Chapter 21

113 6 0
                                    

Counted Heartbeats

Chapter 21

Sungmin's POV

Nakatulala ako. Di ko alam kung ano na ang dapat kong isipin. Natatakot akong mag isip.

"Sungmin gigising din sya. Napagod lang sya.",sabi ni Andrea.

Sana nga. Akala ko kanina wala ng wakas yung happiness. Kanina lang masayang masaya kaming nagsasayaw na basang basa. Kanina lang hinahalikan ko sya. Kanina lang natupad ko ang pangalawa at pangatlong kahilingan nya. Pero ano to ngayon? Sa isang iglap naiba ang sitwasyon.

Ngayon ko na realize na may kinatatakutan na pala ako. At yun yung mawala sya sakin. Hindi ako makahinga ng maayos. Dati di ko kelangan ang tulong ng iba pero ngayon kelangan ko ng masasandalan.

Tinapik nya ang balikat ko. Tinakpan ko ang mukha ko ng aking aking dalawang palad at tumulo na ang mga luha ko.

"Tama si Andrea. Napagod lang yun sa mga surprises mo.",si Yuri at tinabiha ako sa pagkakaupo.

Naghihintay kami sa labas ng emergency room. Nakakainis kasi wala man lang akong pwedeng gawin. Wala akong magawa.

Ramdam kong may lumabas mula sa emergency room kaya inayos ko agad ang sarili ko.

Si Jayrel ang lumabas. Nilapitan agad namin sya.

"She's okay. Napagod lang sya. Nagpapahinga pa rin sya ililipat na sya sa hospital room nya.",sabi ni Jayrel at hinubad ang white coat nya.

Nakahinga ako ng maluwang. Ayos lang sya. Buhay pa sya.

"Buti naman.",si Andrea.

Bakas sa mga itsura nila na masaya sila pero si Jayrel seryoso pa rin ang mukha. Di ko sya mabasa ngayon. Kinakabahan ako.

"Sungmin can I talk to you?",si Jayrel. Tumango naman agad ako. Lumayo kami ng bahagya sa kanila.

***

Nakahawak ako sa kamay nya habang mahimbing na natutulog. Ano ba ang pwede kong gawin para matulungan ka? Ang di ko maintindihan kung bakit sa dinami dami ng tao ikaw pa?!

Ang masakit pa nyan wala akong magagawa kundi tingnan kang nagdurusa. Gusto kong tumakbo palayo sayo kasi natatakot ako pero ayokong iwan ka tulad ng ginawa ni dad kay mommy dati. Ayokong maulit yung nangyari.

Bat yung mga mababait na mga tao ang nagkakaganto? Bat di na lang yung mga tulad ko ang pinaparusahan? Umaagos ang mga luha ko.

Naalala ko pa yung mga eksenang nagpabago ng takbo ng buhay ko. Isa sa mga pinakamadilim na sandali ng buhay ko.

Flashback.

"Doc I am rich. We can afford everything! Please save her.",sabi ni Dad. Nagmamakaawa na sya.

"I am so sorry sir we tried our best. Pero di na kaya kumalat na ang cancer cell sa buong katawan nya. Exactly one month na lang ang itatagal nya.",sabi ng doctor at umalis na.

Umiyak ng umiyak si Dad. Napabayaan nya na ang sarili nya. Nasa isang tabi lang akong nakatingin sa kanya. Di ko alam kung anong uunahin kog dapat gawin. Ang puntahan si mommy o yakapin si daddy. Pero mas pinili kong lapitan si Daddy. Nasa harap na nya ako. Napatingin sya sakin. Yayakapin ko na sana sya ng hawakan nya ako sa magkabilang balikat.

"Because of you the woman of my life is dying!",sigaw nya sakin. Diniinan nya ang pagkakahawak sakin. Nasaaaktan ako pero mas masakit yung mga narinig ko. Di ko maintindihan.

"Dad.",nasabi ko at umiiyak na rin ako.

"Sana di ka nalang pinanganak di sana nagka ovary cancer ang asawa ko! Malas ka! Sana ikaw na lang ang may sakit! Ikaw na lang sana ang mamatay!",galit na galit nyang sabi at umalis.

Ako naman naiwang umiiyak. Ako ang tanging rason bat mawawala si Mommy. At ako rin ang sinisisi ni Daddy. Tama sya ako ang may kasalanan ng lahat.

Simula nun di ko na nakita pa si Daddy sa ospital. Ako ang nasa tabi ni kapag umiiyak sya sa sakit. Ako ang pumuno sa presence ni Daddy pero kahit anong gawin ko di ko mabubura yung katotohanan na ako ang may kasalanan ng lahat.

End of Flashback.

Namatay si Mommy saktong isang buwan mula nung sinabihan kami ng doctor. Simula nun nagbago ang buhay ko. Nagtanim ako ng galit sa daddy ko at sa sarili ko. Si Daddy nagawa akong mapatawad sa loob ng tatlong taon pero ako hindi ko napapatawad ang sarili ko hanggang ngayon.

Nagising ko si Sunny.

"Sungmin.",sabi nya.

Hinalikan ko ang kamay nya. Natatakot ako sa sinabi ni Jayrel kanina.

"Anong nangyari?",tanong nya.

Pinilit kong ngumiti.

"Napagod ka lang kaya nag shut down yung katawan mo.",nasabi ko na lang.

Tumango lang sya. Kung pwedeng ako naman ang magdala ng dinadala mo Sunny gagawin ko.

"Wag mo kong iiwan agad ha?",sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya.

"Gagaling pa ako diba?",sabi nya. Tumango na lang ako.

Sana nga Sunny sana nga. Pero di na mangyayari yun.

Counted Heartbeats(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon