It's Official

4K 107 17
                                    

“Cath, sabay na tayo mamaya. Okay? Sunduin kita dito sa room niyo.” Nakangiting sabi sa 'kin ni Paul.

Tumango ako at lalo namang lumapad ang ngiti niya. Ghad! He's so cute.

“Oh, sige. Una na 'ko sa classroom. See you later!” Paalam niya at hinalikan muna ako sa pisngi bago umalis.

Medyo natulala pa 'ko sa ginawa niya. Shet! Kinilig na agad ako kahit ganun lang. Oo na, OA na pero kasi naman may gusto kaya ako 'dun tapos ang sweet pa sa 'kin. Masisisi niyo ba 'ko?

Nung una talaga, we're not that close. Masungit kaya 'yun sa 'kin dati pero as months passed by, nakilala namin ang isa't isa and them boom, we're friends or more than that? Hindi ko alam. Basta ang sigurado ako ngayon, masaya ako, kami at ayokong mawala kung ano man ang mayroon sa pagitan namin.

Kung paano kami nagkakilala? Well, first year to third year, classmates kami. Ngayong fourth year lang ang hindi. Pero kahit hindi kami classmates, okay pa din. I mean, nag-uusap kami and all, always. Yes. Feeling ko nga mas close pa kami ngayon na hindi kami classmates. Weird ba? Basta 'yun.

“Baby!” Napalingon ako nang may tumawag sa 'kin. Alam na alam ko ang boses na 'yan and ofcourse that endearment.

Paglingon ko ay kitang kita ko ang malapad nangiti niya. He loves to smile. Lalo tuloy siyang guma-gwapo.

Linapitan niya ako at hinalikan sa pisngi. “Tara na?” 

Tumango ako at kinuha ang mga gamit ko. Nagsimula na kaming maglakad palabas.

Nagpunta muna kami sa mall bago dumiretso pauwi. Maaga pa naman eh. Maaga kasi kaming lumabas ngayon.

“Ryan Paul? Ikaw ba 'yan?” Sabay kaming napalingon ni Paul nang may nagsalita. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon dito nang may bigla ngang sumulpot na babae at tinawag si Paul.

Tinitigan ni Paul ang babae at biglang napatayo. “Monica?” Nag-aalangang tawag niya. Nakakunot ang noo niya.

Maaliwalas na ngumiti ang babae. “Yeah. How are you? I'm glad kilala mo pa pala ako.”

“Syempre naman. Ikaw pa ba?” Nakangiti din sumagot 'tong si Paul.

So, okay. Ako na ang hindi maka-relate. Umirap ako sa kawalan.

Nakita kong tumayo si Paul at hinarap ang babae. “Na-miss kita, Ryan. Ang tagal na nating hindi nagkita.” Nakalabing sabi nung babae. Arte. Sus.

Nakita ko ang ngiti ni Paul. Psh. “Na-miss din kita, Monica.”

“Where's my hug?” Maarteng tanong ni Monica.

“Here.” At niyakap nga niya. Haist! That's it. Asar 'tong mga 'to, ah? Dito pa talaga sa harapan ko naglandian. 

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now