Chapter 8- Kamalasan

9.2K 226 121
                                    

Dadating.

Hindi dadating.

Dadating.

Hindi dadating.

Grabe ha. Mukha lang akong tanga dito kakasundot-sundot ng paa ko sa kalsada tulad dun sa palabas. Antagal naman kasi nung dalawang tuko. Kung kailan ako maaga, sila naman yung late. Ang masaklap, naka-bingo na ako sa adviser namin. Masyado na kasi akong maraming late. Kung bakit ako lang eh sinusundo naman ako? Sa kadahilanang minsan ay iniiwanan ako ng kambal dahil minsan sobrang late na akong nagigising. Tsk.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng bag para tingnan ang oras.

6:30 a.m.

 

Mga ganitong oras nandito na yung dalawang yun at nagpupuputak na kesyo isa daw akong mixed breed ng pagong at snail, saang balon ko pa daw iniigib ang pinanliligo ko. Mga ganun. Lapastangan lang eh no?

Naputol naman ang dadating-hindi dadating na orasyon ko nang biglang mag-ring ang phone na kalalagay ko pa lang sa bag. Kinuha ko ito at agad na sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.

“Samantha, anong petsa na? Asan na kayo? May balak pa ba kayong pumasok?” Sunod-sunod kong tanong. Ang demanding ko ba eh ako na nga ang nagpapasundo? Ganiyan talaga. Dejoke. Sanay na kasi kami sa ugali ng isa’t-isa kaya kahit gaano pa ako ka-garapal eh okay lang sa kanila.

“Wala man lang hello hello, Samantha agad? Mwahehehe.” There she goes again with her annoying laugh.

“Hoy wag mo akong ma-mwehehe diyan. Asan na kayo? Mala-late na tayo hoy!”

“Kyaaaaaaa!! Sorry Kent! Nasiraan kasi kami ni Josh. Hindi ng bait, ng sasakyan ha?” Okay? Nag-buffer naman ako dun. Nag-joke ata siya. -_-

“Akin na nga yan Samantha! Magsasabi na lang kasi mangbi-bwisit pa!” rinig kong sabi ni Josh sa kabilang linya.

“Sus if I know.”Sabi naman ni Sam. Ha? Ano daw?

“Hello Kent.” Si Josh na ang kumakausap sakin. “Sorry hindi ka na naming madadaanan muna ngayon. Nandito kami sa talyer sa may kanto. Magco-commute na rin kami. See you in school?”

THE RETURN OF THE CLASH (Teen Clash FanFic) VERY SLOW UPDATE!!Where stories live. Discover now