Tsamba Juice

665 42 28
  • Dedicated to Cain Kozart Solinap
                                    

“Kailan kaya ako magkaka-girlfriend?” narinig naming tanong ni John habang nakatambay kami sa Bon Chon at nagpapababa ng kinain. Napagod kasi kami sa kakatawa sa mga bloopers namin kaya eto ang bagong topic.

Ngayon lang kasi ulit kami nagkasama-sama dahil pare-parehas na kaming graduate at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Kaya naman any time na makakita kami ng open schedule, sinusulit na namin ang bonding time naming magkakaibigan. Magdamagang paglalamiyerda na naman.

“May nililigawan ka na ba?” sarcastic na tanong ni Maddy. Alam kasi naming may pagka-mahiyain sa babae si John. Siguro hindi lang talaga babae ang tingin niya sa aming apat nina Maddy, Leila at Annie kaya madali niya kaming nakasundo.

Actually,  mas malamya pa siyang kumilos sa amin. Mas pa-chicks nga eh. Madalas ngang siya pa ang huling dumarating sa kitaan eh. At eto pa. Hindi siya marunong mag-basketball. Mas nakakarami pa ako ng score sa kanya kapag nasa basketball shooting arcade kami. Pero minsan na niyang nasabi sa’king gusto raw niyang matuto para naman daw hindi sayang ang tangkad niya.

Sa totoo lang, hindi naman kami nagkukulang sa pagpapaalala sa kanyang tanggap namin kung ano siya. At ilang beses na rin niyang inulit sa aming walang pag-aalinlangan sa kasarian niya. Wala raw kaming dapat ikabahala.

But then again, we’ll never know diba? Si Rustom Padilla nga, naging sila pa ni Carmina Villaroel at napakaraming taon pa ang lumipas bago niya napagtantong isa rin pala siyang Eba, diba?

Basta, whatever path John takes, suportado namin siya. He will still be the princess in the group, hahaha.

 

“Wala pa nga eh,” sagot niya sa tanong ni Maddy at sabay-sabay kaming napailing.

“Oh… eh, pa’no ka magkakaroon ng girlfriend kung hindi ka manliligaw?” dagdag ko. “Hindi naman pwedeng humiling ka at ibabagsak na lang sa harap mo ‘yung babaeng magiging girlfriend mo diba?”

Nakisali na rin sa interrogation si Leila. “Ano ba ang tipo mong babae?”

“Basta hindi Chinita,” agad niyang sagot.

“Waw ah, napaka-vague naman niyan,” komento naman ni Annie. “Wala bang mas specific? Matangkad ba? Cute? Matalino? Maganda? Siga…”

He snorted at us na para bang dapat alam na namin ang tipo niya. “Sino ba namang ayaw sa maganda? Siyempre gusto ko non! Sexy, mahaba ang buhok na diretso, mahinhin—“

“Hooo… baka naman mamaya mas mahinhin ka pa don!” putol ni Maddy at nagtawanan na naman kami’t napunta sa pag-alala ng mga mahinhin moments ni John.

Buti na lang talaga hindi madaling mapikon ‘yun sa’min kahit madalas namin siyang pinagti-tripan. Bully kasi kami, hehe.

Pero sa totoo lang, minsan ko nang naisip na mabait lang siguro si John…sobrang haba ng pasensiya kaya hindi niya kami pinapatulan sa mga pang-aasar namin sa kanya. Iniisip ko ngang baka napipikon din siya, hindi na lang niya sinasabi dahil nga apat kami laban sa isa. For sure, mabait ding boyfriend ‘to pag nagkataon.

Ink Drops: A Collection of One-Shots and Daily MusingsWhere stories live. Discover now