Chapter 10

5.4K 115 30
                                    

ALEX’ POV

Halos ilang linggo na din kaming pumapasok sa bago naming school. Nakakapanibago. Especially that after so many years ngayon lang kami nakabalik sa Pilipinas. Tapos biglaan pa na dito na din kami papasok. We were used to a different environment. Mga liberated na tao ang nakakasalamuha. At my age, normal na lang ang uminom. Kadalasan pa nga, hindi lilipas ang isang linggo na wala kaming party na pinupuntahan. Marami ka ring makikitang mga pumapasok na may make-up. Minsan pa nga naghahalikan sa mismong corridor. Yes! Sa corridor mismo. Gosh, pwede sa may tago-tago naman diba?

Hindi tulad dito. Ibang-iba ang school, ang mga tao, ang mga ginagawa nila. Lahat! Hindi ako sanay. Or rather hindi na ako sanay. Nakapag-aral din naman ako dito. But that was a long time ago. I’ve been expecting for this. But I wasn’t prepared. Hindi na ako sanay magsuot ng uniform, gumawa ng assignments, gumising ng napakaaga. Maybe a few more weeks masasanay na din ako.

“GUYS LUNCHHHHHH TARA!!!!”

I cut my thoughts upon hearing that. Lumingon ako para tingnan kung sinong tumawag. Sino pa nga ba? Si Samantha. Napakaingay talaga ng babaeng to.

“Yung totoo? Megaphone almusal mo?” Sabi ni Nathan sabay pailing-iling. Sa ilang tinagal-tagal din naming pag-stay dito, hindi pa lumilipas ang isang araw na hindi sila nag-aaway. Kahit isang araw hindi nila kami binigyan ng katahimikan.

“Yung totoo? Kinakausap ka?"

“Yung totoo? Ano kayang ginagawa mo?

“Yung totoo? Wag kang gaya-gaya.”

“Yung totoo? Manahimik ka na lang.”

“PUCHA NAMAN OH KAKAIN BA TAYO O HINDI? YUNG TOTOO?!”

Napa-facepalm na lang kami nang biglang umawat si Kent. Kanina lang naka-ubob lang siya sa desk at natutulog. Grabe. Iba talaga ang nagagawa ng pagkain sa taong gutom.

Tiningnan namin sina Sam at Nathan na parehong nakakunot ang noo at mabilis na nag-ayos ng gamit.

“Bwisit.” / “Leche.” Sabay nilang sabi. Tsk tsk.

Katulad ng mga nakalipas na araw, kasama kong mag-lunch sina Kent, Sam at Kiel. Pagdating namin sa canteen, madami ng tao as expected. Late na naman kasi kaming nadismiss. Ugghh ito ang ayaw ko. Ang maghintay lalo na kapag gutom na gutom na. Pero hindi ko na kailangang magreact kasi may gagawa na nun para sakin. In

5..

4..

3..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE RETURN OF THE CLASH (Teen Clash FanFic) VERY SLOW UPDATE!!Where stories live. Discover now