Chapter 7: Dark and Zitty

303K 6.6K 2K
                                    

Dark’s POV

    

   


“Mga walang utak!” sabay sinipa ko ang center table sa harapan ko.Basag! “Ang tagal ko ng pinahahanap yang letseng babae na yan tapos hindi niyo pa rin makita!” Napa-sabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang inis!

  

   

Bwisit! May sa pusa yata ang Zitty na yan at mula ng mabigyan ko ng death threat hindi na nagpakita!Matapos niya akong bugbugin! Ako na tatlong taon ng Top Gang Leader ng Gangster Academy!

   

   

Nabugbog ako ng isang bwiset ng babae! Mabuti na lang talaga at nalaglag niya ang ID niya at nalaman ko kaagad ang pangalan niya pero putangina hindi naman mahagilap kahit saan!

   

   

"E-eh...D-dark w-wala k-kasi kaming m-makita na-------" BOGSH! Hindi ko na pinatapos ang walang kwentang tauhan ko at sinapak ko na agad sa mukha. Tulog ang lampa! Wala akong panahon sa mga walang silbe!

  

  

"Evo!" tawag ko sa isa kong gang member at kanang kamay ng Black Squad Gang. "Itapon mo nga ang lalaking walang silbi na yan sa Black Room. Ayokong makakita ng walang kwentang nilalang. paggising niyan sabihin mo tanggal na siya sa BSG."

   

   

Iniwan ko na si Evo dun sa head quarters. Nagpunta ako sa paborito kong lugar sa GA ang arena na nasa dulo ng Academy, dito nagaganap ang monthly Rank Test para malaman ang rakning ng bawat isa-gang man o solo ka. Pero kapag ordinaryong araw, walang tao sa arena.Kakaiba talaga ang G.A.!

  

   

Malaki ang G.A. May sariling bahay na tuluyan ang lahat ng mga gang sa school. Ang pinakamalaking bahay  napupunta sa Top Gang-ang gang ko. Kung tutuusin pwede naman akong magsolo dahil hindi naman kailangan na may gang ka para maging Top dahil pwede ka namang masama sa ranking kahit solo ka lang.

   

   

Ang main building ng G.A. ay nasa gitna ng Empire Field at pinangalan sa gang ng may-ari ng Academy, ang Empire. Kung titingnan parang isang buong bayan ang Gangster Academy dahil sa laki nito.

   

    

Kaya malaking kahihiyan kapag kumalat sa lahat ang nagyari noon. Bababa ang ranking ko at ng BSG. Kaya ikaw ng putanginang Nakahara ka, kahit saan ka pang lungga na magtago sisiguraduhin kong mahahanap kita.

  

   

Zitty's POV

   

    

“Achuu!” Ano ba yan? Bigla na lang ako nabahing ng walang dahilan. May tao daw na pinaguusapan ako o iniisip ako pag ganun eh. Sino kaya? Anyway, apat na raw na mula ng makarating ako mula sa Japan.

Nag-i-i-skateboard ako ngayon while my hands are inside my pockets. My outfit is as usual:  a black cap on my head, a black necklace and black shirt with a white skinny but mind you! I am not an emo, I just love black!

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon