Request #13 [Jin & Jungkook] - StrwbrryPeeynda

685 16 0
                                    

*Hetgallige hajima~*

Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Sino naman kaya 'to?

FROM: +639*********

KaMuXsTa BbY Kko mPaGmAhAl BhEnTe DhOxSz iKaW LaNg SaPaT nA?

Aba'y depungal! Sinong poncio pilato ang nagtangkang mag-text sakin? At talagang jeje pa? Susko buti di ko naibato yung cellphone ko -_-

TO: +639*********

Hoy kung sino ka mang depungal ka wala akong pake sayo ok? Wag ka ng magpakilala, wala akong balak alamin yang pangalan mo at kung magte-text ka, pwede yung naiintindihan ko? Nakakaboploks eh

Reply ko. Walangya talaga nakaka-badtrip yun ah? Panira ng araw. Tsk

Maya maya'y may nag-text nanaman sakin. Sana naman hinid na yung jejemon na yun yung nag-text sakin dahil kung hindi, ha-huntingin ko yun tapos ipaatapon ko yun sa Bermuda Triangle.

FROM: Unregistered number

Grabe naman, si Jungkook lang to. Yung hot na hot na taong nakilala mo

Kaya pala nab-bwisit ako eh. Hot daw? Sino? Siya? Ipatapon ko kaya 'to sa impyerno  nang masunog na siya at tuluyan ng masunog. Kaso wag na, nakakaawa naman eh.

"Baby ko" magrereply pa lang sana ako sa kaniya kaso bigla siyang sumulpot sa tabi ko tapos inakbayan ako "Excuse me pero hindi kita kilala. Shupe"

"Ang hard mo naman, buti nga kahit cold ka at har napagtiya-tiyagaan ka pa ng hot na katulad ko" sabi niya sabat pogi sign "Eww. Ewan ko sayo. Pero may itatanong pala ako"

"Ano yun? Na pwedeng maging tayo? Oo naman pwedeng pwede. Sinasagot na kita"

"Kapal talaga ng ilong mo. Pero ito na talaga yung itatanong ko eh. Ba't ang laki ng ilong mo? Ilang kulangot ba yung inimbak mo diyan? Punong puno na yata eh" Panga-asar ko sa kaniya kaya nakunot ang noo niya

"Grabe naman. Psh, di bale love pa rin naman kita Lei kahit inaasar mo ako eh hehe" Pinulupot nanaman niya yung kamay niya pero this time sa may waist ko na.

"Hoy wag mo nga akong maganyan ganyan diyan. Si Jin yung crush ko" Sabi ko sabay tanggal nung kamay niyang nakapulupot sa bewang ko

"Tsk. Bakla naman yun eh. Mahilig sa Pink, Super Mario, Maplestory, tsaka sa Disney Princess. Di katulad ko, mahilig ako sa red. O diba ang manly ko?" Sabi niya habang ipinapakita yung biceps niya (kahit wala naman)

"Manly your face. Nung na-kidnap prank ka nga dati halos mangiyak-ngiyak ka na. Nahiya naman din daw ako sa iron man mong medyas. tsk. Bakla ka din eh" Pangaasar ko pa. Namula naman yung tenga niya dahil sa kahihiyan. Haha, akala niya siguro di ko napanood yung video?

Haha. Aym sow osom <3

"Lei!" Naexcite naman ako at mabilis na humarap sa kung sino man ang tumawag sakin at hindi ako nagkamali. Siya nga.

"JIIIIIN!!!" Sabi ko tapos tumakbo papalapit sa kaniya "Teka lang pre, di pa kami tapos magusap" Hinila naman ako ni Jungkook sa may wrist ko tapos tinago ako sa may likod niya.

Ay ano ba yan :3

"Pahiram lang  muna siya kahit sandali lang" Lalapitan ko na sana si Jin kaso hinarangan ako ng kamay ni Ilong. Teka ang laswa pakinggan, may kamay yung ilong T___T

"Hindi laruan si Lei para  hiramin mo na lang basta-basta" Wow, ba't napunta sa usapang laruan? Mukha ba akong barbie? T_T

"Ano bang problema mo Jungkook? Kakausapin ko lang naman si Lei eh, may sasabihin lang ako." Diretso lang ang tingin ni Jin sa mata ni Jungkook habang sinasabi sakin yun. OMG ba't yung likod ni Jungkook yung may fireworks at hindi kay Jin? Ay baka kasi naharangan niya lang.

Psh. Laki kasing bara ni Jungkook eh T_T

"Edi sabihin mo na ngayon" Ano ba naman yan, gusto ko solo namin ni Jin. Epal kasi netong ilong na to eh T_T

Tumingin sakin si Jin tapos ngumiti.

"Lei, gusto kita. Pwede ba akong manligaw?" OMG. Did he just...

Pero bakit parang ang bitin? Parang kulay, wala na yung sparks T_T

"YESSSS!" Sigaw ko doon. Napatingin naman sakin si Jungkook na nasa harapan ko lang

"Ba't nung ako nanligaw, pinahirapan mo pa ako? Ba't nung siya yes agad?" Nakatingin lang si Jungkook sa mga mata ko nang sabihin niya iyon. Nakita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya.

Parang may kumirot sa may kaliwang dibdib ko nang makita ko siyang ganon. Bakit?

"A-Ah, Jungkook" Nauutal na sabi ko. Hinawakan ko yung balikat niya pero iwinakli niya lang ito at naglakad papalayo.

Napatingin ako kay Jin at nakita ko rin na parang sinasabi niyang 'Si Jungkook o ako?'

Langya. Ba't di ko alam? Huhu. Parang K-pop o ako? huhu, ayaw ko ng ganito T_T

"Jin kasi ano... Si Jungkook kasi... Parang ano... Crush kasi kita kaso parang si Jungkook..." Teka bakit hindi ko alam gagawin ko? Sabi ng isip ko si Oo daw kay Jin pero yung puso ko jusko, taliwas na taliwas ang sinasabi sa binubulong ng isip ko.

Humakbang ako paatras

"Sorry Jin. Magulo kasi eh. Siguro kung nauna ka lang ng konti kay Jungkook" Sabi ko sabay takbo papalayo. San naman kaya nagpunta yung ilong na yun?

Tumakbo ako papunta sa rooftop ng school at nakita ko siya dun Nakatayo dun sa labas ng railings! Omg! Baka mahulog siya dun, makakita pa tayo ng napisat na ilong T_T

"Hoy Jungkook, alam kong maganda ako pero wag kang tatalon diyan!" Sigaw ko sa kaniya "Hindi ako tatalon. Ba't ka ba nandito?"

"Aba choosy pa nito. Halika ka na nga dito" Sigaw ko. Ano ba naman yan. Di naman ako makalapit dun kasi may fear of heights ako huhu.

"Hindi, dun ka na sa Jin mo. Magsama kayong dalawa" Nakatalikod pa rin niyang sabi sakin "Kulit ng lahi mo Jungkook, Sasagutin na sana kita kaso choosy ka pa eh. Sige babye" Sabi ko at akmang aalis na.

Nakakailang hakbang pa lang ako ay naramdaman ko bigla ang kamay niyang nakapulupot na sa bewang ko. Naka back-hug siya sakin.

"Totoo ba yan?" Ramdam ng leeg ko ang init ng hangin na lumalabas mula sa bibig niya. Nakikiliti ako ano ba? "Oo, ayaw mo? Sige okay lang naman sakin. Kay Ji--"

"Akin ka lang." Sabi niya

"Ang selfish mo"

"Basta pag dating sayo madamot ako. Di kita ipapamigay sa iba. Akin ka lang"

- - - -

cr: Chellibabesss

BTS Short ImaginesWhere stories live. Discover now