Chapter 11

167 8 1
                                    

Counted Heartbeats

Chapter 11

Sunny's POV

Nagising ako sa di ko kilalang kwarto. Napabangon ako. Malaki ang kwarto at modern ang pagkakadesign. Napahawak ako sa ulo ko kasi sumasakit pa sya ng konti.

Nasan ba ako? Nahihilo pa rin ako kaya di ko magawang tumayo. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kanina. Pinikit ko ang mga mata ko. Ang natatandaan ko kasama ko kanina si Jayrel.

"Gising ka na pala.",sabi nya habang papasok na may dalang tray.

Nginitian ko sya. Si Jayrel. Pinagkakatiwalaan ko sya kahit pangalawang pagkakataon ko pa lang syang nakikita. May something kasi sa kanya na ewan pero mafefeel mo trust worthy sya.

Nakaupo na sya sa side ko.

"Kumain ka muna.",sabi nya. Nasa harap ko na rin ang tray. Isa syang heavy and complete meal dahil kumpleto na. Mukhang masarap tong steak. Teka anong oras na ba?

"Dinner time na.",sabi nya. Nababasa nya pala ang iniisip ko. Aba talented.

Sisimulan ko na sana ang pagkain ng masagi ng mga mata ko ang isang pamilyar na tablet. Napalunok ako ng wala sa oras. Pinagpapawisan ako. Napatingin ako sa kanya. Alam na kaya nya? Ayokong kaibiganin nya ako dahil alam nyang may sakit ako. Ang ayoko sa lahat eh yung kinakaawaan.

Maang lang akong nakatitig sa kanya. Ramdam siguro nuang nakatitig na ako sa kanya.

"You forgot to drink your medicine.",sabi nya.

So alam nya na? Napayuko ako.

"You must intake your medicines on time.",kalmado nyang sabi.

"Para san pa? Mamatay na naman ako eh!",sabi ko.

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Sunny?",tanong nya sakin. Di ko magawang titigan sya sa mga mata.

"Mamatay din ako. Malapit na. Wala na akong magagawa.",sabi ko at umiyak na.

Nawawalan na kasi ako ng pag asa. Sabi ng doctor di naman daw lumalala pero wala pa ring kasiguraduhan. Pero habang tumatagal parang sumusuko na rin ang katawan ko. Napapadalas na rin ang pag atake ng sakit ko.

Niyakap nya ako. Humagulgol na ako. Eh matagal ko na rin tong tinatago. Sa loob ng nakaraang dalawang linggo wala si Sungmin. Ang tanging taong nakakaalam ng sitwasyon ko. Ang hirap hirap at ang bigat bigat sa loob.

"Mamamatay na ko kahit ayoko pa. Gusto kong mabuhay pa ng matagal para sa mga kapatid ko. Gusto ko pang maranasan pa yung mga bagay na di ko pa nararanasan.",sabi ko habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.

Hinahagod nya ang likod ko. Hinarap nya ako sa kanya.

"Hindi ka mamamatay. I mean hindi ka pa mamamatay. Kakain pa tayo ng marami. Magiging mag bestfriend pa nga tayo diba?",sabi nya at pinapahiran ang mga luha ko.

Nginitian nya ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sana si Sungmin ang kasama ko ngayon. Sana sya ang yumayakap sakin. Sana sya yung nagbibigay ng comforting words sakin ngayon. Alam ko di naman pwede kasi may sariling buhay din naman sya.

Inaayos nya yung mga hibla ng buhok kong nasa mukha ko na.

"Listen. I'm a neurologist. I can help you. Let's fight together okay?",sabi nya sakin.

Napangiti ako.

"Never let your hope die. It's the only thing we have.",dagdag nya pa.

Tama sya. Pag namatay na ang pag asa unti unti ko ring pinapatay ang sarili ko.

Tumango ako.

"Alam nya ba to?",tanong nya sakin. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya.

Tumango lang ulit ako.

"Pero nagawa ka nyang iwan sa ere?",tanong nya.

"Ikakasal na sya.",sagot ko. Tama nga naman truth hurts. Tinitigan nya ako.

"Hahayaan mo lang?",tanong nya. Nakatitig lang sya sakin. Napayuko ako.

Ano pa bang magagawa ko? Wala akong karapatan. Masakit pero yun yung totoo. Dapat tanggapin.

"Wala naman akong magagawa.",sabi ko.

"Bat ba lagi kang walang magawa? You can do everything if you just want to.",sabi nya.

Tumingin ako sa mga mata nya. Huminga muna ako ng malalim.

"Para san pa? Para masaktan pa ko?",sagot ko.

Napakunot noo sya. Kitang kita ang malaking disgusto nya sa mga sinasabi ko.

"Lahat tayo masasaktan. Sinadya man o hindi natural na satin ang sakit. Kelan ka magpapadala sa takot mo? Hanggang huli na ang lahat?",tanong nya.

Bat ba tagos na tagos yung mga sinasabi nya? Takot? Yun yung lagi kong nararamdaman.

"Mahal ko sya pero takot akong masaktan sya sa huli. Ayokong maging selfish. Ayokong maiwan ko sya. Di ko kayang saktan sya. Mas mabuting sa iba nalang sya mapunta kesa sakin.",sabi ko.

"Masaya ka ba sa paglayo mo sa kanya?",tanong nya sakin.

Masaya nga ba ako? Obviously hindi pero ito yung tama. Ito yung dapat.

"Di dahil tama at dapat yun yung magpapasaya satin. Right and wrong is just a concept.",sabi nya.

Bat ba ang talino nya? Di ako makalusot eh.

"And one more thing di kita kinakaawaan. I'm your friend kaya tinutulungan kita.",sabi nya at ginulo ang buhok ko.

Ngumiti ako. Jayrel pinagaan mo ng sobra sobra ang loob ko.

May aalis pero rin namang darating. Walang permanent sa buhay. Life composed of repeated cycles after all.

Counted Heartbeats(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon