupunta akong Canteen dito bibilhan ko ng tubig si ate shai.

Habang papunta akong canteen parang may nakasunod sa akin,tumitingin ako sa likod ko,wala naman.

Pagdating kong canteen bumili lang akong tubig saka bumalik na.
Pero nung paliko na ako,parang may nakamasid talaga eh,lumingon lingon ako at napatigil ako sa may corner ng may isang matangkad na lalaki na nakasumbrero,nakajacket,jeans at rubber shoes,na direktang nakatingin sa akin.

May dumaan na nurse,at ng pagtingin ko nawala na siya.

Weird..

Naglakad nalang ulit ako saka inabot kay ate ang Tubig.
"How about,puntahan niyo muna ang Mama ni chanel"sabi ni kuya tristan.
"Huh,ahh sige kuya"inalalayan ko si Ate shai.at nagpasalamat kay kuya tristan bago umalis at hinanap ang room ni tita mandy.

Pagdating namin dun umupo si ate shai sa May Tabing upuan ng bed at hinawakan ang kamay ni tita,ako naman umupo lang sa may couch.

Hays...

Tsaka sino kaya yun?

A nerd for a PrincessWhere stories live. Discover now