Special Chapter 0.1 - My Second Love and First Heartbreak

924 22 6
                                    

Special Chapter lang to para may kunting clue for the next chapter. And this happen during Mary's freshman year.

Special Chapter 0.1 - My Second Love and First Heartbreak

 September 24,2007

Mary's POV

Hindi daw mawawala sa highschool life yung pagkakaroon mo ng love life. Dahil ayun daw yung pinaka-masaya pati na din yung pagkakaroon mo ng barkada. Ewan ko ba pero gusto ko yung idea ng love. 

Nung nasa elementary palang ako, panay crush lang yun at mas madami yung nagkaka-crush sa akin. Ang yabang ko lang pero ou nga ang daming nagtatapat sa akin dati, sino ba naman ang hindi magtatapat sa isang magandang tulad ko? Pero wala sila dahil hindi ko type ang mga kabatch ko gusto ko higer level.

Anyway first year na ako ngayon, at tahimik lang ako sa classroom namin paano ba naman yung mga classmate ko dati sa elementary kunti lang dito ngayon sa setion namin at ako lang yung nagiisang babae, mahirap pa naman akong makihalubilo sa iba, tuloy sa mga lalaki ako napapasama. 

Hindi din nagtagal at nagkaroon na ako ng mga babaeng kaibigan, at yung super close ko sa kanila ay sila Cecille at Sky. Sky is my cousin na nagtransfer para makasama ako dahil nga mukha akong loner dati, siya din yung nagbigay daan para maging friends kami ni Cecille. 

"Cel, Sky, punta tayo library?" tanong ko sa kanila. May book review kasi kami sa English class namin at kailangan yung book na babasahin namin nasa library at mga classics lang pwede. Matagal pa naman ang pasahan ng paper pero kasi mas gusto ko yung tapos ko na para wala na akong gagawin at para mataas ang grade ko at ma-maintain ko yung sa honors. 

So ayun nag punta kami sa library, dala dala ko yung English notebook ko pati yung slambook ko, ibibigay ko kasi kay Kuya Dave yun, crush ko na second year, ang tagal ko na din naging crush yun, siya yung ginawa kong scapegoat nung nalaman ng buong classroom dati  nung grade six kami na crush ko si Den. Si Sky yung magpapasulat makapal kasi mukha niya. 

Nagpunta na ako sa classic section na nasa may dulo ng library yung pinaka-dulo at wala masyadong nagpupunta dito, sila Cecille naman ay nandun sa may couch at tinitignan yung mga yearbook. 

Madaming libro dito sa library sympre library nga eh, I mean yung classics madaming books kasi may four book shelves. Pumunta na ako dun sa fourth na bookshelves andun si Jane Eyre eh tinago ko na doon kasi may nakakuha na sa isang copy kaya isa nalang natitira. 

Pagpunta ko dun, may nakita akong tao, nakaupo siya sa sahig habang may libro sa mukha niya siguro tulog to. Ang galing ng tulugan niya ah, library, pero magaling nga walang taong makakakita at pinakamalamig na part ng library to. 

Hindi ko nalang siya pinansin at humakbang na ako at hinanap yung tinago ko pero to my dismay wala dun, napatingin ulit ako sa lalaki at malapitan nakita ko yung libro ko! Pinangtakip niya! 

"Hindi naman to siguro magigising no?" kausap ko ang sarili ko. 

Kumuha ako ng isang libro, kukunin ko kasi yung nasa mukha niya, papalitan ko nalang ng iba, paano pag may laway? Yuck... 

Lumapit na ako sa kanya. "Kuya, wag kang gigising." dahan dahan kong kinuha yung libro, pero ang hirap pala. 

Medyo nakukuha ko na pero nawala yung attensyon ko dahil napatingin ako sa mukha ni kuyang tulog, ang gwapo niya, pero mukha siyang pagod na pagod. Ang gwapo niya talaga, para bang prinsipe. Sleeping prince. 

Nagulat nalang ako at biglang dumilat yung mata niya kaya nabagsak ulit sa mukha niya si Jane Eyre. Siguro dahil na din sa adrenaline rush ang bilis kong nakapunta sa kabilang dulo ng mga bookshelves. 

"Ouch." ayan yung narinig ko bago siya tumayo nagtago na din ako para hindi niya ako makita, napansin kong may hinahanap siya, siguro ako. Tas yumuko siya at may kinuha sa lapag, yung slambook ko!

Napatingin ako sa kamay ko, notebook nalang natira pati yung kinuha kong Pride and Prejudice. Patay. 

Umalis na din si Sleeping Prince at umalis na din ako. Pumunta kayla Sky na busyng busy. After that nagpunta na kami sa classroom, hindi ako makapakale kasi yung slambook ko pati gusto kong makita uli si kuya. 

Nung lunch na dali dali akong pumunta sa library buti nalang at ito ang pinili kong club, Bookworm Club aka mga assistant ng librarian. Ito kasi yung pinakamadaling club eh, sabi ng adviser namin lalo na sa mga honors dapat kunin namin club ay yung mga Math, Science, at sympre ang Diadem. Mas malaki ang extra-co pag Diadem pero mahirap din kasi yan hindi tulad ng mga club na twice every month lang ang meeting eto pahirapan dahil dalawang newspaper kada buwan ang kailangan nilang ilathala. Kaya ayoko. Nag bookworm ako. 

So eto nga nandito ako magisa sa library, sinabi ko sa librarian na mag duduty ako ngayon, so nagpunta na ako dun sa may counter sa malapit sa pinto para kunin yung mga logs ng mga pumapasok at lumalabas. 

Pasimple kong hinanap si kuyang tulog kaso hindi ko talaga alam yung name niya. 

"Excuse me, pwede pa-sign?" 

Pagkatingin ko dun sa nagsalita, nagulat ako kasi siya yung kanina! hawak hawak niya yung Jane Eyre at yung slambook ko!

Dahan dahan kong binigay yung log sheet. Nagsulat siya ng pangalan at pasimple kong tinitignan pero hindi ko parin makita mamaya nalang pag wala na siya. 

"Ash Torres." nagulat nalang ako at sinabi niya yung pangalan niya at inabot niya yung kamay niya for shakehand? "Ikaw si Sky Gomez?" 

Ha? Ay ou nga pala hindi pala ako nauna magsulat sa slambook ko si Sky haha.

Hindi ako makapag salita. In shock. 

"Actually I'm--"

"Mary kanina ka pa hinahanap ng yaya mo sa baba yung lunch mo." sinabi ni Rina pagkapasok na pagkapasok niya ng library. I forgot na dinadalhan pala ako ng lunch at hinihintay akong matapos ng yaya ko. 

Tumakbo na ako kasi nga 15 minutes nalang time na at hindi na talaga ako nakakain. Pero ok lang kasi nalaman ko pangalan niya tas nakausap ko pa siya. Masaya na ako. 

Science time nung may kumatok sa classroom namin, tatlong lalaki ata. 

"Excuse me sir can I excuse Miss Mary?" nagulat ako kasi si Ash yung nagsalita. Napatingin siya sa akin at nagsmile. 

Nag-ayieee yung mga classmate ko, si Sir Jay naman natawa pa "Mary sige na labas na. Torres alaga ko yang si Mary, bata pa yan!" 

Lumabas ako ng classroom na nakayuko hindi pinasara ni Sir yung pinto para daw makita ako. 

"Yung slambook mo at yung libro." pagaabot niya. 

"Ah thank you pero baka kailangan mo yung libro." mahinhin kong sabi sa kanya. 

"Hindi pinangtakip ko lang talaga yan." sabi niya. "Here."

Kinuha ko na "Thank you."

"You're welcome Mary." he smiled.

Yung smile na nakakamatay! Pwede na akong mamatay. 

"Let's be friends."  

Siguro pulang pula na ako sa harap niya. Crush ko na talaga siya.  I just smiled at him

"Pasok na Mary," sigaw ni Sir Jay. 

"Bye." I said. 

Pumasok na ako ng classroom at nag-ayiiiee na naman sila, pagkaupo ko napatingin ako sa pinto namin na may salamin, nandun pa sila tas kumaway pa si Ash.

Ako na kinikilig. 

I really like Ash. 

*tbc*

Dalawa ang uupload ko ngayon wait niyo lang yung isa, special chapter parin siya. Kaya special chapter lang kasi I dreamed of my crush nung first year ako, eto yung lagi kong napapaginipan dati at ngayon ko nalang uli napanaginipan. So anyway intay niyo lang yung isa pang special chapter. 

A Little Help From DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon