Chapter 06

7.8K 179 49
                                    

CHAPTER 06:


[Maven's POV]


Di ko maiwasang mapangiti dahil matagal na rin simula nung huli kaming magkita ni Pierre.

After kasi nung Prom noon ay naging malapit na rin naman kami sa isa't isa dahil nga kaibigan siya ni Luke which is also my very close friend back then.

Dapat talaga ay hindi siya ang maghahatid sa akin ngayon pauwi dahil usapan na namin ni Zelle na siya ang magahahatid sa akin pagdating ng alas-dose, pero kung kailan gusto ko nang umuwi saka naman siya nawala. Hinanap ko siya at tumulong na rin sa akin si Pierrre sa paghahanap pero hindi talaga namin siya nakita kaya nagpresinta na lang siyang ihatid ako.

Nang huminto yung sasakyan agad namang bumaba si Pierre para pagbuksan ako.

"Thanks Pierre." Nakangiting pasasalamat ko sa kanya..

"Yeah, I hope I'll see you soon." Nakangiti ring sabi niya.

"Of course.. Iti-treat naman kita sa susuno-- Aww!" Sabi ko nang may biglang humablot sa braso ko. Napakadiin ng pagkakahawak nito sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang may gawa nun ay nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat.

"Makakaalis ka na." Sabi ni Luke kay Pierre.

"You're hurting her." Seryosong sabi ni Pierre.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Luke..

"Sige na Pierre, umuwi ka na." Mahinahong sabi ko na agad naman niyang sinunod.

Nang makaalis na si Pierre ay muli akong hinawakan  ni Luke sa braso ng napakahigpit, parang konti na nga lang ay babaon na ang daliri niya sa balat ko.

"L-Luke! Nasasakatan ako!!" Sabi ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig at kinaladkad na ako papunta sa elevator. Kamalas-malasan pa dahil  kami lang dalawa ang nasa loob.

Hindi pa rin  niya binibitawan ang braso ko pero medyo lumuluwag na ang pagkakahawak niya. Bakas pa rin sa mukha niya ang galit. Teka, Ba't ba siya naggalit?!

Nang huminto ang elevator sa floor kung nasaan ang condo namin ay muling humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"L-Luke! Bitawan mo ako!! M-masakit sabi eh!!" Pasigaw nang sabi ko.. Wala na akong pakealam kung may makarinig man sa akin.

Nang maratin namin ang condo unit namin ay pabalibag niya akong ipinasok doon.

"Ano bang problema mo!!!" Sigaw ko sa kanya.

Isinara niya ang pinto at ini-lock ito. Nakaramdam ako ng matinding takot nang makita ko ang mukha niyang galit na galit at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin.

Pak!

Muling namanhid ang mga pisngi ko at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang matinding sakit na dulot ng pagkakasampal niya sa akin.

Hindi pa nga naghihilom ng tuluyan ang sinampal niya sa akin nung nakaraan, ngayon ay may dinagdag na naman siya.

Bumuntung hininga ako saka ko siya hinarap.

"Sumasaya ka ba kapag sinasaktan mo ako?" Halos pabulong nang tanong ko sa kanya.

"Bakit kasama mo siya?!" Mataas ang boses na tanong niya sa akin.

"Ano bang pakealam mo!! Pinapakealaman ba kita sa mga babae mo?!" Pasigaw ko namang balik sa kanya at bago pa man siya makahuma ay umalis na ako sa harap niya't pumunta sa kwarto namin at pumunta sa banyo doon.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pagak akong tumawa ng peke.

Siguradong mamamasa na naman ito bukas.

Naglinis ako ng katawan ko saka nagbihis na ng pantulog at dumiretso sa kama.

Nahiga ako, pero di naman ako makatulog. Tumagilid ako saka ko pinilit na makatulog pero hindi ko talaga magawa, nanatili lang akong nakapikit.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, siguradong si Luke iyon, wala na namang ibang tao dito bukod sa amin eh, depende na lang kung may dala pala siyang babae dito kanina.

Hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy lang sa pagpikit baka sakaling makatulog na rin ako.

Umalon ang kama, senyales na umakyat o umupo na rin siya dito pero wala pa rin akong pakialam at nagpatuloy sa pagpikit.

Maya-maya pay naramdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Ayoko namang dumilat dahil paniguradong si Luke lang iyon.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga at naramdaman kong tumayo siya mula sa kama. Sunod naman na narinig ko ay ang pagbukas at pagsara ng pinto sa banyo, sunod doon ay ang paglagaslas ng tubig.

Bumaling ako sa kabilang direksyon dahil nate-tempt akong tumingin sa pinto ng banyo para hintayin ang paglabas niya.

Ugh! Nababaliw na ata ako, sinaktan na niya ako kanina pero gusto ko pa ring makita ang pinagpala niyang katawan. Ahhhhhhh!!!

Pumikit muli ako at pinilit na makatulog pero hindi ako tinatantanan ng utak ko dahil pilit na pumapasok doon ang hitsura ni Luke kapag walang s-saplot. Aahhhh!! Ayoko na!

Hindi ako mapakali pero nanatili pa rin ako nakapikit hanggang sa marinig ko ang paglabas niya mula sa banyo at naamoy ko agad ang bango niya. Nakakainis!

Ilang sandali pa ay naramdaman ko muli ang pag-alon ng kama.

Shit!

Nakaharap ako sa direksyon kung saan ang higa niya.

Nagkunwari akong tulog at pasimpleng bumaling sa kabilang direksyon pero hindi iyon natuloy dahil marahan siyang humawak sa braso ko at dahan-dahang muling iniharap sa posisyon ko kanina, ganun pa man, nakapikit pa rin ako. Ayokong makita niyang gising pa ako.

Maya-maya pa'y naramdaman ko ang kamay niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko, sumunod naman doon ang paghaplos niya sa pisngi ko at naramdaman ko ulit yung parang kuryenteng dumadaloy sa spine ko.

Hindi kaya alam nitong gising ako at inaakit niya ako  ngayon. Pero, imposible!

Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko, marahan itong dumampi doon at pagkatapos ay lumayo.

"Sorry." Bulong niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Gustuhin ko mang dumilat ay di ko magawa, dahil gusto ko pang maramdaman siya at alam ko namang ititigil niya ito kapag nalaman niyang gising pa ako.

Sunod ko namang naramdaman ang labi niya sa talukap ng mga mata ko at tulad ng ginawa niya kanina, lumayo siya at ibinulong ang salitang 'sorry'.

Sunod naman ay sa nose bridge ko.

Sa magkabilang pisngi hanggang sa ang hindi ko inaasahan ang nangyari.

Lumapat ang malalambot niyang mga labi sa labi ko.

Marahan niya akong hinalikan at mararamdaman mo doon ang pag-iingat.

Hinahalikan niya lang ako kahit na hindi naman ako tumutugon pero ilang sandali lang, umikot na ang braso ko sa leeg niya para lalo siyang ilapit sa akin at tinugon ko na unti-unti ang mga halik niya.

Nang maramdaman niya ang pagtugon ko ay agad siyang lumayo pero hindi sobrang layo dahil nakakapit pa rin ako sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkabigla.

"B-bakit ka tumigil?" Hindi ko alam na lumabas na pala ang mga salitang iyon sa bibig ko, Oh my!! Pihadong namumula na ako nito.

Nakita ko ang pag-ngisi niya pero nang makita niya ang nakita ko siya ay bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya.

Pilit siyang lumalayo.

"Matulog ka na." Mahinahong sabi niya pero hindi ko pa rin siya binibitawan.

"Matulog ka na Mav--" Hindi ko siya pinatapos at  hinuli ko ang mga labi  niya.

Oo! ako na ang nag-insist pero hindi ko na kaya itong nararamdaman ko. Mahal ko siya at gusto kong kahit sandali lang ay maramdaman kong pareho kami ng nararamdaman kahit ngayon lang, kahit alam kong ilusyon lang.

Itinigil ko sandali ang paghalik sa kanya.

"Take me." I murmur against his lips.

Matagal bago siya bago makasagot pero iang sanadali pa, siya na ang humalik sa akin.

It's full of possession and... Love?

I don't know.

Our kissing takes a lot of time and most of that time, he's the dominating one.

Our kissing lead to the thing I badly want to do with him. With him only.

He gives me pleasure though it's started with severe pain.

Moans and groans filled our room.

And when we finally reach the zenith, we fell asleep while holding each other, feeling the warm of our naked body beneath the blanket covering the proof of what we have done tonight.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When She CryWhere stories live. Discover now