Chapter 10 - Crazier

741 23 7
                                    

Chapter 10 – Crazier

Maybe they’re right. I’m crazy, I don’t know, I don’t get it. Bakit ganito? Ash asked me to give him another chance, I love him but why am I hesitating over my answer? Why am I thinking about Kim? Bakit nagdadalawang isip ako ngayon?

Two guys. But I only have one heart. Whom shall I give my heart to? I love Ash and I care for Kim, I can’t hurt Kim by saying yes to Ash but I don’t want to lose Ash anymore. Diba sabi nga ng sign na hiningi ko dati pag nagkita kami kami talaga, maybe kaya nung last year nakita ko si Ash kasi kami talaga ang para sa isa’t isa, madami lang pagsubok ang pinagdanan namin pero kami talaga.

Mahal ako ni Ash, mahal ko din siya pero nasasaktan akong isipin na pwedeng mawala sa akin si Kim pag nagkataon na si Ash ang pinili ko. Am I really selfish because ayaw kong mawala silang dalawa sa buhay ko?

Am I too greedy?

I don’t know anymore siguro kung hindi sinabi sa akin ni Kim na mahal niya ako, siguro pinili ko na si Ash kasi mahal niya ako pero ngayon iba eh, Kim told me his feelings before Ash came along and asked for another chance.

“Hindi naman porket mahal mo, siya ang nararapat.” Ayan  ang sabi sa akin ni Karl nung tinanong ko siya kung siya ba ang papapiliin sa dalawang taong nagmamahal sa kanya.

I tried to weigh things, I used pros and cons, but still I couldn’t choose. Ou sinaktan ako ni Ash dati pero may reason siya kung bakit kahit hindi ko alam din yung sinasabi niyang kailangan siya ni Rachelle, sinaktan ko din naman siya diba? Ako nga ang dahilan kung bakit na-expel siya eh. But I’m not saying na kaya lang ako nahihirapan pumili dahil parang I owe him one no, I love Ash, he’s my second prince.

Si Kim, hindi pa niya ako nasasaktan siguro dahil kunting panahon palang kaming magkasama, kaya I don’t know him well. Si Kim na puno ng kayabangan, masaya ako kapag kasama ko siya. Naparamdama sa akin ni Kim yung saya simula nung nawala si Louie naging malungkot ako pero si Kim pinasaya niya ulit ako.

Ugh I don’t know anymore.

“Mary ikaw na ang next.” Paalala ni Sir Garcia, our music teacher. Tonight is our Music Concert, ito yung clearance ng third year at fourth year sa music. Madaming tumutol dito, sympre madaming walang kakayahan na kumanta at isa na ako dun, ang dami kong reklamo, nakarating pa ako sa principal pero sa huli eto ako kakanta dahil lang sa isang katangahan na ginawa ko. Kung hindi ako nagreklamo sa principal, hindi ako kasali sa set list ni Sir, dapat nasa backstage lang ako at isa sa mga directors pero wala nasira ko.

Napakasama diba? Dahil ako ang pasimuno na mag reklamo ako lang ang pinarusahan ni Sir Garcia, feeling ko galit sa akin yan si Sir dahil pag music na automatic ang stomach ko, paano ba naman yung voice exercise namin super duper hirap, kaya kunyari masakit ang tyan ko. Lagi akong wala pag voice exercise, babalik lang ako pag nagtuturo na siya sa gitara or piano pero wala pa din akong matutunan.

So ayun nga eto ang clearance namin, pahirap sa buhay, imbes na papasarap ka nalang sa buhay dahil recognition na bukas eto ka kinakabahan at natatakot mapahiya sa madlang people.

Wala akong talent sa pagkanta! Iniyakan ko na ang dapat iyakan pero walang effect lahat sila gustong makita ang Mary’s downfall.

Pumunta na ako sa stage, pumikit muna ako at pagkadilat ko ang daming tao, yung mga bumili nung concert tickets ang dami nila, nang ako ay tumitingin sa madla nahagip ng mga mata ko ang mga pinsan ko na kasama si Kim, nakita ko na nagsmile sa akin si Kim. Supportive cousins.  And on the other side, kasama ng mga ibang fourth year andun si Ash.

Mukhang hindi ko na kailangan pumili pa ngayon ah. Dahil sila na ang aayaw sa akin, dahil maririnig nila ang pinaka-panget kong boses. Huhu

“Good evening to everyone. I’m Mary Zobel and I’m going to sing to you all my all time favorite Taylor Swift song Crazier. I dedicate this song to my best friend, wherever you are I wish you’re listening and smiling at me right now.  Anyway I’m no singer so please bear with my voice.”

A Little Help From DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon