Chapter 1

58 6 3
                                    

(A.N ... Baka po mag taka po kayo kung  may nababasa po kayong ibang language salita po namin yan sa Bacolod (Hiligaynon) wag po kayong mag alala may nilagyan ko naman po ng tagalog translation hihi para kahit papano po ay maintindihan nyo.)

5 years after..
Bacolod City Negros Occidental

Onnia's POV

"Anthonniaaaaaa!!!" nagising ako napaka tinis na boses ni Fatima

"Ano man?? ka aga aga ka singitan ka!?"
(Ano ba ? kay aga aga nag sisigaw ka!?) inis kung sabi sa kanya.

Si Fatima ang kaibigan ko dito sa Bacolod dating classmate ko sya noon sa Manila nong College kami. Pag ka graduate namin ay umuwi sya dito sa Bacolod at dito nag apply trabaho.

Pareho kaming guro at iisang school lang ang  tituroan naming public school.

"Ayy makakalimutin?? linggo ngayon at mag sisimba tayo ngayon sa Cathedral. Alert alert na Onnia ayokong malate tayo sa misa."

" O sige sige ma himos na"
( O sige sige mag aayos na) pinapasok ko na muna sya sa loob ng bahay ko at pinaupo sa sala

"Anu gusto mo? gatas, kape, juice, tubig ukon tea?"
(anung gusto mo? gatas, kape, juice, tubig o tea?) tanong ko sa kanya habang binubuksan ko ang mga bintana ng bahay ko.

" Juice nalang Onnia. Salamat."
agad din akong nag tungo sa kusina at kinuhaan sya ng juice sa ref.

"oh sandali lang maliligo lang ako." paalam ko dito

"sige dali'un mo ha!"
(sige dali' an mo aa!)

iniwan ko muna si Fatima sa sala para makaligo na. pag katapos maligo agad kong sinuot ang bagong bili kong bistida pag tingin ko sa salimin. nag lagay lang ako ng kunting pulbo at kunting lipstick and jualaaa tapos na and ready to gora na.

"tara na??" yaya ko kay Fatima na inip na inip na sa kakahintay sa akin.

"Sus miyo abi ko indi kana mag guwa sa kwarto mo."
( Sus miyo akala ko hindi kana lalabas ng kwarto mo.) sabi pa nito sakin.

"Sino bang nag sabi sayo na hintayin mo ako?"

"Ayy ako syempre. May lakad tayo ee."

"Ayy ambot sa imo lakat ta"
(Ayy iwan ko sayo. halika na nga) agad ding sumakay kami ng jeep papuntang sibahan.

Buti nalang talaga hindi kami na late sa misa at tamang tama lang ang pag dating namin. Umupo kami sa may bandang likuran dahil medyo puno na sa bandang unahan.

"Mayo lang wala ta nalate no Anthonnia??"
(Buti nalang talaga hindi tayo na late Anthonnia no??) sabi sakin ni Fatima.

"Huo gani mayo lang gid."
(Oo nga e buti nalang talaga)

medyo matagal na kaming naka upo at nakikinig sa misa ay napapansin ko na panay ang lingi sa likuran ni Fatima. Hinayaan ko nalang sya siguro nag hahanap naman ito ng gwapong masa-sight nya.

"Sorry kung na late ako" napalingun ako sa pamilyar na boses mula sa di kalayo'an.

"teacher Jaime buti at nasunod kayo" sabi ni Fatima sa bagong dating na binata at naupo ito sa tabi ng kaibigan ko.

"Hi Teacher Anthonnia" bati nito sakin at  nginitian ko lang sya. "Hi din teacher Fatima" bati nya rin kay Fatima.

Hindi ko lang sila pinansin ni Teacher Jaime at ni Fatima na nag uusap at nakinig nalang ako sa misa.

Pag katapos nag misa ay napag pasyahan naming huwag munang umuwi ni Fatima nag yaya kasi si Teacher Jaime na mag punta sa plaza sa harap ng Cathedral.

Naupo naman kami sa may isang bench malapit sa amin.

"Kamusta ka teacher Anthonnia salamat pala sa pag bita saking makasama kayo ni Teacher Fatima sa pagsimba" pag o-open topic ni Jaime.

"Huh?? aa okay lang naman ako teacher Jaime sakatunayan si Fatima ang nakaisip na isama ka sa pag simba namin." nag taka naman ako sa sinabi nya.

Wala akong natatandaan na niyaya ko syang sumama samin ni fatima sa pag simba ngayon.

aaahh siguro si Fatima naman ang nagyaya kay Jaime pinapalabas nya lang na ako ang yaya.

"Pero ang sabi sakin ni Teacher Fatima gusto mo daw akong sumama sa pag simba nyo." sabi pa nito.

"ahh siguro nga nakalutan ko lang siguro. haha. " ngumiti nalang nang mapait para maitago ang inis ko kay Fatima. humanda talaga ang babaing iyon pag uwi namin sa bahay.

"hayyy daw seryoso ang gina istoryahan nyo nga duwa aa. oh mag bananaque kamo danay"
(hayyy parang seryoso ang pinag uusapan nyong dalawa aa. oh mag barbeque muna kayo), sabi ni Fatima bigla nalang itong sumusulpot kung saan.

"Salamat teacher Fatima"  pasalamat ni Jaime

"ayy sus wala yan sr maliit na bagay."

umupo naman si Fatima sa tabi ko habang kinakain ang bananaque nya. ako man ay lubos na nahihiya kay teacher Jaime dahil sa napaka vocal nitong klasing tao kasi dati pa nyang sinasabi sakin na gusto nya ako at kung binigyan ko daw sya ng chance e liligawan nya ako.

Pero naman kasi tudo effort adin si Jaime at pinupursigihan pa ang panunuyo sakin dahil tinutulongan ng magaling kong kaibigan. Three years na akong sinusuyo ni Jaime at hangang ngayon ay hindi ko padin sya na gugustohan.

Siguro sarado lang talaga ng puso ko para magmahal muli.

Nadinig ko na tumunog ang Cellphone ni Jaime kaya umalis ito saglit para sagutin iyon at naiwan kami ni Fatima na naka upo dito.

" Fatima!"

"Oh bakit?" tanong pa nito habang inuubos nito ang pag kain nya.

"Nga gin hambal mo kay Jaime nga ako nag hagad siya nga mag upod saton masimba?!"
(Bakit mo sinabi kay Jaime na ako ang nag yaya sa kanyang sumama sating mag simba?!)

"Anthonnia gin himo ko lang to para nga mapalapit kamo nga duwa sa isa kag isa. Basi palang ma develop kana sa kay teacher Jaime amung gin hambal ko sa iya mga gusto mo sya ma kaupod. Diba ka romantic?"
(Anthonnia ginawa ko lang naman iyon para mapalapit kayo  sa isa't isa at baka ma develop kana kay Teacher Jaime kaya iyon sinabi ko sa kanya na ikaw ang nagyaya sa kanya diba ang romantic noon?) paliwanag pa sakin ni Fatima.

"Fatima diba gin istoryahan ta na ni ang parti diri. indi ko gusto si Jaime kag indi gd na matabo nga maluyag ko sa iya."
(Fatima diba pinag usapan na natin ang about dito. Hindi ko gusto si Jaime at hindi iyon mangyayari na mag kagusto din ako sa kanya.)
malungkot mang isipin pero kahit na anu pang effort ni Jaime hindi ako maaaring mahulog sa kanya at hindi iyon mangyayari.

"Hayy kaluoy nga teacher Jaime"
(Hayy kawawang teacher Jaime)
sabi ta nito nag pout naman ito nang labi nya.

"Aah teacher Anthonnia,teacher Fatima gusto ko man kayong samahan pero kaylangan ko ng umalis may emergency kasi sa bahay kailangan ko nang umuwi." sabi pa nito halata din sa kanya na nag mamadali talaga ito.

Napatayo naman kami ni Fatima para makalapit sa kanya

"Ahh osige okay lang teacher Jaime sakatunayan uuwi narin kami ni Fatima."

"sige hindi ko na kayo ma ihahatid teacher Anthonnia iba kasi ang daanan ko pauwi. Mauna na ako sa inyo. Bye ingat kayo. Bye teacher Fatima."

"ahh sige teacher Jaime ingat ka nalang. Salamat."

"Halung.." ( ingat)
pahabol pang sabi ni Fatima habang papalayo na samin si Jaime.

"Anu tara uwi na tayo?" tanong skin ni Fatima

"Tara.."

umalis nadin kami ng plasa at pumara nalang kami ng jeep na masasakyan namin pauwi.












_________
Ayannn naka UD nako hintayin nyo lang ang next chapter mga co-readers ko. keep on voting lang po at wag kailimutang mag comment. Salamat ng marami. love love. :-):-) :-*:-*

-Ms. S

YOU'RE STILL MINE  #TheAbsolute2018#KidlatAwards2018#TLA2018#TRPCLAwardsProud2PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon