Prologue

6.9K 105 2
                                    

PROLOGUE:

[Maven's POV]


"What are we doing here Lex?" Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit pa kabadong kabado ako. It's so unusual na dalhin ako ni Lex lugar na'to.

Ito yung ancestral house ng pamilya nila.. Wala nang nakatira dito at nakatayo ito sa tagong lugar somewhere dito sa Batangas.

Nakangiting bumaling siya s akin..

"I just want to do something with you." Sabi niya saka tinanggal ang jacket niya at isanampay sa sofa na natatakpan ng puting tela. Napayuko ako.

"U-uhh--"

"You don't want to be with me?" Pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko.

Napatingin ako sa kanya.

"H-hindi naman sa ganun.. Ano lang.. Wala naman tayong magagawa di to eh.. Uwi na lang tayo o di kaya punta tayo sa ibang lugar, sa mall. Dun na lang, huh."

Nang hindi siya nagsalita ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara na." Sabay hila ko sa kanya pero pinigilan niya ako.

"NO!" Napapitlag ako sa sigaw niya. Binitawan niya ang kamay ko saka lumipat ito sa braso ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit.

"A-ahh, masakit Lex. Let me go!" Sabi ko habang nagpupumiglas ako sa hawak niya.

"I won't let you go Maven, hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko." Mahinahong sabi niya saka niya ako hinaplos sa pisngi gamit ang isa niya pang kamay.

"L-Lex! Ano bang nangyayari sa'yo!" Sigaw ko.

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Nababaliw na ako Maven. Baliw na baliw na ako sayo." Bulong niya malapit sa tenga ko saka niya ako itinulak sa pader. Hinalikan at hinawakan sa iba't-ibang parte ng aking katawan.

Sigaw ako ng sigaw hanggang sa may mahawakan akong matigas na bagay at ipinukpok ko iyon kay Lex. Nabitawan niya ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakbo. Nakarating ako sa pinto palabas pero nang tangkain ko na itong buksan ay hindi iyon mabuksan.

Nang makita kong papalapit na sa'kin si Lex ay tumakbo ako palayo sa kanya hanggang sa marating ko ang kusina. May nakita rin akong pinto doon pero bago pa man ako makalapit doon ay nahigit na ako ni Lex paharap sa knya saka niya ako isinandal sa lababo.

"L-Lex.. Itigil mo na to!" Sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa paghagulgol ng iyak.

"Shh.. Don't cry.." Saka niya pinunasan ang pisngi ko at hinalikan sa noo. Bahagya akong kumalma pero hindi nagtagal yon. "I love you so much Maven and.. I really, really want you right now." At muli niya ako hinalikan.. Nagpumiglas ulit ako pero hindi ko siya kaya.

"L-Lex! STOP! Lex!" Hinahampas ko na siya ng paulit-ulit pero wala lang iyon para sa kanya. Patuloy lang siya marahas na ginagawa niya sa akin.

Napapahiga na ang kalahati ng katawan ko sa lababo at kapag nangyari yun. Mangyayari na ang ayaw kong mangyari, kaya naman itinukod ko na ang kamay ko sa lababo hanggang sa may mahawakan akong kutsilyo at hindi sinasadyang masaksak ko siya sa likod.

Bumagsak sa harapan ko si Lex. Tinakpan ko naman ang katawan kong halos mabulgar na dahil sa sira kong mga damit saka ko lumuhod sa harap niya.

"L-Lex.. L-Lex, gumising ka.. H-hindi ko sinasadya." Napahagulgol pa ako ng malakas.

"Lex.. LEX!!"

***

"Mave, Maven."

Napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal saka ako napayakap kay Kaezelle. Sunod non ay ang malakas kong pahagulgol.

"Shh.. That's just a dream Maven. Stop crying."

"K-Kaezelle, hindi ko sinasadya yun.. Bakit? Bakit bumabalik?"

Iniharap ako ni Kaezelle sa kanya saka pinunasan ang luha ko.

"It's nothing but a dream Maven. Stop crying at maghanda kana.. Darating na ang mga mag-aayos sa'yo mamaya." Hindi nakalampas sa akin ang lungkot sa mukha niya. Pinatahan niya muna ako bago siya tumayo at pumunta palabas ng kwarto pero bago pa man siya makalabas... "Sana hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo." at tuluyan na siyang lumabas.

I swear.. I'll never regret my decisions.

Papakasalan ko ang lalaking higit sa lahat ay alam ko kung gaano kamuhi sa akin.

Si Luke Delisantro. The brother of the man I killed two years ago.

***

Author's Note: Sorry for the Typographical errors.. Grammar errors and such.. Thanks :)

When She CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon