Third Shot: Heartbreak </3

142 4 2
                                    

JERLYN'S POV

Ksama ko ngayon si Joan romoronda na naman kami dito sa park at hinahanap si kuyang 10 shots. Hindi namin kasama ngayon si Anna at Rovie. Si Rovie kasi ay may date!! Remember yung laro namin na Hello, BOOM! ? Ayun tinotoo talaga namin! xD

Flashback...

Tapos na namin pag-usapan yung "DATE" ni Rovie at nung pinsan kong sa Justin. Nakapag pareserve na kami ng ticket para amusement park duon kasi gusto ni Rovie isip bata =____=

Nakabili na rin kami ng damit na susuotin ni Rovie for her very first date!  Since ready na si Rovie, isa na lang ang kailangan gawin.

At iyon ay ang ipaalam kay Justin na may date sya sa saturday  with his girlriend >:D

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ni Justin para ibalita sa kanya ang good news :D

*DING DONG*

Pagkatapos ko mag door bell maya maya lang din ay lumabas na si manang Rosie, sya yung katulong nila Justin.

"Oh ma'am kayo po pala, gabi na po ah napadaan po kayo?" tanong sakin ni manang Rosie pagkabukas nya ng pinto gabi narin kasi eh pasado alas otso na rin

"Ah kakausapin ko lang po sana si Justin, nandyan po ba sya"

"Ah opo andito po, pasok po kayo" tapos ay gumilid na si manang rosie para makadaan ako

"Salamat po" sabi ko tapos pumasok na ako

Pagkapasok ko madali ko namang nahanap si Justin kahit may kalakihan yung bahay nila. Madalas kasi sya sa sala nila sa harap ng computer at nag-aaral.

"Hey couz" bati ko kay Justin at naupo na ako sa sofa at kinuha ang isang magazine upang basahin

"oh bat ka nandito?" tanong sa akin ni Justin na busy pa din sa pag cocomputer

"uhmm.. I have a good news for you" sabi ko habang nag babasa ng magazine

"What good news?" tanong sa akin ni Justin

"you have a date on saturday" diretso kong sagot sa kanya

"uhmm.. ok" sagot sa akin ni Justin na kinabigla ko naman kaya napatingin ako sa kanya

Nung makita ko sya eh busy parin sa pagbabasa sa computer. Ayos >:D

"okay cool so sa saturday ha? 10 am sunduin mo sya sa bahay nila" tapos tumayo na ako habang di pa nya napa process yung mga sinabi ko haha

"uhmm" sagot ni Justin

"so okay don't forget your date on saturday 10 am" tapos ay tumalikod na ako

"yeah, saturday, 10 am, date" pag ulit ni Justin sa mga sinabi ko kaya naman sinimulan ko na mag lakad kaso nga lang nakakailang hakbang palang ako eh nagsalita ulit sya

"WHAT?!!! ANUNG DATE?!" tanong ni Justin kaya naman napaharap ako sa kanya

"yeah a date!" sagot ko na may nakakalokong ngiti

"te..teka di ko yan alam! at di ako pumapayag dyan!" pagprotesta naman ni Justin. Pag nagkataon kasi ay First date nya rin ito eh

"Well pinsan, kakasabi mo lang po ng okay" sagot ko naman sa kanya

"wh..what? teka di ko nga kilala kung sinong babae yun eh!" sabi ni Justin at lumapit sa akin

"ENGGKKK!! mali ka kilala mo po sya, kilalang kilala" sagot ko naman

"huh? kilala? sino?" naguguluhang tanong sa akin ni Justin

"si Rovie" sagot ko tapos bumalik ako sa sofa at naupo ulit. Sumunod naman sa akin si Justin at naupo sa tabi ko

10 Shots (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon