From There, 'till Here [31]

9 2 0
                                    

Chapter 31

Stephen's POV

Hinimatay si Nasha kaya heto, buhat-buhat ko siya papasok sa loob ng kotse ko, basang basa siya ng ulan. Ano kayang ginagawa nito dito? Pinunasan ko ang mukha niya at piniga yung buhok niya, tsk. Magkakasakit tong babaeng to sa ginagawa niya. Ano bang ginagawa niya at pinapabayaan niya ang sarili niya? 

Paniguradong may problema siya kaya siya ganyan, narinig ko yung sinigaw niya kanina. It must be because of that Zem. Damn him. May gusto na sakanya si Nasha. I can't blame her, afterall, si Zem ang kasama niya palagi nung panahong break na kami. 

Hindi ko pwede ihatid si Nasha sakanila ng ganto ang kalagayan niya, paniguradong madaming tanong ang mama niya. Kinuha ko ang bag ni Nasha at hinanap ang cellphone niya, tatawagan ko nalang si Kat siguro.

Dinial ko ang number ni Kat at unang ring palang sinagot na niya.

"Hello?" Kat

"Kat. Si Stephen to." 

"Oh Stephen, bakit nasayo ang cellphone ni beshe?" 

"Mahabang kwento, nasainyo kaba? Ihahatid ko muna jan si Nasha, nahimatay siya e. Mukhang lalagnatin na din siguro."

"ANO?! Lintik na babaeng yan! Ano bang ginagawa niyan sa buhay niya? Ihatid mo na siya dito bilis." Utos ni Kat. Halatang alalang alala siya sa best friend niya. 

Binigay naman ni Kat ang address niya, siya lang daw ang tao dun. Nag out of town daw ang parents niya. Inihiga ko si Nasha dito sa likod at pumunta nako sa unahan para magdrive. Hindi naman ganon kalayo ang bahay ni Kat.

--

Pagkarating ko sa bahay ni Kat, kita kong nakasalubong agad siya sa labas ng bahay niya. Pagkatigil ko ng sasakyan, agad naman niyang binuksan ang pintuan sa likod. Nagpresenta akong, ako na ang bubuhat kay Nasha papasok sa loob. 

Pagkapasok ay inihiga ko agad si Nasha sa sofa at tinanggalan siya ng sandals, si Kat naman ay may nakaready ng mainit na tubig at twalya, pinaalis muna niya ako kasi papalitan ng damit at bibihisan daw niya si Nasha. Umalis naman nga ako.

After 5 minutes tinawag na ulit niya ako.

"Ano bang nangyari?" Alalang sabi ni Kat

"Hindi ko rin alam, nakita ko nalang si Nasha na tumatakbo. Ilang kanto rin ung natakbo niya, buti nga at tumigil siya, iyak ng iyak, naabutan ng ulan. Kaya ayan." Paliwanag ko

"Tatawagan ko muna si tita, sasabihin kong nandito si Nasha at dito muna matutulog." Tumayo naman agad si Kat dala ang cellphone niya. Naiwan kaming dalawa ni Nasha dito sa sala, kaso tulog na tulog naman siya.

"Mahal mo naba talaga si Zem? Huli naba ako?" Tanong ko sakanya kahit alam kong tulog siya.

"Ang daya naman ng tadhana, kung kailan okay nako, kung kailan pwede na ulit tayo. Saka naman ikaw na talaga ang aayaw sakin." Sabi ko habang hinahawi ang buhok ni Nasha na nasa mukha niya. Ang ganda talaga niya, hindi nakakasawang tingan.

Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang luha ko, siguro nga hindi kami para ni Nasha sa isa't isa. Kung talagang mahal niya si Zem, wala na akong ibang magagawa. Ayaw kong kumontra sa kaligayahan niya. Susuportahan ko nalang siya sa desisyon niya.

Kung ano man ang problema nila ngayon, labas na ako don. Ayaw ko mangielam sakanila, wala akong karapatan para magalit kay Zem kahit nagkaganito na si Nasha. Dahil ako, minsan ko narin pinaiyak si Nasha. 

"Nasha, huling pagkakataon nalang ang hinihingi ko sayo. Kapag magaling kana, tatanungin ulit kita. Kung ano man ang maging desisyon mo, rerespetuhin ko na yun." at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Okay na, nakausap ko na si tita." Nagulat ako ng nagsalita si Kat sa likod. Agad naman akong nagpunas ng luha.

"Stephen, okay lang umiyak." Sabi ni Kat. Nakita ba niya ako? "Ganon naman talaga e, mahal mo si Nasha, at the same time nasasaktan ka. Okay lang umiyak." Dagdag pa niya.

At ng dahil sa sinabi niya, tuluyan nakong umiyak. Ngayon nalang ulit ako umiyak ng ganto, palagi ko kasing kinikimkim, wala naman akong masasandalan, pero ngayon, okay lang nga siguro na ilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Niyakap naman ako ni Kat at hinimas ang likod.

"Shhh. Ayan, ilabas mo lang Stephen. Para mo naman akong hindi kaibigan. Kilala mo ako, saksi ako sa love story niyo ni Nasha simula palang, kita ko kung gaano mo siya kamahal. Napatunayan mo yun." 

Iyak lang ako ng iyak, naalala ko nung mga unang panahon na naging kami ni Nasha, kung saan sobrang saya namin at walang problema. Tatlong taon na kami, akala ko kami na, pero hindi parin pala.

"Pero hindi lahat ng love story ay happy ending, baka mamaya you're with the right person at a wrong time, or with the wrong person at a wrong time." Sabi niya at patuloy parin siya sa paghimas ng likod ko, "Kung kayo talaga ni Nasha, kahit ilang taon pa kayo magbreak, kahit gaano pa karaming tao ang humadlang sainyo, kahit gaano pa katindi ang problema niyo. Sa  huli, kayo parin talaga." Kumalas siya sa yakap at hinarap ako, nginitian naman niya ako at ganon din ang ginawa ko kahit hirap akong ngumiti.

"Tahan na Stephen." 

"Thank you, Kat." Sabi ko sakanya.

Binigyan naman niya ako ng tubig at pina-upo muna. Sinabi niyang kumalma muna ako at tumahan, at pagkatapos ko daw ay ikwento ko kung papaano ko nakita si Nasha at kung ano ba talaga ang nangyari.

"Hindi ko talaga alam e. Basta ko nalang siya nakitang natakbo talaga." Sabi ko

"Lumaki ata lalo siguro ang problema nila ni Zem." Sabi niya habang nakahalumbaba sa coffee table

"Ano bang problema nila?" Tanong ko

"Hindi ko alam e, hindi pa nagkukwento si Nasha. Pagkagising niya, susubukan ko siyang tanungin, pero hindi ko siya pipilitin. Paniguradong hindi maganda ang nangyari, ngayon ko lang nakitang nagkaganto si Nasha." Sabi niya

Kwinentuhan pa niya ako ng tungkol kay Nasha at kay Zem, kung papaano sila naging close, ung mga bonding moments nila, kung papaano siya alagaan ni Zem. Masaya akong marinig na masaya si Nasha, pero hindi ko mapigilan hindi magselos at masaktan.

Inutusan ako ni Kat na buhatin ko na si Nasha pa-akyat sa kwarto niya dahil matutulog na din daw siya. 

Inakyat ko na si Nasha sa kwarto ni Kat at dahan dahan siyang ibinaba sa kama,

"Zem..." Napatingin ako kay Nasha na nagsalita habang tulog.

Hanggang pagtulog talaga, si Zem padin. 

Hinalikan ko sa noo si Nasha at di rin nagtagal ay bumaba nako. Nagpaalam na ako kay Kat at nagpasalamat sakanya.

"Balitaan mo nalang ako kapag nagising si Nasha, Kat." Bilin ko sakanya

"Oo sige, tatawagan agad kita. Ingat ka, salamat sa pagdala kay beshe dito." Nakangiti niyang sabi. 

"Sige Kat, salamat ulit ng marami." Ako

"Basta Stephen ha? Wag mo kakalimutan ung mga sinabi ko kanina. Hindi ko naman sinasabi na umasa ka parin kay Nasha, kasi kahit ako hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Pero, just be wise, know when to continue, know when to stop, and know when to let go." Nakangiti niyang sabi.

Nginitian ko lang din siya at hindi na sumagot pa. Nagpaalam na ulit ako sakanya at naglakad papuntang sasakyan.

Sumakay nako sa kotse ko, kita kong kinawayan pa niya ako bilang paalam. Maya maya lang din ay pumasok na siya sa loob at pinatay ang ilaw sa labas ng bahay niya.

Nang maramdaman kong mag-isa nalang ulit ako, nag-unahan na ulit tumulo ang mga luha ko.

-----------------------


From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon