Fourth shot: kuya 10 shots..

100 4 0
                                    

dedicate to sa kanya kasi siya yung una naming fans na hindi namin kilala haha. thanks sa pagbabasa ng 10 Shots. ^__^

FOURTH SHOT: KUYA 10 SHOTS

ANNA'S POV

Monday na naman at vacant time namin ngayon.

Iniwan ko muna yung tatlo kong kaibigan kasi mag-iikot na naman sila para hanapin si kuya 10 shots nila.

Wala akong planong nakisakay sa ganyang uri ng trip nila. Ayaw ko sa lalaking nagpapahabol kahit alam na niyang may naghahanap sa kanya. Paano? Eto..

FLASHBACK..

Naglalakad kami sa hallway papunta sa Cafeteria para kumain ng Lunch..

"Si kuya 10 Shots!!" sigaw ni Joan sabay sabay naman kaming napatingin sa kanya at napahinto ng lakad nasa may bandang likudan kasi namin sya.

"Asan?" tanong ni Jerlyn habang nililibot ang mga mata nya sa buong hallway

"Ayun sya! Ayun oh!" sigaw ni Joan sabay turo sa bandang unahan namin. Tama sya si kuya 10 shots nga nila yun.

Nalaman na kasi namin na dito sya nag-aaral kasi last week, sunday nagkaroon ng meeting ang student council sa school at since part kaming apat ng student council kaya kasama kami. At nakita naming sya nuon habang naglalakad kami na nanggaling sa luob ng eskwelahan namin kaya naman hinabol sya nitong tatlo pero nakasakay sya agad ng taxi kaya naman ipinagtanong na lang nila kung ano ang ginagawa nya dito at nalaman naming na nag transfer pala sya dito sa school namin. I wonder kung bakit pinayagan pa sya ng school management na mag transfer? Malapit na kasing mag midterm eh. Oh well none of my business.

"Teka nawala! Asan sya?" tanong ni Rovie. Nawala kasi bigla si kuya 10 shots nila.

"Baka kinain ng lupa?"sabat ko naman tapos tinignan lang ako ng masama ni Joan. =__= di mabiro?

"Tara hanapin natin!" suggestion ni Rovie. At ayun nga naglakad na kami patungo duon sa direksyon kung saan naming sya nakita kanina.

Medyo naiwan ako sa pahlalakad kasi nalaglag yung panyo ko. Paglingon ko sa gilid, andun si kuya 10 shots nila na nagtatago at nakangiti pa! =___=

END OF FLASHBACK..

Diba? Alam nya? Alam nyang hinahanap sya ng mga baliw kong kaibigan pero nagtatago pa sya!! Hindi na lang sya magpakita para tapos na!!

At ang nakakaloko eh ngumiti pa sya?!! Pwes! Walang epekto sa akin ang ngiti na ganya!

Dahil masyado na akong nahulog sa ngiting ganyan. Umasa ako dahil sa ganyang ngiti at nasaktan..

YAEL'S POV

Nandito ako ngayon sa may Garden ng School. May groupings kasi kami sa Business Communication. Dito ang meeting place naming ng mga kagroup ko. Nauna na ako kasi may klase pa ata sila. Irregular student kasi ako. Transferee kasi.

"hi kuya!" tumambad sa akin yung tatlong naghahabol sa akin nung isang araw sa hallway.

Actually, kilala ko sila. Si Rovie, Jerlyn at Joanna. Alam ko namang hinahanap nila ako pero nagtatago ako lagi kapag alam kong nakita na nila ako. Pero naisip-isip ko magandag move ang kaibiganin sila.

Nginitian ko lang sila..

"kuya anong pangalan mo?" tanong ni Joanna

"Iñigo" matipid kong sagot habang nakangiti sa kanila

"transferee ka?" tanong ni Rovie. Tumango ako.

Alam ko namang alam na nila na transferee ako eh, kasi last Sunday nakita ko sila na naglalakad papuntang school kaso pumara ako kagad ng taxi upang makatakas.

10 Shots (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon