THE WICKED CINDERELLA

40 2 0
                                    

Working title: The Wicked Cinderella

Status: Completed

Published under: Romance

Other suitable genre: Fan Fiction, Non-teen Fiction

Description:

Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kontrabida habang ang dapat sana'y magiting na prinsipe niya ay parang aso na lamang na sunud nang sunod sa lahat ng gusto niya. Sounds weird, but it's their 21st century tale.

Facts about this story:


I love this book. So far, ito yung favorite ko. Dati pinangarap ko pang maitranslate ito sa English, basahin ng mga Amerikano (foreigner, LOL), sumikat sa ibang bansa, gawan ng movie adaptation at magka-award mula sa mga international award-giving bodies. Ang kapal ko lang di ba? Hahahah! 

If I call my other fiction as "She Breaks", ang nickname naman ng kwentong ito ay "Cindy."

I almost give up on this. Nung nasira yung computer sa bahay, maraming files ko ang nawala, including ang kwento ni Cinderella. I had to start from scratch.

Then came an old laptop. Yun ang ginamit ko. Dito na yata nagstart na magkaron ng regular update dahil may mga readers na akong nakakausap. Tapos nasira naman yung laptop. Nasa laptop yung files ko. Meron sa flash drive pero tamad akong mag-update ng naka-save sa flashdrive kaya maraming nawala. Balik na naman sa pag-retrieve ng "lost chapters" sa utak kong mas madalas na walang pakisama. Kahit may mga "reserved chapters" ako, itinigil ko ang regular update. Ito ang sinisisi kong dahilan kaya nawala ang mga readers ko.

Sunod ko itong isinulat sa tablet ko. Matagal ko ring nagamit yung tablet at marami-rami akong naisulat. In fairness, nai-save ko sa memory card ko yung mga files ko bago siya aksidenteng mabitawan, bumagsak at mamahinga.

Sa ngayon, I'm working hard to finish the story. Alam ko kasing malapit ko na siyang matapos.

Masasabi kong malaki na ang pinagbago ng kwentong naka-publish ngayon kesa sa kwentong naisip ko noon. Dahil na rin siguro sa may mga chapters akong naiba nung nire-rewrite ko yung story. Maraming eksena akong tinanggal, marami ang napalitan. Marami pa akong babaguhin kumpara sa naka-stock na sa utak ko. But I'm happy kasi sa tingin ko naman ay maganda pa rin ang flow ng kwento. Opinyon ko lang.

MY WORKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon