Chapter 4: Zitty O__O

286K 6.6K 1.5K
                                    

Zitty’s POV

  

  

"Ano yan?!” Pakingtape! Bakit nandiyan ang pangalan ko?!?

  

Tumingin ako sa buong room. Okay, ako lang ang tao dito. Pero sino ang magpopost niyan? Multo? Tsk! As if! Nilapitan ko ang board namin at tinitigang maigi ang nakadikit na black flag with a weird letter 'G' sign on it. Tapos sa baba may nakasabit na letter written in blood.

 

  

Wow! Astig! Dugo ang ginawang pangsulat! Kaninong dugo kaya yan? Sa manok? Baboy? Baka? O baka naman sa aso? Aw! Kawawa kung cute ung aso!

   

  

At ang nakasulat sa letter?

   

  

THE CLOCK OF YOUR LIFE IS TICKING... THE PAYMENT WILL BE PAINFUL.. --Black Squad Gang

  

O-----Kay! Di ba ang tawag sa mga pagbabanta na ganyan ay death threats? What on Earth happened at nakatanggap ako ng ganyan?!

  

  

At sino naman ang Black Squad Gang na yan? Mga pa-uso nila ha! Well, kung gusto nila ng bugbugan okay lang sa akin! Aba! Exercise din un! Tsaka hindi ko naman sila kilala so paanong makakabangga ko sila?

    

    

Lumabas na lang ako ng room. Wala na akong balak na mag-attend pa ng ibang klase. Boredome kills at ayokong mamatay sa antok.

  

  

Nag-skateboard na lang ako palayo. Wala din akong balak na umuwi, kasi alam ko namang sermon ni Lolo ang katumbas ng pa-di-ditch ko ng class, so bakit ko pa ipapaalam? Bad girl right? Pero minsan lang yan dahil maniwala kayo o sa hindi, Top 1 ako sa klase namin..

  

   

Huminto na lang ako sa isang forest park. Kaunti lang ang tao doon kaya peaceful lang ang magiging pagtambay ko. Humiga na lang ako sa ilalim ng isang puno at pumikit. Tutulog na lang ulit ako. I'm pretty sure naman na walang magagawi dito dahil bukod sa dulo ito ng park medyo madilim din dito dahil sa madaming puno.

  

Nasa stage na ako na makakatulog na ng bigla akong may marinig na kakaibang tunog na nanggagaling sa kung saan.

   

   

"Uggghhhh! Shit... That's it... Ugggghhhhh!" Napadilat ako bigla. OKAY! Ano yun? Multo ba yun?

     

  

"... Uggghhhh!" Ano iyong ungol na iyon?! Istorbo sa pagtulog! Uungol na lang lalakasan pa! Sarilihin na lang niya ungol niya. Bumangon ako at pinagpag ang aking pang-upo. Makakatikim sa akin ng suntok ang istorbong yan! 

  

  

"Uggghhhh.... Ahhhhhh...." Napatingin ako sa punong sinandalan ko kanina. So, sa likod pala ng punong iyon nanggagaling ang ingay.

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon