Chapter 26 : Welcome to the Dark World

16.3K 475 18
                                    


EMILY'S POV

Pinagawa ako ng portal ni Ms. Olivia, portal na patungong Dark Castle. Gusto ko na sanang umatras nang biglang may nagtulak na kung sino sa akin papasok sa portal.

"Woaaahhhh!!!" Sigaw ko. The portal is spiraling and medyo nahihilo ako, para akong hinihila papasok nito, ang bilis... maya-maya lang ay medyo bumagal naman ang pag-ikot nito at nagulat nalang ako nang bumagsak ako sa sahig. Este, tumalsik at nahulog sa sahig, ang lakas ng current ng portal. Nahihilo ako, nasusuka rin. I vomited, and all I know is... everything went black.



• • •


Iminulat ko ang mga mata ko. Nakahiga ako sa isang malaking kama, itim at grey ang combination ng lahat ng beddings. Umupo ako and looked at my surroundings, puro grey at black lang ang nakikita ko, ang walls ay kulay itim na may touch ng grey... pati ibang furniture. Nasaan ako?

Bigla ko namang natandaan yung lalake na kumarga sa akin kanina bago ako tuluyang mawalan ng malay. Naka-itim na cloak siya at nakasuot sa kanya ang hoodie nito pero medyo nakita ko parin ang mukha niya — parang si Zachary... no, no. Hindi siya yun, baka kamukha lang niya.

"Princess, gising ka na pala." Sabi nung isang lalake na nakaupo sa black leather sofa. He's wearing a black cloak pero he's not wearing its hoodie. Tsk! At sino naman siya? Hindi ko siya napansin diyan kanina, ngayon lang dahil sa nagsalita siya. But— natigilan ako sa itinawag niya sa akin, Princess? By his looks, hindi siya nagloloko.

"Are you okay, Princess?" Tanong niya sakin, he's wearing a creepy smile on his face. Geez...

"Nasaan ako?" Tanong ko naman sakanya.

"Dark World... Dark Castle. At malamang, nasa isang kwarto." Bored na sagot niya sa tanong ko. Bumaba ako galing sa kama at sinuot ang magkapares na itim na slippers. Tumayo ako, kailangan ko nang makita si mom.

"Nasaan ang mom ko?" Tanong ko doon sa lalakeng nakaupo sa sofa. Napatingin naman siya sakin.

"Nasa dungeon. Pero, kailangan mo munang kausapin ang mahal na hari bago ka pumunta doon." Sabi niya sakin.

"Nasaan ang mahal na hari?" Tanong ko sakanya. Napatingin siya sakin, he gestured me to follow him. Naglakad naman siya palabas ng kwarto, I followed him.

"Mag-iingat ka sa Mahal na Hari. Yeah, pareho kayo na malakas ang kapangyarihan... pero dito, nag-iisa ka lang at ang Hari ay maraming kampi." Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya, did he just warned me? Tsk! Nanahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang malaking pintuan na gawa sa gem stones. Gem stone na kulay itim, pula, purple, at crimson. Marami ring guards na nakaharang dito. Oh-okay? This is getting creepier than ever.

"Ito ang throne room ng mahal na Hari. Good luck..." Sabi niya sakin.

"Nandito na ang Mahal na Prinsesa ng Emerald Kingdom, at ipinapatawag siya ng Mahal na Hari." Sabi niya doon sa mga guards.

Agad namang binuksan ng mga guwardya ang pinto. Pagkabukas nito ay agad na bumungad sakin ang Mahal na Hari na nakaupo sakanyang trono sa 'di kalayuan. May mahabang crimson colored carpet pa kasi na daraanan bago ka makalapit sa trono niya. Malaki ang throne room na ito... nagbow si ewan sa Mahal na Hari nila. Hindi ko siya ginaya, nakatayo lang ako ngayon dito.

Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED] Where stories live. Discover now