Maling Akala

5.1K 153 21
                                    

Akala ko ako talaga ang mahal niya.. Akala ko totoo lahat ng sinabi niya sa akin pero hindi, lahat ng akala ko ay mali lamang pala. Isa na akong biktima ng maling akala.

Nagkakilala kami when I was in college. Alam mo 'yon? Crush mo, nalaman mo na may gusto din pala sa'yo. Sinong hindi matutuwa doon?

Naging close kami sa isa't isa hanggang sa nagkaaminan. Inamin niya na gusto niya ako at ganoon din naman ako. Nanligaw siya at sinagot ko naman.

Matalino, gwapo, sweet, mabait at gentleman. Si Mark 'yan, ang dating crush ko na boyfriend ko na ngayon.

Monthsary namin, niyaya niya akong lumabas. Kumain at nanood lang kami ng sine. Hinatid niya ako pauwi. Nadaanan namin ang isang park sa loob ng village kaya nagpasya kaming tumigil muna doon para magpahangin.

Nakaupo kami sa isang mahabang upuan, magkatabi kami. "Jas.. May sasabihin ako." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. 

"Ano 'yun?" Pinipilit kong pasayahin ang boses ko kasi parang iba ang tono ng boses niya.. Parang may sasabihin siyang napakabigat na bagay.

Tinitigan niya ako sa mata. "I love you." He said sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.. He kissed me on my forehead. Tumitig ako sa kanya pagkatapos niya akong halikan sa noo.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako when he said those words.. Dapat masaya ako, db? Kasi sinasabi niya ang mga katagang gusto kong marinig mula sa kanya pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang natatakot ako.

Yumuko siya at kinuha ang dalawang kamay ko. "Sorry.. Sorry for everything." He said sincerely. Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry. Nag angat siya bigla ng tingin at tinitigan ako.

"I'm sorry.." Ulit pa niya. Teka, ano ba kasing meron at bakit sorry siya nang sorry? Natatakot akong malaman kung bakit siya humihingi ng tawad, para kasing napakalaki ng kasalanan na nagawa niya sa akin.

 "Bakit ka ba nagso-sorry?" I managed to ask. Sobrang kinakabahan na ako. Ano ba kasi ang nagawa niya at ganyan siya makaasta?

 "I have a girlfriend."

 "I have a girlfriend."

 "I have a girlfriend."

Hindi ko alam kung ilang beses nag echo ang mga salitang binitawan niya pero hindi pa rin ma-absorb ng utak ko. Ano daw? May girlfriend siya? Kelan pa? Sht. Db ako ang girlfriend niya? Ako lang. Akala ko, ako lang. 

Wala akong ibang nagawa kung hindi tumitig lang sa kanya na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kusa na ring tumulo ang mga luha ko. 

"Tell me you're just kidding." Pakiusap ko habang pinupunasan ang mga luha ko. "Hindi 'yan totoo, db?" I forced a laugh. "Wag kang magbiro ng ganyan."

"Sorry.. Sorry pero totoo ang mga sinabi ko, Jas." He sighed. "Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo agad.. Natakot lang ako na ba-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang magsalita ako.

"Kelan pa, Mark?! Ha?! Kelan pa?!" I shouted at him, angrily. Hindi ako makapaniwala.. May girlfriend siya. So, ano pala ako dito? Sht. Akala ko ako lang ang mahal niya. 

"Two years na kami.. Kami na bago pa kita makilala." Napayuko siya. "I'm sorry, I'm really sorry. Hindi ko intensyon na lokohin ka."

"Really?! Ano 'yon?! Nagpakilala ka sakin, ang sabi mo you're single. You courted me at sinagot kita tapos ngayon sasabihin mo sa akin na may girlfriend ka?! Sht! At two years na kayo! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha, Mark?! Hindi lang ako ang niloko mo.. Niloko mo din ang girlfriend mo." I said habang umiiyak ako. Di ko na napigilan ang sarili ko.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now