From There, till Here [37]

13 2 1
                                    

Chapter 37

Nasha's POV

After 4 months...

August na. 4 months na ang nakalipas. 4 months na din kami ni Zem bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Masaya, sobra. Understatement pa nga yung word na 'masaya' e. Hindi ko alam kung papaano ko idedescribe, hindi ko mahanapan ng tamang term. Basta ang alam ko, sobra kaming masaya, sobra ko siyang mahal, at ramdam ko din na sobra din niya akong mahal. Kung tutuusin, sa apat na buwan naming pagsasama ni Zem, never pa kami nag-away. Tampuhan? Hindi rin masyado. Wala naman kaming hindi pinagkakasunduan. Okay siya sa lahat ng bagay na ginagawa ko, at okay din naman ako sa mga ginagawa niya. We support each other. Naks!

Sumobra din pala ang katakawan ko nung naging kami ni Zem,pakiramdam ko nga ang laki ng itinaba ko mula ng maging kami. Pano ba naman kasi kada susunduin niya ako lagi sa school after class, sa halip na ihatid na niya ako sa bahay, gusto niya kumain muna kami sa labas, meryenda lang. Syempre, sino ba naman ako para hindi tumanggi sa alok ng grasya? 

Natuto na din akong magluto ng iba't ibang klase ng putahe. Kapag weekend, maalin lang sa nasa bahay ako ni Zem, o di kaya nasa mansion nila. Kapag nasa mansion nila, tinuturuan ako ni Tita Suzette sa pagluluto, lahat ng klaseng pagkain na paborito ni Zem. Kaya naman kapag nandon ako sa bahay ni Zem, yung malapit sa amin, ako na ang nagluluto para sa kanya. O diba, laking improvement ko? 

Hindi binenta ni Zem ung bahay niya na malapit sakin, kasi kahit hindi na siya napasok sa xoxo university, ay mas madalas parin siya sa bahay na yun kesa sa mansion nila. Uuwi nga lang siya sa mansion nila kapag kasama niya ako e. Ayaw talaga mapalayo sakin ng boyfriend ko. Clingy masyado!

Nag-mistulang driver, taga-hatid ng pagkain sa school, minsan taga gawa ng homework (actually madalas talaga), si Zem. Wala kasi siyang ginagawa, kaya ako lang iniintindi niya. Hinihintay nalang niya ang August, dahil August ang start ng pasok niya sa med school. At August na nga ngayon. Graduating na din ako ngayong darating na school year!

Ano pa bang nangyari nung mga nakaraang buwan?

Ah! Natuto na din ako alamin kung sino si Zem at Zed with just one look! Pano ba naman kasi, kapag napunta ako sa mansion, madalas akong lokohin ni Zed na siya si Zem. Ako naman tong uto uto at naniniwala. Hirap pala alamin sa dalwang identical twins kung sino siya, at sino ang isa. Kailangan ko pa ipag-tabi silang dalawa para malaman ko kung sino si Zem, mas matangkad kasi si Zed.

Pero okay na ngayon, expert na ako sakanilang dalawa. Haha! Sobrang close ko na nga yung mga kakambal ni Zem e, kahit pa si Zen, kahit tahimik yun, minsan sumasali na din sa pang-aasar sakin. Si Zed naman, kinareer na ang pag tawag sakin ng 'sis'. 

Kay tito Charles and tita Suzette naman sobrang okay na din ako. Lalo na kay tita Suzette, madalas ko din siyang makabonding kapag nasa mansion, 'hinihiram' daw muna niya ako kay Zem kapag nandon ako kasi kami naman na daw ni Zem ang magkasama palagi. Kaya habang kabonding ko ang mommy nila sa kusina, at sa shopping (o diba! waging wagi ako), ang ka-bonding naman ni Zem ay yung mga kakambal niya. Si tito Charles, although kaclose ko din, pero bihira ko lang siya makita sa mansion, laging may rounds sa hospital.

Ang barkada? Okay naman sila. Mga siraulo at baliw pa din. Gulat na gulat nga sila nung nalaman nila na kami na ni Zem. Parang nung isang araw lang daw nababaliw pa daw ako sa pag-iyak kay Zem, tapos babalik daw ako sa school, kami na. Hahaha! Going strong nga sina AC at Bianca, Diane at Lawrence. Pero sina Camille at Louis? Break na sila.

Nagsasawa na daw si Louis, at fafall out of love na daw siya kay Camille. Kawawa nga si Camille e, nakita ko sakanya yung sarili ko nung nagbreak kami ni Stephen. Pero good thing ay okay na siya ngayon, kahit papaano... Si Louis kasama na palagi ni Mico, may iba na silang group of friends. Or should I say, group of girls. Tsk

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon